GORGY RULA
Ang saya ng pakipagbardagulan ni Herlene Budol sa media conference ng bagong drama series niyang Binibining Marikit nitong Lunes, Enero 3, 2025.
Pero ang unang pasabog ng komedyana ay ang ibinunyag nitong nagpa-psychiatrist siya para ma-handle nang maayos ang mga isyung kinasangkutan niya noon bago matapos ang Magandang Dilag.
Nagkaroon sila ng isyu ng leading man niya roon na si Rob Gomez, kung saan kumalat sa social media ang private conversations nila.
Matagal din itong pinagpiyestahan sa social media.
Read: Herlene Budol explains context behind private convo with Rob Gomez; says, “Indi ako hayok sa laman.”
HERLENE ON SEEKING PSYCHIATRIST'S HELP
Nahirapan daw siyang tanggapin ang mga inabot niyang panghuhusga, pagkutya, at bashing mula sa netizens.
“Nagpadoktor po ako para, I mean po, ma-process po siya nang maayos sa akin kung bakit may mga ganung klase ng tao na talagang hihilahin ka pababa kapag alam nilang itinataas ka ng Panginoon…
"Nagpa-help po ako sa doktor para matanggap ko yung mga sinasabi sa akin ng mga tao.
“Kasi, para ma-overcome ko po lahat. Mabigat po, e, na paratang sa akin.
"Kaya parang hindi ko po siya kaya, mahirap po yung naging sitwasyon ko nun at mahirap po mag-move on sa ganung sitwasyon na alam ng Panginoon kung ano yung tama at mali,” saad ni Herlene.
Pero ngayon ay okay na raw siya at masasabing nakapag-move on na siya sa karanasang iyon.
“Ang tanong, naka-move on na ba ang mga tao?” sagot agad ni Herlene, at doon na niya ikinuwento ang tungkol sa pag-seek niya ng tulong sa isang psychiatrist.
Magsisimula ang Binibining Marikit sa Afternoon Prime ng GMA-7 sa February 10, pagkatapos ng It’s Showtime.
Read: Herlene Budol reacts to alleged private convo with Rob Gomez
JERRY OLEA
Ang guguwapo ng dalawang leading men ni Herlene sa Binibining Marikit na sina Tony Labrusca at Kevin Dasom, at ang kuwela nga ng kuwento ni Herlene sa kissing scene na ginawa nila.
Pero dito ba sa Binibining Marikit ay nakatitiyak siyang hindi mangyayari ulit sa kanya ang isyu nila ni Rob Gomez?
“Wala na pong kainan na magaganap!” nakakalokang sagot nang tinanong siya ng PEP contributor na si Rommel Gonzales.
Dagdag ni Herlene: “Kasi po, parang yun naman ang pinupunta natin dito, bakit hindi pa natin sabihin!
“Kasi hindi mo talaga maiwasan na ma-in love talaga sa ka-partner. Kaya ayoko pong magsalita nang tapos.
“Pero ayoko din pong maulit yung trauma na ibinigay sa akin nung last na co-actor ko, na parang ang bigat na hindi ako naipagtanggol, na walang boses na nagsalita.
“Pero dito po sa Binibining Marikit, nakikita ko naman po sa kanilang dalawa na with or without issue ay ipagtatanggol nila ako, dahil sobrang gentleman po ng dalawang tao na ito, at sobrang blessed po ako dahil sila po yung ka-partner ko.”
Read: Herlene Budol, pinayuhang huwag munang magpakakontrobersiyal?
NOEL FERRER
Base sa trailer ng bagong afternoon drama na Binibining Marikit, parang halos magkapareho ang role na ginagampanan ni Herlene.
Pero ayon kay Herlene, naitama niya rio sa Binibining Marikit ang mga mali niyang nagawa noon sa Magandang Dilag.
“Ang dami ko pong natutunan sa Magandang Dilag na dito ko po mas itinama ang pagkakamali ko dun.
“Kasi siyempre, bilang baguhan po, talagang inaral ko po yung karakter ng bawat isa. Alam po natin na magkaiba sila, pero yung puso po, talagang meron pa rin po kagaya ng Magandang Dilag.
“At saka dito po sa Binibining Marikit, mas pina-light po siya compared sa Magandang Dilag. Pero ito pong pagiging light, pero ang bigat niyang dalhin.
“So, yung light yung story ba, pero alam mong may bigat. Kasi pag pinag-usapan ang pamilya, mabigat talaga siya para sa akin.
“So, makita mo yung may pagkakaiba, yung mas may puso, yung mas may diin na, may kurot,” sabi pa ni Herlene.
Kasama rin sa Binibining Marikit si Pokwang, na halos dalawang taon ding hindi nakagawa ng teleserye.
Dagdag pa sina Thea Tolentino, Almira Muhlach, Cris Villanueva, Ashley Rivera, Jeff Moses, Migs Almendras, at John Feir.
Mula ito sa direksiyon ni Jorron Lee Monroy.

