JERRY OLEA
Ipinagmalaki ni Ice Seguerra na hindi showbiz ang pagkakaibigan nila ng mga kapwa Sessionistas na sina Nyoy Volante, Sitti Navarro, Duncan Ramos, Princess Velasco, Kean Cipriano, at Juris.
“Naalala ko noon, eto hindi ko ito malilimutan. Kasal ito ni Juris, OK,” lahad ni Ice sa mediacon ng Love, Sessionistas concert noong Enero 13, 2025, Lunes, sa studio ng Fire & Ice sa Scout Center, Sct. Tobias St., Quezon City.

Ikinasal si Juris kay Gavin Lim noong Nobyembre 19, 2011, sa Mary the Queen Parish Church sa Greenhills, San Juan City.
Pagpapatuloy ni Ice, “Pareho kaming broken-hearted ni Sitti. Naalala ko iyon, sa sobrang broken-hearted namin, tumambay pa kami sa Burgos Circle.
“May dala kaming wine, nasa gitna lang kami, nagkukuwentuhan kami. Tapos naiinggit kami kay Ju, kasi parang nahanap na niya yung kanyang The One, alam mo yun. Na parang…”
Singit ni Sitti, “Naalala ko yun. Hindi ko mapanood si Juris saka si Gavin kasi sobrang hindi ko ma-take. Hindi ko alam kung nangyari na ba sa inyo yung ganung level na kawasakan.
“Na hindi ninyo kayang makita yung sobrang pag-ibig ng dalawang tao sa isa’t isa.
“Alam mo, hindi ko talaga matingnan, kasi, walang-wala ako nun.”
Pagsang-ayon ni Ice, “Oo, sobrang lasing na lasing kami. Nandun kami sa gitna ng Burgos Circle. Tapos, di finally, sabi ko, ‘Tara, Sitts, ihatid na kita sa inyo.’
“Lasing na lasing na ito. Hinahampas na yung driver namin. ‘Kuya, kaliwa!!!’ Hahahaha! So, umabot kami sa ganun…”
Eventually ay natagpuan ni Ice ang kanyang katuwang sa buhay.
ICE SEGUERRA'S "EPAL NA LOVE" WITH SESSIONISTAS
Napapangiting pagtatapat ni Ice, “Even my past relationships, they were witnesses to that, na how it was falling apart. So alam nila yun.
“Kumbaga siguro yun, kumbaga nakakatuwa lang na na-witness man nila yung pagkakawala nung dating relasyon ko, nakita rin nila kung paano nagsimula yung sa amin ni Liza.
“And how it blossomed, and now we’re ten years together. Married. So nakakatuwa, nandiyan sila.
“Kumbaga, kaya masasabi ko na itong relasyon namin na meron kami, itong grupong ito—hindi lang siya showbiz, alam mo yun.
“We were there for each other. Like literal, nandiyan kami for each other. So I think ang laki rin siguro, masasabi ko na yung love na kung anuman yung iniisip ko, what love is… sila iyon, in different phases.
“Eto yung epal na love… Hahahaha! No, seriously. I love these guys.”
NOEL FERRER
Taong 2009 noong nag-umpisa ang Sessionistas sa ASAP.
Hindi na ito kasama bilang segment sa Sunday variety show pero patuloy ang kanilang samahan at pagkakaibigan.
JURIS ON USAPANG SESSIONISTAS
Through the years, nag-evolve siyempre ang pakahulugan nila sa love—para sa mga mahal sa buhay, sa pamilya, sa sarili, sa mga kaibigan, sa musika.
Pahayag ni Juris, “I think what I like a lot is that I got to witness, yun nga, simula ng mga pagmamahalan nila sa mga partner nila, mga asawa nila, and sa mga anak nila.
“And nag-iba na yung mga sharing namin. Like siguro after ilang mga years, we would meet up for lunch. ‘Iba na ang usapan natin, ah. Usapang pang-nanay.’”
Siyempre, napag-usapan na rin nila later on ang mga gamot for maintenance.
Sabi pa ni Juris, “I like being part of… I mean, that I am able to witness those changes in their lives. And we learn from each other as well.
“Kasi, we’ve become parents. Napag-uusapan ang parenting. Masaya ako na meron akong grupo na puwede kong pagtanungan, puwede kong hingan ng advice, or maybe learn from them.”
GORGY RULA
SITTI ON FINDING LOVE
Pagbabahagi naman ni Sitti, “Of course, pag isinilang tayo, ang pinaka-unang klase ng pag-ibig na mararanasan natin, yung pag-ibig ng magulang.
“At dahil siguro galing siya sa magulang, we take it for granted. We don’t treasure it as much as we can.
“And para siyang… yun nga, kasi, mahal ka ng magulang mo, e. So parang hindi mo siya masyadong pinag-iisipan.
“Hanggang sa yun nga, wasak na wasak kami ni Ice dun sa Burgos Circle. And then, yun nga, nagkakaedad ka.
“Nagkakaroon ka ng desire na makaramdam ng pag-ibig in a romantic sense. And then you get it, and then you don’t, and then you think it’s for your good, and then it’s not.
“And then, you don’t really know if there’s someone out there who would accept you for everything that you have, and everything that you are, and everything that you will be, and everything that you don’t have, and everything that you are not.
“And then, finally, God blesses you with someone who actually really loves you, and hindi ka makapaniwala.
“Actually I wrote a song about this for my husband: 'Alam mo ba kung paano mo napasaya / Ang buhay kong noo’y walang kagana-gana.'
“Kasi ganun ako before na I was just going through the motions of life, just living, na parang grayscale lang lahat. Pero nandun ako.
“And then he came, si Joey. And we’re getting our ten years married this year.”

Ikinasal si Sitti kay Joey Ramirez noong Mayo 29, 2015, sa Baguio Country Club, Baguio City.
Pagpapatuloy ni Sitti, “Sobrang nagkakulay ang buhay ko. Pagdating ng taong ito, nagkaroon ng kahulugan, ng kulay, ng bigat, ng something ang word na pag-ibig.
“And then I became a mom. I have two kids, six years old and three years old. And sila naman din, may dala rin silang lessons sa akin kung ano yung pag-ibig.
“And I learned true love also from my six year old, na kahit feeling ko, ang dami kong palpak as a mom, she would still hug me and say, ‘You’re the best mom!’
“Tapos ako, how could you say that I’m the best mom, and inwardly and outwardly I do a lot of things na for me, hindi ako best.
“But there she is, in all her pure love for me, saying that.
“And I come to the conclusion now, for now, at this moment— love is a gift that when you have it, talagang you should really treasure it.”
Sold-out ang pre-Valentine concert na Love, Sessionistas na gaganapin sa Pebrero 8, 2025, sa The Theatre at Solaire, Parañaque City.
Ang Day 2 ng concert ay nakatakda sa Abril 4, sa kaparehong venue.
