PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ano ang updates sa mga kaso nina Sandro, Gerald, at Rita?

Sandro Muhlach, Gerald Santos, Rita Daniela tuloy ang buhay at trabaho.
by PEP Troika
Published Jan 23, 2025
sandro gerald rita cases
(From left) Sandro Muhlach, Gerald Santos, and Rita Daniela move on with their lives despite ongoing legal battle, respectively, in connection to sexual-harassment issues they got involved with in 2024.
PHOTO/S: Facebook / Instagram

JERRY OLEA

Hulyo 21, 2024 ng madaling-araw nang maganap umano ang insidenteng kinasangkutan ng 23-anyos na si Sandro Muhlach at ng Kapuso independent contractors na sina Jojo Nones at Dode Cruz — ilang oras matapos ang maningning na GMA Gala 2024.

Anim na buwan na ang lumipas. Kalahating taon.

Read: GMA-7 names "independent contractors" in Sandro Muhlach incident

Sa pagsabog ng usaping iyon ay nanariwa sa 33-anyos na si Gerald Santos ang sinapit niya noong Disyembre 25 at 26, 2005 sa kamay ng isang musical director.

Sa Senado, pinangalanan ni Gerald ang musical director na nanghalay sa kanya noong kinse anyos pa lamang siya — si Danny Tan.

Read: Gerald Santos, pinangalanan na ang humalay umano sa kanya

Lumutang din noon ang panghahalay sa isang 22-anyos na unnamed male talent ng TV5.

Ang inireklamo ay ang program manager noon ng Budol Alert na si Cliff Gingco.

Read: TV5 terminates program manager accused of sexual harassment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumapit kay Gerald ang isa pang biktima umano ng panghahalay ni Danny, ang singer na si Enzo Almario.

Dose anyos lamang daw si Enzo nang makailang ulit na pagpasasaan ng musical director, at may pagkakataong tatlo raw silang totoy na sabay-sabay nitong hinalay.

Read: Enzo Almario, umaming biktima ng rape sa edad na 12

Pumutok din ang isyu ng acts of lasciviousness ni Archie Alemania kay Rita Daniela matapos mag-party ang cast ng Widows’ War sa bahay ni Bea Alonzo.

Read: Rita Daniela, sinampahan ng acts of lasciviousness si Archie Alemania

SANDRO MUHLACH

Kumusta na ang mga nagreklamong biktima sa mga usaping ito?

After six months, wala pa tayong nababalitaang regular show ni Sandro sa GMA Network.

OK lang iyon dahil kaya siyang buhayin ng ama niyang si Niño Muhlach.

Read: Sandro Muhlach: "Justice system has acknowledged the truth.”

GERALD SANTOS

Si Gerald ay nag-umpisang mag-shooting ng indie movie na Ayaw Matulog ng Gabi, sa panulat at direksyon ng NBI agent na si Ronald Sanchez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-record siya ng bagong awit na "Hubad," na swak sa mga pinagdaanan niya.

Meron siyang concert entitled Courage na gaganapin bukas, Enero 24, 2025, Biyernes, sa Skydome ng SM North EDSA, Quezon City.

Ilulunsad dito ang Courage Movement na tutulong sa mga biktima ng harassment, panggagahasa, o sekswal na pang-aabuso.

Read: Gerald Santos recalls how he dealt with trauma over sexual abuse

gerald santos courage concert
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

UNNAMED MALE TALENT

Ang unnamed male talent ay ayaw nang bumalik sa TV5. Nakahanap siya ng ibang trabaho na walang kinalaman sa TV industry.

Read: Taong 2024, nabalot ng mga isyu ng rape at sexual harassment

RITA DANIELA

“Nagpahinga” ang Rebecca character ni Rita sa Widows’ War, pero bumalik iyon kapagkuwan.

Sa ending, si Rebecca ang pumatay sa Sam character ni Bea.

Isa si Rita sa performers sa MMFF 2024 Gabi ng Parangal noong Disyembre 27 sa grand ballroom ng Solaire Resort sa Parañaque City.

Balik-teatro si Rita sa Liwanag sa Dilim musical, na ang opening night ay sa Marso 7, Biyernes ng gabi sa Carlos P. Romulo Auditorium ng RCBC Plaza, Makati City.

