JERRY OLEA
Seven years old pa lang si Lorna Tolentino nang una niyang makatrabaho si Gloria Romero sa pelikulang Lumuha Pati Mga Anghel (1971), sa direksiyon ni National Artist Lino Brocka.

Memorable din ang iba pang mga pelikulang pinagsamahan nila — Hindi Nahahati Ang Langit (1985) ni Mike de Leon; Nagbabagang Luha (1988) ni National Artist Ishmael Bernal; Kislap sa Dilim (1991) also by Lino Brocka; at Magnifico (2003) ni Maryo J. de los Reyes.
Read: Legendary actress Gloria Romero dies at 91

Nakapag-guest din si Lorna sa Kapamilya sitcom na Palibhasa Lalake kung saan regular cast member si Gloria.
“Meron pa yatang movie na pinagsamahan kami nung bata pa ako, hindi ko lang matandaan. Meron pa.
“Kasi alam ko, nung nine years old ako, nakasama ko pa ulit siya,” sabi ni Lorna nang makatsikahan ng PEP Troika sa birthday celebration ni ka-Troikang Gorgy Rula nitong Enero 26, 2025 sa Finkels restaurant na nasa Hotel Durban, sa Brgy. Poblacion, Makati City.
Read: Anjo Yllana, inalala si Gloria Romero bilang "Inay Minerva"
LORNA TOLENTINO'S LAST VISIT TO GLORIA ROMERO
Kailan sila huling nagkita ng namayapang movie queen?
“I think it was like last November. Pinuntahan ko siya. Dinalaw ko.”
Nakilala pa rin daw siya ni Tita Glo. Ano ang napag-usapan nila?
“Wala lang. Ano lang, kasi nanonood siya ng Batang Quiapo. Nanonood siya ng Ang Probinsyano noon,” tugon ni Lorna.
“So, iyon ang mga pinapanood niya lagi.”
LORNA TO BID GOODBYE TO BATANG QUIAPO
Nagpasalamat si Lorna sa mga tumangkilik sa MMFF 2024 movie nila ni Judy Ann Santos na Espantaho.
Hindi nakadalo si Lorna sa pa-thanksgiving lunch ni Juday dahil may taping siya noon.
Read: REVIEW: Espantaho’s strength is in the power of three
Sa FPJ’s Batang Quiapo, malapit na siyang matapos.
“Basta maganda yung role ko dun. At least natangkilik yung PriManda, yung loveteam, yung aming side story,” pahayag ni Lorna kaugnay sa tandem nila ni Lito Lapid.
“Side story lang kami, di ba? So OK lang. Kahit papaano, may sumusubaybay dun sa side story.”
Read: Lorna Tolentino, tikom pa rin ang bibig tungkol kay Lito Lapid

Noong Nobyembre pa sinabihan si Lorna na pagsapit ng Pebrero 2025 ay mawawala na ang karakter niya sa FPJ’s Batang Quiapo.
“Sabi ko, OK. Lahat naman, may katapusan.”
Sa Marso, mag-uumpisa sila ni Sylvia Sanchez ng pelikula.
“Hindi kami yung bida. Kami yung nanay ng mga bida. Mga bata ang bida. Nagpa-audition siya. Si Sylvia ang producer,” sey ni Lorna.
May movie project din si Lorna kay Direk Adolf Alix Jr.
GORGY RULA
Natuwa naman si Lorna Tolentino dahil pagkatapos niyang mag-FPJ's Batang Quiapo, meron siyang mga pelikulang gagawin.
Naweirduhan lang ang ibang kakilala kong sumusubaybay sa Batang Quiapo dahil bakit parang co-terminus naman daw si Amanda (Lorna Tolentino) kay Primo (Sen. Lito Lapid).
Puwede naman daw maiwan ang karakter ni Lorna kahit mawawala muna si Senator Lapid.
May sinabi kasi noon ang actor-politician na posibleng bumalik sila sa kuwento ng Batang Quiapo pagkatapos ng eleksyon.
Pero nakondisyon na si Lorna na katapusan na ng karakter niya sa FPJ’s Batang Quiapo.
Kung hindi naman daw papatayin ang karakter niya roon, gusto niyang bumalik siyempre.
Pero sa ngayon ay gusto rin niyang mag-focus sa mga pelikulang gagawin at sa kanyang mga apo.
Bukod sa pelikulang gagawin niya kay Sylvia Sanchez, excited din siya sa gagawin niya kay Direk Adolf Alix Jr. dahil gusto niya ang makakasama niya sa pelikulang ito.
Sana matuloy nga ito, dahil ang dinig ko may sasalihan na itong international film festivals.
Read: Lorna Tolentino reveals sons plan to venture into politics
NOEL FERRER
Isa si Lorna Tolentino sa hinahangaan kong inaalagaan ang filmography niya.
Piling-pili ang kanyang mga pelikula pero pawang magaganda at hindi dumadaan lamang.
Ang maganda kay LT — bukod sa talagang maganda siya — ay alam niya kung ano ang mga role na bagay sa kanya at natsa-challenge din siya to go out of the box.
Ngayon, she can accept edgier roles at yung talagang offbeat characters.
Aminin natin, laging ginagalingan naman ni LT ang pagganap kaya sulit na sulit siya at nagmamarka!
Kaya naman love ko talaga si LT!
