JERRY OLEA
Kakaldag muli si Mark Herras sa Apollo male entertainment bar sa Enero 31, 2025, Biyernes!
Read: Mark Herras, nag-show sa isang male entertainment bar
Ang nasabing gay bar ay nasa 717-B Roxas, Boulevard, Baclaran, Parañaque City. Malapit lang ito sa Baclaran Church.
Noong Enero 10, 2025 naunang nagtanghal ala-Magic Mike si Mark sa nasabing gay bar. Ang door charge noon ay PHP500.
This Friday night, PHP500 pa rin ang door charge.
Ano ang ma-i-expect sa performance ni Mark this time?
“Sexier and wilder!” sabi ng program host na si Mommy Genesis “MamiGen” Gallios via Messenger ngayong Enero 29, Miyerkules ng hapon.
“Mas maraming guwapo ang magso-show. Mas pasabog! Grand finals kasi iyon ng Man of the New Millennium contest.
“Very special guest ang Bad Boy of the Dance Floor.”

ACTOR NA NA-DISCOVER SA GAY BAR
Take note na sa Apollo na-discover ang isang morenong aktor na dakilang tunay, at nag-frontal nudity na sa pelikula.
“Pero inactive siya sa Apollo nowadays. Nakagarahe siguro, kaya vacation mode muna,” wika ng isang insider.
Dating star dancer ng Apollo ang isang tisoy na hubadero na nakailang pelikula na sa VMX.
Umalis na sa Apollo si Tisoy, at lumipat daw sa isang gay bar sa Quezon City kung saan entertainer din ang isang indie actor na walang kiyeme sa pagbubuyangyang ng kanyang private part.
Teka! Suma-sideline pa ba sa Apollo ang member ng defunct group na Viva Hot Men na in fairness ay makisig pa rin?
BOOTS ANSON-ROA-RODRIGO BIRTHDAY
Siyanga pala, sa Friday night na rin iyong Groovin’ Boots concert sa Music Museum sa Greenhills, San Juan City, Metro Manila.
Fundraiser iyon kaugnay sa 80th birthday ni Boots Anson Roa-Rodrigo. Beneficiary ang Mowelfund kung saan chairperson si Tita Boots.
Tampok sa Groovin’ Boots sina Leah Navarro, Ding Mercado, Ray An Fuentes, at Pat Castillo.
Panauhin sina Mitch Valdes at Nanette Inventor. At 8:00 p.m. iyong Groovin’ Boots.
Iyong performance ni Mark ay malamang na past midnight pa.
Read: Mark Herras says no bad blood with Sparkle; still with GMA-7

NOEL FERRER
Work is work talaga!
Sa Groovin’ Boots, ang malilikom na pera ay pupunta sa Mowelfund.
Ang tanong ko, hindi kaya parte ng grupong Mowelfund si Mark Herras na isang movie worker din?
Oh well, desisyon naman iyan ni Mark na fully aware naman sa ginagawa niya, at wala siyang pakialam sa sinasabi ng iba since iyan ang nakikita niyang paraan para buhayin ang kanyang lumalaking pamilya.
Question ko lang, wala na bang puwang sa showbiz si Mark para may alternative naman siya maliban sa pagsasayaw sa gay bar?
Oh well, ngayong pinag-uusapan siya, sana ay magbukas ito ng mas maraming oportunidad para makapagtrabaho ulit sa showbiz.
GORGY RULA
Nang ibinalita natin ang pag-perform ni Mark Herras noong January 10, ang daming nagkainteres na interbyuhin siya.
Ang iba ay para sa kanilang YouTube channel. Hindi ko alam kung pinagbigyan sila ng kauna-unahang Male Ultimate Survivor ng StarStruck.
Karamihan namang feedback na nakarating sa amin ay wala naman daw masama sa pag-perform ni Mark sa isang male entertainment bar o gay bar.
Nagtataka lang sila, bakit hindi raw minahalan ang presyo ng ticket, dahil bihira lang naman nangyari ito na may magpe-perform na celebrity sa ganung lugar.
Mas marami ang curious kung magkano ba talaga ang talent fee riya ni Mark. Totoo raw bang PHP300,000 ang ibinayad sa kanya sa maikling performance niya noong January 10?
Wala silang ibinigay na ideya kung magkano ang ibinayad kay Mark.
Basta ang laki raw ng kinita ng Apollo noong gabing yun dahil napuno ang naturang bar.
Supposed to be ay may client na magti-table kay Mark.
Sabi ng source ng PEP Troika, “Para mai-table si Mark, dapat umorder ng at least limang bote ng alak. Bawat bote, PHP25K. So, gagastos dapat ng hindi bababa sa PHP125K para mai-table si Mark.
“Hindi dumating iyong nagpa-reserve na client. Walang naka-afford na maka-table si Mark that night.”
Tingnan natin this weekend kung merong maglulustay ng limpak-limpak na salapi para makausap at makainuman si Mark sa gabing yun.