Tampok sa musical ang mga awit ni Rico Blanco.

Book and direction by Robbie Guevarra.

Nasa cast din niyon sina Khalil Ramos, Alexa Ilacad, Nicole Omillo, CJ Navato, Anthony Rosaldo, Raul Montessa, Boo Gabunada, Neomi Gonzales, Jon Abella, Arnel Carrion, Vien King, Mark Tayag, Derrick Gozos, Iya Villanueva, Chez Cuenca, Paji Arceo, Lani Ligot, Rica Laguardia, Jasper John Jimenez, Denzel Chang, Lucylle Tan, at Brianna Bunagan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rita Daniela files reply to Archie Alemania’s counter-affidavit

liwanag sa dilim cast

THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA

Siyanga pala, natapos na ni Direk Darryl Yap ang post prod ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma (TROPP) kung saan bida ang dating child actress na si Rhed Bustamante.

Facebook post ni Direk Darryl nitong Enero 22, Miyerkules ng gabi, “Bagamat naging masalimuot ang paggawa ng pelikula — kasama na ang pagpull-out ng mga distributors, pagbawi ng permiso para sa mga awit na gagamitin, pagharap sa mga reklamo at marami pang-iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Natapos namin.

“Maraming Salamat sa mga musikerong tumulong upang magkaroon ng All-Original Soundtrack ang TROPP — hindi ko ito makakalimutan.
“sa mga patuloy na nagpapahayag ng suporta at paniniwala — nakaukit na ito sa aming puso.

“Maaaring kulang sa pera at koneksyon — pero hindi kami kapos sa tapang at paninindigan.

“We have finished the film tonight, It will be ready for review.

“Malapit nang mapanood ng Pilipino ang Hubad na Katotohanan.”

Read: The Rapists of Pepsi Paloma, tuloy ang showing sa February 5?

GORGY RULA

Tikom ang bibig ng legal counsel nina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.

Ayaw muna niyang magbigay ng anumang detalye tungkol sa kalagayan ng dalawa at ng kaso ng mga ito kay Sandro Muhlach.

Sa pagkakaalam namin, hindi pa nagsisimula ang hearing. Pero ayaw pang magkomento ni Atty. Maggie tungkol dito.

Pero mukhang mahaba pa ang lalakbayin ng kasong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sandro Muhlach calls out lawyer of assaulters: "How ironic..."

Si Atty. Maggie rin ang may hawak ng reklamo ni Rita Daniela laban kay Archie Alemania.

Nakapagsumite na raw ng affidavit ang dalawang kampo, at nagkaroon na ng rejoinder.

Hinihintay na lang ang resolution ng prosecution kung may probable cause at kung iaakyat ito sa korte.

Kaya mabuti na ring tuloy sa trabaho, at mabuti may pinagkakaabalahan si Rita.

Pero si Archie kaya, mabibigyan pa kaya ng trabaho ng GMA 7? Hawak pa kaya siya ng Sparkle?

Read: Archie Alemania refutes alleged lewd acts toward Rita Daniela

NOEL FERRER

Oh, update pala ito ng mga nasangkot sa mga harassment cases?

Si Gerald Santos, ayun, nagamit niya ang sitwasyon to work for his advantage — thus, a major concert.

Tuloy na ba next week ang pagdulog nila ni Enzo Almario sa Department of Justice (DOJ)?

Si Sandro Muhlach, nakita ko ang mga post na kumakanta na sa party ng ina ng mahal nating si Tita Pinky Fernando na si Mommy Erly.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbakasyon din siya sa U.S.

And then, kase-share lang niya sa Facebook ng pagiging champion sa isang billiards tournament.

Si Rita Daniela, magbalik na sa pagpe-perform sa teatro at nasa cast ng isang bagong musical.

Parang life has moved on. Dapat naman.

Sana, habang hinihintay ang mga desisyon sa kani-kanyang kaso, meron silang mga kapaki-pakinabang na pinagkakaabalahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Teka, kumusta na kaya si Archie Alemania?

Read: PEP YEARENDER: 2024’s Most Talked-About Stories in Entertainment

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Sandro Muhlach, Gerald Santos, and Rita Daniela move on with their lives despite ongoing legal battle, respectively, in connection to sexual-harassment issues they got involved with in 2024.
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results