PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Keempee de Leon, ayaw makisali sa Pepsi Paloma controversy

Keempee de Leon on Pepsi Paloma controversy
by PEP Troika
Published Jan 8, 2025
keempee de leon pepsi paloma controversy
Keempee de Leon on revival of Pepsi Paloma controversy: "Nananahimik na pare-pareho, kailangan buhayin yung mga isyung tapos na. Kumbaga, patay na, bubuhayin mo pa. Hayaan na natin sa hukay. Ako, medyo nakakalungkot lang kasi nananahimik na yung mga tao, tapos biglang may pasabog na ganito."
PHOTO/S: Gorgy Rula / File

GORGY RULA

Isa si Keempee de Leon sa main cast ng bagong afternoon drama ng GMA-7 na Prinsesa ng City Jail, na magsisimula sa January 13, 2025, Lunes.

Maganda ang role niya rito.

First time daw niyang gumanap bilang isang jail warden, si Dado, na siyang nag-alaga kay Princess (Sofia Pablo) na ipinanganak sa loob ng kulungan.

prinsesa ng city jail cast
(L-R): Direk Jerry Sineneng, Radson Flores, Pauline Mendoza, Lauren King, Allen Ansay, Sofia Pablo, Beauty Gonzalez, Dominic Ochoa, Jean Saburit, Denise Laurel, Ayen Munji-Laurel, Inah Feleo, and Keemoee de Leon.
Photo/s: @kapusoprgirl on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa media conference ng Prinsesa ng City Jail na ginanap sa Studio 7 ng GMA Network nitong Martes, January 7, inaasahan na raw ni Keempee na itatanong sa kanya ang mainit na isyu ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma.

Nadadawit sa publicity ng kontrobersiyal na pelikula ni Direk Darryl Yap tungkol sa buhay ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma sina Vic Sotto, Richie D'Horsie, at ang ama ni Keempee na si Joey de Leon.

Ang tatlo ang inakusahang nang-abuso umano kay Pepsi sa insidenteng nangyari noong Hunyo 1982.

Hanggang ngayon ay walang patunay na may naganap ngang pang-aabuso noon.

Read: Darryl Yap nag-ingay agad with The Rapists of Pepsi Paloma teaser

KEEMPEE DE LEON ON REVIVING OLD CONTROVERSY

Pero humingi na ng paumanhin si Keempee, na nagdiriwang ng kanyang 52nd birthday ngayong January 8, dahil wala raw siyang maibibigay na komento tungkol dito.

Aniya, “I’m sorry, ha? Mahal ko kayong lahat, pero I’m not in a position to say anything about that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, honestly, wala naman akong alam diyan. Hindi ko naman alam yung mga puno’t dulo nung araw kung ano yung nangyari.

“Alam ko naman na itatanong yan, e. Sabi ko, 'Ano ba naman tong nangyayaring ito, parang ahhh…

"'Parang bubuhayin na naman nila yung isyu dati na yung tapos na yun e, na wala namang ebidensiya, kesyo ganito, kesyo ganun.'

"So ako, I’d rather stay quiet kasi mahirap kasi, e.”

Siyam na taong gulang lamang si Keempee nang mangyari ang kontrobersiyang muling binubuhay ngayon.

Nagtataka raw si Keempee bakit kailangan pang buhayin ang matagal nang isyung nananahimik na.

“Nung una kong narinig yan, sabi ko, 'Bakit kailangan ba gawin ito, ano? Dahil ba eleksyon?'

"Tito Sen [Tito Sotto], di ba, tatakbo?

"Tapos kumbaga, nananahimik na pare-pareho, kailangan buhayin yung mga isyung tapos na.

"Kumbaga, patay na, bubuhayin mo pa. Hayaan na natin sa hukay.

“Ako, medyo nakakalungkot lang kasi nananahimik na yung mga tao, tapos biglang may pasabog na ganito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sana, alamin muna nila. Wala, e, ganun talaga. Ayokong makisali diyan, e,” sabi pa ni Keempee.

Read: Arnold Clavio, nag-react sa teaser ng The Rapists of Pepsi Paloma

NOEL FERRER

Ayon kay Keempee, hindi nila ito pinag-uusapan ng kanyang amang si Joey de Leon, lalo na’t kababati lang daw nila.

Maingat ang aktor sa mga binibitiwan niyang salita at baka mamaya ay magalit pa raw ang daddy niya.

Ayaw raw niyang pagtalunan pa nila ito kapag nagbigay siya ng komento tungkol sa pelikula ni Darryl Yap.

“We’re not talking about anything… kasi recently lang, kailan lang kami nagbati, e,” napangiting pakli ni Keempee.

“So, ayokong mabahiran na kailan lang kami, more than four, five years kaming hindi nag-uusap, e.

"Ako na lang talaga ang gumawa ng first move na last year lang yun, Father’s Day, talagang sinadya ko siya sa Eat Bulaga! na… yung humiity ba?

"Ako na nagpakumbaba, although alam ko may kasalanan din ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Magulang is magulang, e. Bali-baliktarin mo man yan, kahit sino man ang may kasalanan, magulang mo pa rin.

"So, ayokong mabahiran na baka pag-awayan pa namin yun.

“Parang hindi ko maisip na kailangan… kumbaga, ang ayos-ayos ng pamumuhay ng bawat isa, guguluhin lang nila,” sabi pa ni Keempee.

Read: Keempee de Leon details emotional reconciliation with dad Joey de Leon

JERRY OLEA

Gaya ng nasabi ko before, don’t judge a film by its trailer.

Pebrero 2025 ang target playdate ng The Rapists of Pepsi Paloma. Hintayin natin kung aaprubahan ba ng MTRCB ang pagpapalabas nito sa mga sinehan.

Anong malay natin, baka pabor pala sa TVJ ang ika-17 pelikula ni Direk Daryll Yap?Let’s wait and watch.

Read: Pelikula ni Darryl Yap base sa kuwento ng pamilya ni Pepsi Paloma

As for Keempee, masaya tayo sa pagbabati nila ng amang si Joey de Leon.

Nakaka-good vibes, nakakagaan ng kalooban ang panunumbalik ng magandang samahan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Keempee de Leon on revival of Pepsi Paloma controversy: "Nananahimik na pare-pareho, kailangan buhayin yung mga isyung tapos na. Kumbaga, patay na, bubuhayin mo pa. Hayaan na natin sa hukay. Ako, medyo nakakalungkot lang kasi nananahimik na yung mga tao, tapos biglang may pasabog na ganito."
PHOTO/S: Gorgy Rula / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results