PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sofia Pablo, nabigla nang isama ni Allen Ansay sa bayan niya

Sofia: “Akala ko, inaasar lang niya ako... Nagulat ako... ‘Uy manoy, uy tito!’"
by PEP Troika
Published Jan 11, 2025
Allen Ansay, Sofia Pablo
Nagulat si Sofia Pablo nang isama siya ni Allen Ansay sa bayan nito sa Bicol. Halos lahat daw ng tao roon ay kamag-anak pala ni Allen.
PHOTO/S: @kapusoprgirl Instagram

GORGY RULA

Proud si Allen Ansay sa pa-abs niya sa Kapuso drama series na Prinsesa ng City Jail.

May mga kuha siya na naka-topless sa swimming pool kasama si Sofia Pablo.

Napapangiti niyang kuwento sa amin sa media conference, pinaghandaan niya nang husto ang role niya sa serye bilang isang angsty teenager.

“One year ako nag-diet na talagang malinis yung kinakain ko. Puro chicken breast… lahat ng kinakain ko, counting para maging ano talaga,” lahad ni Allen.

“Kasi before talaga, makikita naman sa mga ginagawa ko, payat po ako.

"Actually, may pa-abs po tayo dun. Saka yun po ang first na ano na magta-topless ako sa show.

"So talagang binigay ko yung 100 percent ko para maging maganda ang kinalabasan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Allen ay 21 years old na, at si Sofia naman ay 18. Nandiyan na yung tiwala ng mommy ni Sofia sa Kapuso actor kaya hinahayaan na raw niyang lumabas silang magkasama, kagaya ng panonood ng sine.

Kuwento ni Sofia, “Masaya ako na si Mommy na ang kusang nagsabi sa akin na, ‘Sige, manood na kayo ng sine, go.’

"Kasi moviegoer po ako. Si Mommy, nakakatulog siya sa mga movies. So, ayaw niyang manood kasi sayang daw yung money niya. Sabi ko, e gusto kong manood.

“E, there was this one movie na sabi ko, ‘My, gusto ko talaga mapanood.’ Nagulat po ako sabi niya, ‘Nood kayo ni Allen.’

"‘Ha?’ Hindi ako makapaniwala. Sabi ko, ‘Nananaginip ba ako, ganun?’

"'Tapos, yun po pala. Sabi niya, oo naman.”

Pahayag naman ni Allen, na ang tawag kay Sofia ay Aki, “Nakakatuwa lang kasi yung ano, parang may tiwala na sa akin si Mommy, kung lalabas kami ni Aki, basta bantayan ko lang at sasabihin ko lang sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang sarap sa pakiramdam na talagang nag-level up na. Dati, pa-crush-crush lang. Dati hanggang bahay lang, ngayon nakakalabas na.

“Kumbaga mas naging nagle-level up na po talaga, mas lumalim na po yung samahan namin talaga.

“And ako naman po kasi talaga, willing naman po ako mag-wait at siyempre bata pa naman po kami.

“Marami pa po kaming puwedeng gawin sa career namin and so kumbaga hindi naman namin po minamadali.

“Pero open ako kay Aki na gusto ko siya.”

Dagdag ni Sofia, “Masaya po, pero hindi naman sa gusto ko na lumalabas kaming dalawa lang. Siyempre it’s not naman appropriate, lalo naman when I was a minor parang it’s not the right time.

“Kahit nakikita ko yung iba na sila-sila na lang. I know na hindi siya age appropriate.”

Hindi pa nila masasabing sila na, pero happy na ang dalawa sa dine-develop nilang loveteam para sa projects nila, kagaya nitong Prinsesa ng City Jail na magsisimula na sa January 13, 2025, Lunes, sa afternoon prime ng GMA-7.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Tanggap si Allen sa pamilya ni Sofia, at masaya ang aktor dahil na-meet na rin daw ng pamilya niya si Sofia nung meron silang shoot sa Bicol.

Dinala niya ang young actress sa kanilang bayan sa Sagñay, Camarines Sur.

Kuwento ni Allen, “Last year po nagka-work kami sa Bicol, dinala ko siya sa bahay namin.

“Talagang sinabi ko sa kanya, ‘Ready ka na ba ma-meet yung mga pinsan ko? Siguradong maiingay yan, magpapa-picture sa iyo.’

“Sabi niya, ‘Okey lang yan, konti lang naman.’ Pagdating niya, sobrang dami ng tao sa bahay.

“Welcome na welcome po siya, 'tapos pinagluto ko siya kay Mama ng mga putahe na Bicol talaga, mga sili, mga gata. Na-enjoy niya po sobra.”

Natawa rin si Sofia nang kinumusta namin sa kanya ang experience niya noong pumunta siya sa bahay nina Allen sa CamSur.

“Actually nung time na yun nabigla din po ako kasi kinukuwento niya sa akin na barangay daw halos kamag-anak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Akala ko, inaasar lang niya ako. Tas… kasi nag-tricycle kami dun. Nagulat ako na lahat na nadadaanan namin, ‘Uy manoy, uy tito!’

“Sabi ko, hindi pala siya nagbibiro, halos lahat kamag-anak niya, ang lawak ng pamilya niya.

“Ako kasi opposite, super small lang ng family ko. So, natuwa rin ako na at least yung nakilala ko, ang laki ng family niya.

“So, it’s like I also had a family that I never had,” saad ni Sofia.

NOEL FERRER

Para kay Sofia Pablo, right timing itong pagsisimula ng Prinsesa ng City Jail pagkatapos maipalabas sa mga sinehan ang pelikulang Green Bones.

Naikuwento raw niya sa co-stars niya sa Green Bones na kuwento rin ng mga Persons Deprived of Liberty o PDL itong ginagawa niyang afternoon drama.

“Actually, I feel like ang galing kasi nung una ko pa lang nabasa yung script ng Green Bones, kasi I was doing Prinsesa na.

“'Tapos nung nabasa ko, huh, talagang same na PDL, 'tapos same sila ng point na they wanna show na hindi lahat ng nakakulong, masama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And there will be some characters framed up also in Prinsesa ng City Jail, same lang ng nangyari sa Green Bones na na-frame up, napagkamalan, napagbintangan, they had their reasons.

“Ang ganda rin, kasi sabi nga ni Kuya Ruru [Madrid], ‘At least, consistent yung gusto mong i-portray na message sa mga tao,’” sambit ni Sofia.

Kasama rin sa afternoon drama na ito sina Beauty Gonzalez, Denise Laurel, Dominic Ochoa, Ayen Munji-Laurel, Jean Saburit, Keempee de Leon, Ina Feleo, Will Ashley, Radson Flores, Pauline Mendoza, at Lauren King, sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.

Di ba, ito dapat ang first directorial job ng independent contractor na si Jojo Nones? Mas gumanda raw nang na-handle ito ni Direk Jerry Lopez Sineneng.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagulat si Sofia Pablo nang isama siya ni Allen Ansay sa bayan nito sa Bicol. Halos lahat daw ng tao roon ay kamag-anak pala ni Allen.
PHOTO/S: @kapusoprgirl Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results