PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tolome at Alyas Pogi, nagharap sa Walang Matigas Na Pulis

Walang Matigas Na Pulis, inikot ang CaManaVa, Manila, at Quezon City.
by PEP Troika
Published Feb 1, 2025
bong revilla as tolome alyas boy pogi
Bong Revilla as Tolome (left) and Alyas Boy Pogi (right) face off in the last two episodes of the action-comedy series Tolome, Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Inikot ng buong cast ng Tolome, Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ang CaMaNaVa, Maynila, at Quezon City para i-promote ang action-comedy series na magtatapos na ang Season 3 bukas, February 2, 2025, Linggo ng 7:15 P.M., sa GMA-7.

Nagsimula sa umaga ang motorcade na pinangunahan ni Senator Bong Revilla, kasama sina Beauty Gonzalez, Carmi Martin, Dennis Padilla, Niño Muhlach, at Maey Bautista.

Nauna nilang binaybay ang Navotas patungong Malabon at Caloocan City.

Pagdating ng tanghali ay nag-lunch mula sila sa SM San Lazaro sa Maynila para doon naman sa Kamaynilaan sila umikot papuntang Quezon City.

Read: Bong Revilla thrilled to be working with Jillian, Beauty again

walang matigas na pulis castWalang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis cast members (from left) Carmi Martin, Maey Bautista, Beauty Gonzalez, Bong Revilla, Dennis Padilla, Nino Muhlach, and King Gutierrez; with director Enzo Williams.
Photo/s: Ramon Bong Revilla Jr. Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TOLOME MEETS ALYAS POGI

Nakasabay kami sa kanilang lunch sa Cabalen restaurant at nakatsikahan namin doon ang cast.

Proud si Bong sa finale episode ng Tolome, dahil parang pelikula raw ang pagkakagawa ng direktor nilang si Enzo Williams.

Nagawa ni Direk Enzo na pagharapin niya sina Alyas Pogi at Tolome na parehong ginampanan ni Bong.

Si Alyas Pogi ay isa ring karakter na pinasikat ni Bong sa pelikula.

“Pinagawa sa akin ni Direk, pero sa telebisyon. Pero ang hirap talaga,” bulalas ng actor-politician.

“Kung makikita niyo naman yung pagka-execute ni Direk, pinagharap niya si Pogi, di ba… in one frame si Pogi at si Tolome, magkaharap.

“Ang galing ng pagka-execute ni Direk. Hindi nahalata, e, even yung barilan."

Read: Bong Revilla, binalikan ang ilan sa pinasikat niyang characters

tolome alyas pogi walang matigas na pulis
Tolome (left) and Alyas Pogi (right) encounter in Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy niya: “Kapag napanood niyo yung last [week] episode, yun yung last, e, yung nasaksak pa si Tolome. Kaya maganda kapag mapanood niyo.

"Kung wala kayong gagawin bukas, panoorin niyo yung last episode ng Tolome, yun yung magandang mga… ipinagmamalaki ni Direk yung episode na yun.

“Parang pelikula. Yung tumalon ang motorsiklo ni Pogi…nakasakay sa motor.

“Hindi pang-TV yung ginawa namin, pampelikula. At least itinaas yung level ng series, no? Yung standard sa television,” pagmamalaki ni Bong.

Tiniyak ni Bong na pagkatapos ng eleksyon ay babalik ang action-comedy nilang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.

“Yes, tuloy pa rin,” pakli niya.

Iyon pa rin daw ang casting, lalo ang asawa rito ni Tolome na si Gloria, na ginagampanan ni Beauty Gonzalez.

Nakakatuwa raw ang komentong nakarating sa kanila na bagay sila ni Beauty at nakikita namang kumportable sila sa isa’t isa.

“Siguro hindi tayo makaka-Season 3 kung walang chemistry,” sabi pa ni Bong.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Bong Revilla mag-aaksyon pa rin bago mag-60

NOEL FERRER

Pinag-usapan din ang balak ni Bong na paggawa ng pelikula.

Gusto raw niyang makagawa na pang-MMFF ngayong taong ito, pero dapat daw talaga ay maganda ang kalidad.

“Gusto ko talaga gumawa ng pambata. Kasi pag-Pasko, dapat buong pamilya ang manonood.

“Meron pa rin namang pambata, gaya nung mga comedy, yung kay Vice Ganda, kaya nga nag-No. 1,” pagtukoy ni Bong sa pelikula ni Vice na Ang The Breadwinner Is..., na topgrosses sa MMFF 2024.

Pero maraming dumadaing na mahal ang tiket sa sinehan, kaya patuloy raw na pinag-uusapan nilang mga mambabatas kung kaya bang pababain ang presyo ng tiket sa sine.

“Sa sobrang mahal ng sine, iyon yung pinag-aralan namin. We mentioned this to the president, kay President Bongbong [Marcos], na baka puwedeng ibaba nang konti sa sine.

“Siyempre makakalaban natin diyan mga theater owners.

"Yung producer, hindi naman lahat ng pelikulang gagawin nila, super hit, e, di ba? Paano kung so-so o kaya hindi kumita, dahil hindi naman araw-araw ay Pasko, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, kailangan siguro ibaba natin nang konti para ma-afford ng ibang manonood para ma-experience nila ulit na makabalik sila ng sinehan,” pakli ni Bong.

Read: MMFF 2024: Tatlo o apat na pelikula lang ang kumita sa box office

JERRY OLEA

Naniniwala si Senator Bong Revilla na unti-unti nang bumabalik ang interes ng mga taong manood sa sinehan, basta maganda ang pelikula.

“Kailangan talaga ng suporta ng gobyerno sa movie industry para buhayin. Just like what they did sa Korea. Siguro para makabangon,” sambit ng actor-politician.

“Although, sa tingin ko naman yung tao, bumabalik na sa sine, e. Nandiyan na, e.

“May mga kumita, bilyun-bilyon, e. Like yung kay KathDen, di ba? Yung kay Dingdong-Marian, bilyun-bilyon yung kinita nila.

“So, ibig sabihin pag gusto ng tao, papanoorin nila,” saad ni Bong.

Ang tinutukoy ng senador ay ang Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards; at ang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyangapala, sa Pebrero 12 ay showing na sa local cinemas ang pelikulang Paquil kung saan bida sina Beauty Gonzalez at JM de Guzman.

Read: Beauty Gonzalez admits to being a stage mother to daughter Olivia's acting debut

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bong Revilla as Tolome (left) and Alyas Boy Pogi (right) face off in the last two episodes of the action-comedy series Tolome, Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results