PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pepe Herrera pumayag maging Satanas hindi dahil sa pera

May hindi masaya sa pagtanggap niya ng role?
by PEP Troika
Published Jan 19, 2025

pepe herrera
Manood muna bago manghusga. Isa ito sa pakiusap ni Pepe Herrera tungkol sa pelikulang Sampung Utos Kay Josh, kung saan gumanap siya bilang Satanas.
PHOTO/S: @jose_nikolas_emmanuel_ on Instagram

GORGY RULA

Ang buong akala ni Albie Casiño, pera-pera lang kaya tinanggap ni Pepe Herrera ang role bilang Satanas sa pelikulang Sampung Utos Kay Josh.

Si Albie ang una naming nakapanayam sa aming radio program sa DZRH para i-

Napag-usapan ba nila ito ni Pepe noong sino-shoot nila ang pelikula?

Mas nakilala kasi si Pepe bilang si Lods sa pelikulang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Read: Albie Casiño meets son for the first time

Kaya nag-react ang ama ni Pepe nang nalamang pumayag siyang gumanap bilang Satanas.

Sabi ni Albie, hindi raw niya itinanong ito kay Pepe. Para sa kanya, trabaho lang ito.

“Hindi ko na tinatanong iyan kasi bilang artista, alam ko na bakit niya tinanggap yung role, dahil sa pera. Artista tayo, e.

“Hindi naman constant yung trabaho natin, di ba? I’m sure every other opportunity na makuha mo, as long as… well, meron tayong kanya-kanyang values.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, I feel na again like I said, it’s just work. Trabaho lang,” napangiting pakli ni Albie.

Pero mali si Albie.

Read: Pepe Herrera, Satanas naman ang role pagkatapos gumanap na Lods

BAKIT TINANGGAP NI PEPE HERRERA ANG ROLE

Nung nag-guest na si Pepe sa programa namin, ipinaliwanag niya kung bakit niya ito tinanggap.

Ani Pepe, “Kasi po kaibigan ko po yung director. Siya po yung nag-alok sa akin. Kaibigan ko po si Marius, high school pa lang po kami, kababata ko po. Gumagawa na kami ng mga videos.”

pepe herrera sampung utos kay josh
Pepe Herrera plays Satanas in Sampung Utos kay Josh
Photo/s: Viva Films
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Marius Talampas ang nagdirek ng pelikulang Pangarap Kong Holdap, kung saan kasama rin si Pepe sa main cast.

“Pinagkakatiwalaan ko po nang buo yung kaibigan kong si Marius.

"Si Marius po, ninong po siya ng anak kong babae na si Payapa. Ganun ko po siya pinagkakatiwalaan na kaya ko pong iwan sa kanya yung anak ko. Ganun pong level.

“So, nagtiwala po ako sa brilliance niya as an artist, at hindi po siya magpapalabas ng isang pelikula na ikasisira ng tao,” dagdag ni Pepe.

NOEL FERRER

MAY TUMUTOL SA ROLE NI PEPE HERRERA BILANG SATANAS?

Isinalaysay ni Pepe kung paano niya ito sinabi sa ama na tinanggap niya ang role bilang si Satanas.

Walang problema sa kanyang ina.

Aniya, “Mas liberal lang po siguro yung nanay ko. Kasi yung nanay ko, naintindihan niya,” sambit ni Pepe.

Ang kanyang ate raw ang unang nagbalita sa kanilang ama.

“Kaswal pong napag-usapan sa hapag-kainan, nabanggit po ng ate ko, ‘O, Tay, may bagong project si Pepe.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Tapos, parang hindi ko po alam kung sino sa amin ang nauna. Pero kaming dalawa ng ate ko ang nagsabi sa tatay ko.

“Tapos sabi ko, ‘Ay, oo nga pala, Tay, pero baka maganda huwag mo nang panoorin, kasi ako ang gaganap na Satanas.’

"‘O, anak, ba’t mo tinanggap?’ sabi niya.

“Tapos sabi ng ate ko, ‘Hindi, Tay, si Marius yung director. Di ba, kaibigan ni Pepe, yung nagdirek ng Pangarap Kong Holdap.’

"'Kahit na anak, Satanas, yun e, gumanap kang Lods, e.’

"'Hindi, Tay, comedy naman.’ Saka, sinubukan naming ipinaliwanag. Tapos, ahhh yung ending, tahimik lang siya’t nag-iisip. So, hinayaan ko lang siyang mag-isip.

