JERRY OLEA
Birthday ni Direk Jay Altarejos noong Enero 15, 2025, ang unang araw na nasa 23rd Dhaka International Film Festival siya sa Bangladesh.
Nag-compete doon ang pelikula niyang Guardia de Honor na tinampukan nina Allen Dizon, Laurice Guillen, Sunshine Cruz, Therese Malvar, Ina Feleo, at Oliver Aquino. Nagkamit iyon ng Special Audience Award.
Read: Allen Dizon, may kissing scene kay Therese Malvar sa Guardia de Honor

“January 15 pa lang, may screenings na ang Guardia de Honor sa iba’t ibang venues,” kuwento ni Direk Jay via audio file na ipinadala sa PEP Troika nitong Pebrero 4, Martes ng gabi.
“Tapos nung January 17, 5:00 P.M., we presented our film at the auditorium of the Bangladesh National Museum.
“And actually it was well received by the people, no. Antagal ng discussion namin. Ahhmm nag-stay talaga sila for Q&A.
“Kasi siyempre iba yung kultura natin sa kanila. Iba yung religion natin. So na-curious sila about it. Kasi Muslim country ang Bangladesh, e.
“Tapos nagtanong sila about ano… bakit incest? Bakit vulnerable yung mga kababaihan sa Pilipinas?
“So, sabi ko, ‘Siyempre sa isang society na influenced by patriarchy at laganap ang misogyny, talagang vulnerable ang mga kabataan at ang mga kababaihan.’
“Because sa ganitong klaseng society, katulad ng society natin at sa marami pang societies sa buong mundo, ang tingin ng mga kalalakihan sa mga bata at kababaihan ay object.
“So, kumbaga, yun yung historical background niya kung bakit ganun yung pagtingin ko sa pelikula.”
Read: Allen Dizon sees the director as ultimate authority on the set

GUARDIA DE HOMOR STORYLINE
Ang kuwento ng Guardia de Honor ay tungkol sa isang ina na kailangang magsakripisyo upang ma-restore ang honor ng kanilang pamilya.
Pagpapatuloy ni Direk Jay, “Meron pa ngang naglabas sa isang daily nila na parang, ‘Guardia de Honor is a gift from the Philippines.’
“At ang nakakatuwa kasi, karamihan sa mga naka-appreciate talaga ay mga babae at mga kabataan. Youth.
“As a matter of fact, yung sa Screening Committee, karamihan dun, e, mga kabataan na nag-aaral ng film. Talagang gusto nila.
“At yung film kasi, dati colored siya. Like a year ago, colored siya. Tapos we submitted it there. Pero binawi din namin.
“Una, kasi inilagay nila sa Spiritual Section. Tapos kasi, last year, nakapag-promise na kami sa Moscow International Film Festival na doon magwo-world premiere ang pelikula.
“So, binawi namin yung pelikula. So we submitted it again for this year’s edition of Dhaka International Film Festival, at nilagay na nila sa Main Competition. Yung Asian Film Competition.”

GORGY RULA
Pagsisiwalat ni Direk Jay Altarejos, dalawang pelikula lang ang binigyan ng Special Audience Award sa 23rd Dhaka International Film Festival — iyong Guardia de Honor niya at isang Bangladeshi film.

Pahayag ni Direk Jay, “I was really happy with this award. Kasi kumbaga, this particular award was not only given by a panel of five persons like the jury, but it was the audience.
“Parang yung film talaga, nag-resonate siya with the audience. At parang yun din ang thrust ko ngayon.
“Yung maka-touch or makuha niya yung simpatiya, yung atensiyon ng audience ng pelikula.
“Kasi, di ba, minsan parang gumagawa tayo ng art, tapos when we do art, sometimes because we really try to make it high art, it alienates the general audience.
“And I think kaya naman tayo gumagawa ng pelikula ay para sa audience, di ba?
“Ito na yung thrust ko ngayon. Parang I’m not making or creating film for myself only.
“Of course, andiyan pa rin yung I want to express my thoughts through different stories, my beliefs.
“Pero siyempre kailangang may audience. Para sa akin, ang bawat art form, para maging successful, kailangan may audience siya, e.
“Hindi naman siya kailangang malaking-malaking audience, pero kailangang may audience siyang maabot.
“Kasi yun naman ang essence ng paggawa natin ng pelikula. So masaya ako na yun ang naging award namin.
“Kasi sumasagot din siya sa tanong na guiding question ko. Guide question which is part of my vision as a director is — para saan at para kanino ba itong likhang-sining natin?
“Hanggang maaari, para sa akin, ahhmm sana para sa tao. Hindi sana. Ang ginagawa natin ay para sa tao, para sa mas nakararaming tao.”
Malaking festival iyong 23rd Dhaka International Film Festival.
“There were 200 films more or less. It’s kinda big,” sambit ni Direk Jay.
Read: Enzo Pineda grateful for Best Actor win at Emirates Film Festival
NOEL FERRER
Pinaplano na ni Direk Jay Altarejos at executive producers na sina Art Cruz at Riz Cruz ang limited release ng Guardia de Honor sa Pilipinas.
“Kasi alam ko magre-resonate siya with the audience. The audience can identify with it,” pananalig ni Direk Jay.
“And can remember the event that inspired this film. Yung shooting ng policeman sa mag-ina noong latter part of 2020. Lockdown yun, di ba?
“Parang we condemn the policeman. We condemn the police system.
"So, ito yung result of my analysis kumbaga of that situation. Na gumawa ng isang pelikula.
“Kasi nung panahon na yun, nung may isang policeman na pumatay in broad daylight, nag-viral yun. In broad daylight.
“Sa akin, palagi ko kasing tinatanong, pag may mga ganyan na parang cold bloodedly pumapatay ng tao… parang gusto mong tanungin.
“Anong klaseng pamilya meron itong taong ito? Parang it is right to condemn the killer or the perpetrator but it is also good to ask questions about it.
“Yung papaano napo-form yung ganung tao, ganung pag-iisip? So, yun kumbaga yung pinaka-thesis ng pelikula — what family breeds a killer?”
Produced by ADCC Productions in collaboration with 2076KOLEKTIB, CreatPH, and the Film Development Council of the Philippines (FDCP), Guardia de Honor was made possible through FDCP's International Film Festival Assistance Program (IFFAP).
Pinagkalooban ng FDCP si Direk Jay ng travel grant para makapunta sa 23rd Dhaka International Film Festival, kung saan nagtagal siya nang anim na araw.
“Libre yan. Mula pa nung sa Moscow, binigyan din nila kami ng travel grant. Para sa akin, malaking tulong yun,” sey ni Direk Jay.
Read: FDCP chairperson Joey Reyes asked about future of Cinemalaya
