JERRY OLEA
Hindi na makakadalo ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa 2025 Manila International Film Festival (MIFF) na gaganapin sa Marso 4-7 sa California, USA.
Originally ay Enero 30-Pebrero 2 ang 2nd edition ng MIFF. Ipinagpaliban iyon dahil sa Southern California wildfires.
“We can no longer join the postponed MIFF,” pahayag ni FDCP Chairperson Jose Javier Reyes sa mediacon nitong Enero 27, 2025, Lunes, sa Limbaga 77 restaurant, Sct. Limbaga St., Quezon City.
“The MIFF will be held sometime in March but it is too close to the Hong Kong film mart and… yung gastos, di ba?!
“Yung limited na gastos. So unfortunately we couldn’t make it. Alam niyo, sayang. Dapat ngayon ang alis natin, ano? Dapat ngayon ang alis namin kung hindi nagkasunog sa L.A.
“Dapat kasabay namin si Paolo Villaluna na director-general ng FAP [Film Academy of the Philippines]. Pati si Dingdong Dantes, sasama, sa AKTOR.
“Kasi may mga meeting na kami dapat with the Screen Actors Guild, with the Producers Guild, sa AMPAS, e, wala, e! Nagkasunog!
“Kaya nung ginawang March, medyo gahol na sa oras dahil nakadikit na sa iba’t ibang mga pupuntahan naming festivals.”
Read: Ricky Lee says 50th MMFF is a success despite naysayers

FDCP UPCOMING BIG EVENTS
Sa Pebrero ay tutungo ang FDCP sa Clermont-Ferrand International Short Film Festival and Short Film Market sa France, ganoon din sa The European Film Market ng Berlinale o Berlin International Film Festival.
Sa Marso, merong Philippine Pavilion sa Hong Kong International Film and TV Market.
“Our big event is the Hong Kong film mart. This is kasi one of the major Asian markets. Dito, marami-rami kaming pupunta,” sabi ni Direk Joey.
“We’re putting up a booth for Philippine producers who cannot afford to put up a booth.
“Viva lang yata ang may sariling booth among the producers, no. So we’re putting up a booth for others to be able to use the Philippine booth if they want to sell or buy films, OK.”
Sa schedule na inilabas ng MIFF 2025, nakalagay ang pangalan ni Dingdong sa panelists para sa Agents, Managers, & Casting Directors Roundtable sa Marso 5, Miyerkules ng 1:00-4:00 P.M. sa Kookaburra Lounge.
Tutuloy ba sina Dingdong at Direk Paolo sa MIFF 2025?
“Hindi na. Dapat sabay kaming tatlo. May mga appointment kami bago mag-festival,” tugon ni Direk Joey.
Nakansela na ang mga appointment nilang iyon.
Read: Manila International Film Festival sa LA, dapat pa bang ituloy?
ISANG HIMALA NOT SHOWING IN MIFF
Mag-i-streaming na sa Netflix umpisa Pebrero 13, 2025 ang pelikulang Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
May screening ang reunion movie ng KathDen sa Marso 5 din, 2:45-4:45 P.M., sa TCL Chinese Theatre (6).
Kasunod niyon ang 15-minute Q&A, na inaasahang dadaluhan ni Alden.
Hindi kulelat sa MMFF 2024 ang rock musical na Isang Himala, pero walang naka-schedule na screening nito sa 2nd edition ng MIFF. NKKLK!!!
Tig-iisa ng screening iyong siyam na 50th MMFF entries, at pagkatapos ng bawat screening ay may tiglalabinlimang minuto na Q&A.
Sa Marso 5 ang screening ng The Kingdom, And The Breadwinner Is, Espantaho, at Topakk.
Sa Marso 6 ang screening ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, Hold Me Close, Uninvited, My Future You, at Green Bones.
Walang nakalagay na pangalan kung sinu-sinong cast members ang panauhin sa screenings ng siyam na MMFF 2024 entries.
Noong una pa man, sa pagkakaalam ko ay walang artistang pupunta mula sa Uninvited, And The Breadwinner Is, at Isang Himala.
Meron ding screening ang Eraserheads: Combo on the Run, The Debut, Love Hurts, Nurse Unseen, Song of the Fireflies, at Faith Healers sa MIFF 2025.

Ang Awards Gala ay sa Marso 7, Biyernes ng 5:00-11:00 P.M. doon pa rin sa sosing The Beverly Hilton Hotel.
Read: MMFF 2024: Tatlo o apat na pelikula lang ang kumita sa box office

GORGY RULA
Sa original schedule ng 2nd MIFF, marami-raming artista ang nag-confirm na sasali, lalo na sa team ng The Kingdom.
Pero ngayong sa Marso na ito gaganapin, hindi pa ako nasagot ng ilang napagtanungan ko kung kasali pa rin sila.
Sana, mas maayos na ito ngayon.
Ang isa pa sa inaalam natin ay kung matutuloy ba ang 2nd Summer Metro Manila Film Festival.
Ayon sa ilang taga-MMFF, pinag-uusapan pa raw kung matutuloy.
Ia-announce naman daw kung ano ang napagdesisyunan ng Executive Committee.
Sakaling matutuloy man, baka sa June na raw ito gagawin.
Read: MMFF 2024 awards results stay, kahit maraming kuda at hanash
NOEL FERRER
Hinihintay pa ng lahat ang final casting ng lilipad pa-Los Angeles sa March.
Sayang, kasi dati confirmed si Judy Ann Santos na mag-MIFF.
Kaso mo, kasabay na ito ng Fantasporo International Film Festival na pupuntahan ni Juday kaya malamang ibang cast member na ang pupunta.
Sina Dennis Trillo at Ruru Madrid ay nag-confirm noong una sa January — pero with the hectic skeds ng kanilang mga bagong soaps like Sanggang Dikit at Lolong: Bayani ng Bayan, sana magawan pa nila ng paraan ang paglipad papuntang LA for Green Bones.
Makikibalita pa rin talaga tayo kasi panibagong pag-aayos ng schedule ito.
Tungkol naman sa Summer MMFF, I’m all for it.
Kailangan ng industriya natin ng ganitong events na may built in publicity at support sa pagre-release ng Filipino films.
We have yet to meet about this sa MMFF Execom pero sana nga, by June na.
Kasi hindi na nagwo-work iyung dating Sabado de Gloria na movie sked.
Nag-iba na talaga ang habits ng mga Pinoy sa panonood ng sine. Kailangan na nating mag-adjust!
Read: Dennis Trillo, Judy Ann Santos lead MMFF 2024 Gabi ng Parangal
