JERRY OLEA
Iba-iba ang pakahulugan sa “boy toy.”
Sa Oxford Languages, ang definition ng “boy toy” ay “a young person considered sexually attractive to men.”
Sa Collins dictionary, “a young woman regarded as purposefully seeking to be sexually provocative to men.”
O kaya, “an attractive young man chosen as a partner, often, specifically by an older woman, in what is regarded as a superficial sexual or romantic relationship.”
Sa isa pang online dictionary, “a young man noted for his good looks and sexual prowess, especially one who maintains relationships with older, more powerful people.”
Ang simpler meaning, “a man regarded as a sex object.”
Ibig sabihin, ang gender ng boy toy at ng nagnanasa sa kanyang ay puwedeng male or female.
Read: Generous gay, binawi halos lahat ng iniregalo sa male starlet
BOY TOYS IN LOCAL SHOWBIZ
Sa mga boy toy ngayon sa local showbiz, sino kaya ang deserving magbida sakaling i-remake ang 1971 film na Stardoom, 1979 movie na Star?, o 1980 movie na Alaga?
Nasa cast ng Stardoom sina Walter Navarro, Hilda Koronel, Lolita Rodriguez, Eddie Garcia, Jimmy Morato, Tita Muñoz, Caridad Sanchez, at Lotis Key, sa direksyon ni National Artist Lino Brocka.

Tampok sa Star? sina Rudy Fernandez, Janet Bordon, Eddie Garcia, Celia Rodriguez, Vic Silayan, Pepito Rodriguez, Veronica Jones, Fanny Serrano, at Lorna Tolentino, sa direksiyon ni George Rowe.

Tampok sa Alaga sina Edu Manzano, Charito Solis, at Amy Austria, sa direksiyon ni Christian Espiritu.

Sa poster ng Star? ay merong paalala, “Maging mabuti ka sa mga taong madaraanan mo sa iyong pag-akyat, sapagka’t sila rin ang makakasalubong mo sa iyong pagbagsak.”
Read: Komedyana, nagtagumpay sa pagbakod sa makisig na aktor
BOY TOY NO. 1: MR. BEAUTIFUL EYES
Tatlong boy toys sa local showbiz ang naaangkop lumabas sa pelikulang ang tema ay tungkol sa makisig at sariwang lalaki na inaruga ng mas may edad, yayamanin o makapangyarihang nilalang.
Tawagin natin si Boy Toy No. 1 bilang Mr. Beautiful Eyes.
Lumabas siya sa isang mapangahas na serye, at wala siyang keber maghubad at makipaglampungan sa kapwa lalaki.
Nagpainit siya bilang modelo ng isang underwear brand.
Kanino siya may konek?
BOY TOY NO. 2: MR. KISSABLE LIPS
Si Boy Toy No. 2, tagurian nating Mr. Kissable Lips.
Lumutang ang performance niya sa isang Pinoy BL series noong kasagsagan ng pandemya.
Kahit napakaliit ng participation niya sa isang pelikula, kasama siya sa entourage sa isang international filmfest.
Bakit?
BOY TOY NO. 3: MR. FLAWLESS COMPLEXION
At si Boy Toy No. 3, let us call him Mr. Flawless Complexion.
Sa isang youth-oriented program ay namumukod-tangi ang kanyang appeal.
Inaasahang raratsada ang mga proyekto niya sa Year of the Wood Snake.
Tatambad ang kanyang ngiti at kaguwapuhan sa mga billboard at patalastas.
Iyong ibang mga boy toy, malamang na mapa-sanaol!!!
Read: Kaaya-ayang aktres at guwapong boyfriend, mahilig sa kandungan
NOEL FERRER
Naku, sinu-sino ba ang mga yummylicious pogilicious na iyan, Tito Jerry?
The convent-bred me ay clueless sa kanilang galawan.
Sa totoo lang, ang suwerte nila sa isang banda. May nakakapansin at nagpu-push sa kanila.
Pero sana, galingan din nila sa pag-aartista, kasi hindi naman sila nasa industriya para makahanap ng partner, booking or hada.
Nandito sila para maging Proud Aktor, sabi nga ni Chairman Dingdong Dantes.
GORGY RULA
Hindi na alam ng karamihan ang mga pelikulang Stardoom, Star?, at Alaga.
Nakaka-relate ba riyan ang mga Gen-Z?
Hindi na rin bago ang mga kuwentong iyan, pero siyempre nakakagulat kapag nakakabalita tayo kung paano binibigyan ng special attention itong tatlong boylets na ito.
Kung totoo man ang mga naglalabasang balita, tila mas nabiyayaan nang husto itong si Mr. Flawless Complexion.
Nakakamangha ang ine-enjoy niyang pabor na ibinigay sa kanya ng kanyang benefactor.
Pero hindi natin alam kung ano ang totoong kuwento.
Kaya parang unfair na bansagan silang “boy toy” dahil wala tayong ideya kung ano ba talaga ang kanilang relasyon.
Kapag nakikita bang madalas na kasama ni guwapong boylet ang isang mayamang benefactor, yun na agad ang nasa isip natin? Mahirap manghusga!
Kung naaalala ninyo, binanggit ni Guwapong Aktor ang pangalan ni Mr. Kissable Lips sa isang awards night.
Nagtikwasan ang kilay ng mga baklita. Bakit special mention siya? Gaano ba sila ka-close as friends?
Pero hanggang panghuhusga lamang tayo. Hindi natin alam kung ano talaga ang namamagitan sa kanila. Kaya hayaan na lang natin sila.
Ang mahalaga ay masaya sila at merong napapaganda ang buhay. Maging masaya na lang tayo sa kanila, at buhay naman nila yan.
Hindi naman tayo naaagrabyado sa kanilang closeness. Wala tayong koneksiyon sa kanila, kundi tagamasid lang.
Read: Bortalicious actor, PHP50K ang "professional fee" sa mga booking
