JERRY OLEA
U.S.-based ang girlfriend ni Gerald Santos na si Grace Torrecampo. Nagbakasyon ito sa Pilipinas noong Nobyembre.
“Yung lovelife ko, I’m really happy,” sambit ni Gerald sa mediacon noong Enero 10, 2025, Biyernes, sa Pandan Asian Cafe, Sct. Limbaga St., Quezon City.
“Nahanap ko yung love of my life right now. And I’m looking forward sa long-lasting relationship pa namin.”
Read: Gerald Santos finally meets Sandro Muhlach in person
Magtu-years na ang pagmamahalan nila ni Grace. Magkasama nilang sinalubong ang bagong taon sa U.S.
“I’m really happy kasi parang nagiging tradisyon na. Last year, Christmas and New Year. Ngayon, New Year lang,” lahad ng 33-anyos na si Gerald.
“As much as we can, we really want to be together either Christmas or New Year. Kasi siyempre, may family rin ako dito.
“Gusto ko namang ma-spend ang Christmas sa kanila dito, and then New Year with her. We’re really happy.”
Paano siya sinusuportahan ni Grace?
“Yung words of encouragement niya lang naman. And you know, yung fact lang na nandiyan siya, sapat na sa akin,” pagngiti ni Gerald.
Read: Gerald Santos recalls how he dealt with trauma over sexual abuse
GERALD'S FUNDRAISING SHOW
Nag-fundraising show si Gerald noong Enero 3, Biyernes, sa Amazing Grace Lounge sa Woodside, Queens neighborhood sa New York City.
“That’s really heartwarming… may dalawang students na beneficiary nung fundraising,” saad ni Gerald.
“So now, meron silang tuition fee for three semesters ng college nila. Kaya, di ba, nakakataba ng puso na nakakatulong din ako.
“I want to continue that dito sa Pilipinas. Although yung beneficiary sa fundraising show na yun, e, taga-Pilipinas din. Taga-Samar yung dalawang students na yun.
“I would like to continue that kung may show ako na susunod — may beneficiary na maging scholar namin.”
GERALD'S COURAGE CONCERT
Sa Enero 24, Biyernes ng gabi, ay gaganapin na ang Courage concert ni Gerald sa Skydome ng SM North EDSA, Quezon City.
Guests dito sina Erik Santos, Aicelle Santos, Sheryn Regis, Elisha, at boy group na Aster.
Ilulunsad dito ang Courage Movement na susuporta sa survivors ng sekswal na pang-aabuso.
Konsepto, script at direction ito ni Antonino Rommel Ramilo.
Ang halaga ng tiket ay P5000 (SSVIP), P4000 (SVIP), P3,500 (VIP), P2000 (Patron), at P1,200 (Patron Sides).

NOEL FERRER
Noong magpa-mediacon para sa Courage concert ay si Sheryn Regis pa lang ang na-announce na guest artist ni Gerald Santos.
“We’ve been friends ni Sheryn. And sabi nga namin, she perfectly defines din yung ‘courage.’ Kasi, she was courageous about her, you know, yung identity niya,” sabi ni Gerald.
“And yung sa relationship din niya with Mel de Guia. Di ba, nung ni-reveal nila yung kanilang relationship.
“So that’s courageous. Kaya nababagay sa tema nung concert.”
Read: Sheryn Regis no plans of getting married yet to lesbian partner
LOVE, FAITH, AND TRUTH
Ayon sa teaser ng Courage concert, ang mga awit dito ni Gerald ay tungkol sa Love, Faith, and Truth.
“Yes, totoo yan, oo. But maraming hindi usual na maririnig nila kay Gerald yung maririnig nila sa concert.”
Kabilang diyan ang bago niyang single na "Hubad," na inilunsad sa online music platforms noong Enero 10.

“Oo, kakaiba din yun, di ba? I’m offering something really new.
"Sabi nga nung iba, kung hindi nila alam na ako yung kumanta, pakikinggan nila, hindi nila aakalaing ako yung kumakanta,” sey ni Gerald.
“And that’s what we want to achieve.”
Ano ang ipinahihiwatig kapag sinabing ‘ang paghuhubad ni Gerald Santos’? Ano ang significance niyon?
Tugon ng mang-aawit, “I’m naked to the public. Alam naman nila yung story ko, lahat. Alam nila ang story ko…
“So parang… hubad talaga ako sa publiko. So it defines din yung kanta sa akin ngayon, yung sitwasyon ko ngayon.
“Na I laid it all out. I laid it all out last year. So now I’m ready to face more… paghuhubad.
"Hindi literal but, you know, maghuhubad in terms of pagiging bolder and braver.”
GORGY RULA
Sa nakaraang media conference ng Courage concert ni Gerald Santos, iniwasang pag-usapan ang isasampa niyang reklamong tape laban sa musical director na si Danny Tan.
Wala raw kasi noon ang kanyang legal counsel na mas nakakaintindi pagdating sa usaping iyon.
Noong nakaraang linggo pa namin naririnig na magsasampa na sila sa Department of Justice (DOJ), pero hindi ito natuloy.
Nag-follow up ang PEP Troika sa abogado ni Gerald.
Ayon dito, hindi sila natuloy noong nakaraang linggo, pero isa sa mga araw na ito ay itutuloy na nila ang pagsasampa ng reklamo.
Ngayong linggo na raw nila itutuloy ang pag-file ng reklamo sa Department of Justice (DOJ), pero hindi lang binanggit kung anong araw.
Hindi lang si Gerald ang magsasampa ng reklamo, kundi pati ang nakasabayan niya noong si Enzo Almario.
Read: Gerald Santos, pinangalanan na ang humalay umano sa kanya
