PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLIND ITEM: Gay director nanghalay ng promding male talent

Paulit-ulit daw na nagpasasa ang indie movie director sa kanyang katawang lupa.
by PEP Troika
Published Jan 1, 2025
Promdi male talent, Gay Indie movie director
Salaysay ng promding male talent, noong taong 2017 siya unang ginamit sa pagtatalik. Hanggang 2024 ay paulit-ulit daw na nagpasasa ang bading na indie movie director sa kanyang katawang lupa.
PHOTO/S: Depositphotos.com

Trigger Warning: Mention of Sexual Abuse

JERRY OLEA

Trese anyos pa lang ang isang promding male talent nang unang halayin ng isang bading na indie movie director.

Ang promding male talent ay nakatapos ng Grade 12 sa senior high school.

Salaysay ng promding male talent, noong taong 2017 siya unang ginamit sa pagtatalik. Nasa loob daw sila ng van papuntang Batangas.

Nasundan agad ang sexual abuse sa kanyang murang katawan sa inupahan nilang bahay.

Hanggang 2024 ay paulit-ulit daw na nagpasasa ang bading na indie movie director sa kanyang katawang lupa.

Ang ikinagulantang at ikinapanlumo nang lubos ng promding movie talent, makailang ulit na vinideo ng indie movie director ang panghahalay sa kanya gamit ang iPhone nito.

NOEL FERRER

Paano nagkakilala ang promding male talent at ang indie movie director?

Pagbabalik-tanaw ng promding male talent, “Noong 2017 po, nakilala ko si Direk sa pamamagitan ng isang talent na contact niya sa aming lugar sa Pangasinan.

“Ni-recruit po ako ni Direk bilang talent o extra sa mga pelikulang kanyang ginagawa.

“Pinatira po niya ako sa condo unit niya sa Quezon City. Sa pagtira ko po roon ay maraming beses po niya akong ipinatawag para sa sex sa pamamagitan ng pagsubo ng aking ari at iba pang kalaswaan.

“Lingid po sa noon sa aking kaalaman na may mga video pala yung ginagawa niya sa akin. Kamakailan ko lang po iyon nalaman.”

Hanggang kailan siya hinalay ng indie movie director?

Tugon ng promding male talent, “Mula po noong tumira ako sa condo unit niya ay madalas na may mangyari sa amin hanggang sa makauwi na po ako sa Pangasinan noong Agosto 2024.

“Hindi ko na po matiis ang kawalanghiyaan at pambababoy niya sa akin.

“Akala ko po ay matutulungan niya ako sa pag-aartista o ano man, pero wala po akong nakuhang opportunity.”

GORGY RULA

Sa naranasan niya sa bading na indie movie director, ano ang natanto at napatunayan niya?

“Isa po siyang ‘groomer.’ Ginagamit po niya ang pagiging direktor sa pelikula upang makahanap ng mga batang lalaking talent,” sabi ng promding male talent.

“Inaalok niya ang mga batang lalaking talent ng mga project at opportunity na maging artista.

“Bukod po dito ay inaalok niya ang mga nagiging biktima niya ng mga material na bagay katulad ng mga gadgets at pera upang tumahimik ang mga ito at huwag magsumbong sa mga awtoridad.”

Sa usapin ng pagiging groomer, maaalala ang mga reklamo sa composer at musical director na si Danny Tan.

Ayon kay Gerald Santos ay kinse anyos siya nang diumano'y halayin ni Danny, samantalang dose anyos naman si Enzo Almario.

Courage concert poster
Courage concert poster.
Photo/s: @thegeraldsantos Instagram

Ayon pa kay Enzo na minsan ay tatlo pa silang binatilyo na sabay-sabay raw diumanong pinagpapasasaan ni Danny sa isang resort sa Pansol sa Calamba City.

Ang VMX actor naman na si Victor Relosa ay Grade 6 o first year high school noong 2011 nang halayin ng isang pari.

Upang matulungan ang mga kabataang biktima ng panghahalay, ilulunsad ni Gerald Santos ang Courage Movement sa kanyang Courage concert sa Enero 24, 2025, sa Skydome ng SM North EDSA, Quezon City.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Salaysay ng promding male talent, noong taong 2017 siya unang ginamit sa pagtatalik. Hanggang 2024 ay paulit-ulit daw na nagpasasa ang bading na indie movie director sa kanyang katawang lupa.
PHOTO/S: Depositphotos.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results