PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Darryl Yap nag-react sa statement ng MTRCB tungkol sa Pepsi movie

Darryl Yap, hindi raw alam ang karagdagang requirements na hinahanap ng MTRCB.
by PEP Troika
Published Jan 29, 2025
darryl yap pepsi paloma movie
Director Darryl Yap (left) on MTRCB's statement about his Pepsi Paloma movie starring Rhed Bustamante (right): “Wala akong intensyon na maging adelantado o pangunahan o magsabi ng mali, pagbibigay ko ng update iyon sa mga nakasubaybay. Hindi ako aware sa hinihingi nilang additional, magpapareview lang ako ng pelikula, at bahagi naman ng pagrereview ang paghingi ng requirements… hindi ko alam ano itong pahayag na ito."
PHOTO/S: Darryl Yap Facebook

JERRY OLEA

Nagpaliwanag ang direktor na si Darryl Yap sa Facebook ngayong Enero 29, 2025, Miyerkules ng hapon, kaugnay sa nai-post niya sa FB the day before na, “Our film is now being reviewed by the MTRCB.”

Nitong Wednesday morning ay nilinaw ng MTRCB na hindi pa nila nire-review ang 17th movie ni Direk Darryl Yap na The Rapists of Pepsi Paloma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng pahayag ng MTRCB: “Taliwas sa maling pahayag, nilinaw ng MTRCB na ang pelikulang Pepsi Paloma ay HINDI TOTOONG kasalukuyang nirerebyu dahil hindi pa kumpleto ang mga kinakailangang requirements na isinumite ng PinoyFlix.

“Binibigyan linaw ng Ahensiya na HINDI TINANGGAP ng MTRCB Registration Unit ang mga materyales na isinumite ng kinatawan ng Pinoyflix sapagkat hiningan ng MTRCB Legal Affairs Division ang nasabing distributor ng Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Kriminal mula sa Regional Trial Court, Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Sibil mula sa Department of Justice, at Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Administratibo mula sa Office of the City Prosecutor.

“Bilang parte ng standard review process ng Ahensiya, nakipag-ugnayan kahapon ang Legal Affairs Division sa distributor upang ipabatid ang mga kulang na requirements…”

Ang distributor ng TROPP na sinulatan ng MTRCB ay si G. Jose R. Olinares Jr. na presidente ng Pinoyflix Films and Entertainment Production.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: MTRCB, nilinaw na hindi pa nire-review ang Pepsi Paloma movie

DARRYL YAP EXPLAINS MISUNDERSTANDING

Ang FB post ni Direk Darryl kaugnay sa misunderstanding na ito (published as is):

“Ang nagpaMTRCB po ng pelikula namin ay ang distributor, tinanong ko naman kung tinanggap ang materials, umoo naman.

"10am pa lang nandun na raw sila — after lunch nagpapaupdate ako, may meeting daw na sinet para sa legal, gabi na ng mabasa ko ang letter para sa mga additional requirements na hindi naman hiningi sa mga pelikula ko noon, 16 films din yun.

“nandun naman ang pelikula ko —

"hindi ko alam kung napanood nila o hindi —

"o sige kunwari di pa nila napanood, nandun na eh.

“pag pumunta ka sa MTRCB, natural papareview ka, so sabi ko nung nakapasok na sa portal ng distributor at nandun na sila sa MTRCB, nagpapareview kami o nirereview na. hindi naman nandun iyon for safekeeping.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Wala akong intensyon na maging adelantado o pangunahan o magsabi ng mali, pagbibigay ko ng update iyon sa mga nakasubaybay.

“Hindi ako aware sa hinihingi nilang additional, magpapareview lang ako ng pelikula, at bahagi naman ng pagrereview ang paghingi ng requirements… hindi ko alam ano itong pahayag na ito.

“sa ayaw at sa gusto ng sinuman sa industriya, Pilipino ako at manggagawa ng sining, bahagi ako ng industriyang hindi pagmamay-ari ng kahit na sino.

“Hindi ako kalaban ng kahit na sino kahit pa ang tingin sa akin ay kaaway.

