JERRY OLEA
Enero 29, 2025, Miyerkules, inilunsad ang ex-girlfriend ni Anthony Jennings na si Jamela “Jam” Villanueva bilang endorser ng isang dental clinic.
Ibinahagi ni ate sa kanyang Instagram account ang billboard ng nasabing ensorsement.
Read: Jam Villanueva still in the process of forgiving Anthony, Maris
Enero 30, Huwebes, inilabas ng Netflix Philippines ang trailer ng pelikulang Sosyal Climbers kung saan bida ang MaThon tandem nina Maris Racal at Anthony.
Andami nilang mahaharot na eksena sa trailer, na sa ending ay bigay na bigay sila sa kissing scene.

Dayalog ng isang karakter, “Anong balak mo? Bubuhayin mo si Jessa sa panloloko?”
Ang logline ng Sosyal Climbers, “Stuck with a massive debt after falling for a scam, two wannabe socialites create elaborate fake identities to swindle the rich out of their money.”
Pebrero 27 ang streaming ng Sosyal Climbers.
Read: Maris Racal and Anthony Jennings reunite after controversy
INCOGNITO DROPS TO NO. 2 IN TOP 10 TV SHOWS
Ngayong Enero 31, Biyernes, bumaba na sa pangalawang puwesto ang action-drama series na Incognito sa talaan ng Top 10 TV Shows ng Netflix PH.
Tampok sa Incognito sina Maris at Anthony, kasama sina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Baron Geisler, Ian Veneracion, at Kaila Estrada.

Twelve (12) consecutive days na nanguna ang Incognito sa nasabing listahan — mula Enero 19, 2025 hanggang Enero 30.
Take note na iyong Lavender Fields ay twenty-seven (27) consecutive days na nanguna — mula Setyembre 2, 2024 hanggang Setyembre 28.
Ang Pulang Araw ay fourteen (14) consecutive days na number one — mula Hulyo 28, 2024 hanggang Agosto 10.
Ang Can’t Buy Me Love ay twenty-three (23) consecutive days na number one — mula Oktubre 16, 2023 hanggang Nobyembre 7.
Read: Incognito: kumusta ang premiere sa Netflix?
TOP 10 TV SHOWS ON NETFLIX
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix:
- The Trauma Code: Heroes On Call
- Incognito
- Sakamoto Days
- The Night Agent
- Devil’s Diner
- Squid Game
- XO, Kitty
- Single’s Inferno
- Love Squad
- Solo Leveling
NOEL FERRER
Hindi pala idadaan sa mga sinehan ang Sosyal Climbers nina Maris Racal at Anthony Jennings.
Oh well, baka nga mas bagay na ito sa streaming platform.
So after this, ibi-buildup pa rin ba sila ng ABS as a tandem o solo-solo na? Honestly, sana solo-solo na.
Yung personal, bahala na sila, matanda na sila.
Read: What to expect from Maris Racal, Anthony Jennings in Incognito
GORGY RULA
Marami ngang kaabang-abang sa Netflix, at pinakamaingay itong Sosyal Climbers ng MaThon.
Nagsimula na rin ngayon ang Netflix streaming ng Balota ni Marian Rivera.
Okay ang resulta nito sa takilya, at mukhang aariba rin ito sa No. 1, at hindi iyan pababayaan ng mga fans ng GMA Primetime Queen.

INCOGNITO, BATANG QUIAPO BEING CLOSELY MONITORED BY MTRCB?
Samantala, mas buo at walang napuputol sa napapanood natin sa Netflix, kaya karamihan ay mas nae-enjoy nila ang mga sinusubaybayang series dito.
Kagaya nitong Incognito, ang tindi ng action scenes.
Nakakabigla ang mga eksena sa latest episode na bigla na lang namatay si Donato, na ginampanan ni Elijah Canlas.
Ganun-ganun lang din ang pagpatay sa karakter ni Belle Mariano.
Kahit si Jane de Leon ay basta-basta na lang tumimbuwang sa pagbaril ni Daniel Padilla.
Hindi ko napapanood sa telebisyon ang Incognito, pero tiyak na nasa-sanitize na ito.
Napag-alaman namin sa ilang reliable source na ilang beses pala itong napapatawag sa MTRCB, gawa ng may mga nae-X na episodes.
Kahit daw ang FPJ’s Batang Quiapo ay bumi-bingo sa MTRCB, kaya dapat na rin silang mag-ingat.
Ang sabi pa ng nagkuwento sa amin, mas napupuri raw ng taga-MTRCB ang karamihan ng programa ng GMA-7 dahil sumusunod sa dapat na ipalabas sa telebisyon.
Isa raw sa pinuri ng MTRCB ay ang My Ilonggo Girl ni Jillian Ward. Maganda rin ang ratings nito.
Siyangapala, patuloy pa ring nasa No. 1 ng Top 20 series ng VIU ang How To Spot a Red Flag ng DonBelle loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