“Ganun po kami sa bahay, e. Ganun po kami sa household namin. So, may ganun kaming healthy exchange of different opinion kahit na hindi kami nag-aaway,” dagdag ni Pepe.

Marami naman daw siyang tinanggihang project, pero itong Sampung Utos Kay Josh ay magaan daw sa kanyang gawin ito, dahil bilib siya sa istilo ng pagko-comedy ni Direk Marius.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Madami na po akong tinatanggihan. Binabase ko po sa tinatawag po nila, kutob o kaya gut feeling, intuition.

“Kung hindi po maluwag yung pakiramdam ko sa nabasa kong script, iba yung pakiramdam ko. Parang meron pong boses na sinasabing ‘huwag,’ sinusunod ko po yun sa pakiramdam ko,” sabi pa ni Pepe.

Ipinakiusap din ni Pepe na mas mabuting panoorin muna ang pelikulang ito bago isipin at husgahan na kontra ito sa ating pananampalataya sa Panginoon.

Nilinaw niyang hindi nila mina-mock dito ang relihiyon, lalo na ang Diyos, at ang ating Panginoong Hesus, dahil sa title nito.

“Ang sa amin po, hindi. Wala pong mockery. Nasa sampung utos po yun, e. Don’t use the Lord’s name in vain.

'“Of course, nasa isip po namin na sundin yun. So, para po sa amin, hindi po namin mina-mock.

“It’s a word play. Para po sa akin, similar siya sa ginagamit the image of our Lord Jesus Christ sa iba’t ibang artwork.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Di ba, ang cute, ginagawang iba’t ibang variation na nagigitara Siya, si Papa Jesus. Is that blasphemous, is that mocking Jesus? I don’t think so.

“O kaya yung kasama niya yung mga streetchildren. Parang sinasabi po na He’s with us, He’s one of us. Parang… sa amin po kasi, itong Josh, isang parang, for example, may mga tao ngang pinapangalan na Hesus, e.

“Nagkataon lang po na isang tao ang pangalan niya si Josh, naniniwala sa Diyos… buhay niya yung pinortray namin,” saad ni Pepe.

JERRY OLEA

Na-X ng MTRCB ang pelikulang Dear Satan aka Dear Santa, kung saan si Paolo Contis ang gumanap na Satanas.

Wala pa tayong balita kung saan at kailan ito ipapalabas.

Kahit gumanap si Pepe Herrera na Lods sa Rewind, mas katanggap-tanggap ba siyang Satanas kesa kay Paolo.

Katunog ng Josh ang “Diyos.”

Nang i-google ko ang ibig sabihin ng pangalang Diyos, ang kahulugan niyon ay “Yahweh is salvation” or "God rescues.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya iyong mga paliwanag ni Pepe tungkol sa Sampung Utos kay Josh ay diabolically clever.

Sa Enero 29 na raw ang showing nito sa mga sinehan.

Kung merong mag-react o ma-offend sa pelikulang ito, ihihingi raw nila ng tawad.

Pahayag ni Pepe, “Lagi naman po kaming bukas sa opinyon ng mga tao, lalo na po yung mga kapwa nating Pilipino. Lalo na po na ina-acknowledge po natin na nasa isang Catholic country tayo.

“Pero kami po, gusto po natin ipahiwatig na niyayakap po namin lahat po na paniniwala. Pakikinggan po natin, kahit po hindi similar sa aking paniniwala.

“At kung kami po ay nakasakit, hindi po mahirap sa amin na humingi ng tawad at mag-sorry.

“Naniniwala po kami na hindi naman kailangang tama ka o mali, para humingi ka ng tawad.

“Kung ikaw ay nakasakit, kung sino man ang tama at mali, e, di mag-sorry tayo nang sincere.

“Yung hope po namin na maraming tanong ang manganak mula sa ating kaisipan dahil po sa panonood ng pelikula. Na maari magdulot na mas maunawaan pa natin kung gaano ba katatag ang ating pananampalataya, at kung isinasabuhay nga po ba natin ang lahat na itinuturo… for example, ni Papa Jesus sa atin.” Amen!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manood muna bago manghusga. Isa ito sa pakiusap ni Pepe Herrera tungkol sa pelikulang Sampung Utos Kay Josh, kung saan gumanap siya bilang Satanas.
PHOTO/S: @jose_nikolas_emmanuel_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results