“wala na kaming pondo para sa mga susunod na hakbang kung di kami maipapalabas sa Feb. 5

“ganunpaman, nirerespeto ko ang MTRCB, kung hindi pa nila nireview, okay. pero wag akong gawing sinungaling sa maliit na detalye —

"Gumawa ako ng pelikula, bahagi yan ng industriya; ng mga karapatan at kalayaang kaakibat nito, Pelikula ko lang ang pinapasuri ko, hindi ang aking pagkatao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Movie and Television Review and Classification Board ay pinamumunuan ni Lala Sotto-Antonio, anak ni former Senate President Tito Sotto at pamangkin ng Eat Bulaga! host na si Vic Sotto.

Naghain ng 19 counts of cyber libel si Vic laban kay Darryl dahil sa pagbanggit ng pangalan ng TV host-comedian sa controversial teaser video ng The Rapists of Pepsi Paloma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vic Sotto files 19 counts of cyber libel against Darryl Yap

GORGY RULA

Ipina-review ba sa MTRCB iyong previous movies ni Direk Darryl na walang theatrical release at nag-premiere sa streaming platform, partikular sa Vivamax (rebranded as VMX)?

Marso 2020 lumaganap ang COVID-19 pandemic at nagsara ang mga sinehan sa bansa.

Nobyembre 10, 2021 nag-reopen ang local cinemas.

Sa pagbubukas ng mga sinehan, buwena manong pelikula sana ang Yorme: The Isko Domagoso Story pero naudlot ang theatrical showing niyon noong Disyembre 1, 2021.

Disyembre 15, 2021 ipinalabas sa mga sinehan ang local movies na Caught in the Act at Ilocano Defenders: War on Rape na parehong matamlay.

Maski iyong MMFF 2021 ay dahop sa sigla.

Entries doon ang The ExorSis, Huwag Kang Lalabas, A Hard Day, Kun Maupay Man It Panahon, Big Night, Love at First Stream, Huling Ulan sa Tag-araw, at Nelia.

Read: Big Night, big winner sa MMFF 2021 Gabi ng Parangal; Christian Bables, first choice bilang Dharna

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pawang sa streaming services ipinalabas ang 2021 movies ni Direk Darryl na Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar, Tililing, Ang Babaeng Walang Pakiramdam, Gluta, Revirginized, 69 + 1, Ang Manananggal na Nahahati ang Puso, Sarap Mong Patayin, Barumbadings, at Pornstar 2: Pangalawang Putok.

Dumaan ba sa MTRCB ang 2021 movies ni Direk Darryl?

Read: Darryl Yap movies: Sparking conversations, stirring up controversies

NOEL FERRER

Parang iwas na lang ako sa pagko-comment tungkol kay Darryl Yap para less na rin siyang pinag-uusapan pati na ang proyekto niya.

I will let the good lawyer Jesus Falcis do the talking.

Post ni Atty. Jesus Falcis sa Facebook this Wednesday afternoon: “Talo na nga sa Round 1, talo ulet sa Round 2.

“Hindi na nya mapapalabas yang pelikula sa theaters. Hindi yan mabibigyan ng rating ng MTRCB — not because they want to censor TROPP [The Rapists of Pepsi Paloma] but because may conflict sa batas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The MTRCB law requires that films to be shown are not covered by sub judice or pending criminal cases — which TROPP is covered because may cyber libel case pa.

“Wala tuloy paawa effect na pwedeng gawin si DY dahil yung gusto nya na i-X or i-censor ng MTRCB yung film nya ay hindi mangyayari — the movie CANNOT LEGALLY be reviewed to begin with.

“Wawa naman…”

Read: Muntinlupa court orders takedown of Pepsi Paloma teaser video

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Darryl Yap (left) on MTRCB's statement about his Pepsi Paloma movie starring Rhed Bustamante (right): “Wala akong intensyon na maging adelantado o pangunahan o magsabi ng mali, pagbibigay ko ng update iyon sa mga nakasubaybay. Hindi ako aware sa hinihingi nilang additional, magpapareview lang ako ng pelikula, at bahagi naman ng pagrereview ang paghingi ng requirements… hindi ko alam ano itong pahayag na ito."
PHOTO/S: Darryl Yap Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results