PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lorna, Dennis nagsalita sa isyu ng special citation ni Vice Ganda

Hindi pagbasa sa citation ni Vice Ganda, ginawang isyu.
by PEP Troika
Published Dec 30, 2024
lorna dennis vice mmff 2024 gabi ng parangal
Lorna Tolentino and Dennis Trillo (left) present the Special Jury Citation to Vice Ganda (right), the lead star of And The Breadwinner Is..., at the MMFF 2024 Gabi ng Parangal.
PHOTO/S: Ermarc Baltazar

GORGY RULA

May mga nakikisakay pa rin sa mga pinag-uusapang kontrobersiya kaugnay ng Gabi ng Parangal ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Isa na rito ang iginawad na Special Jury Citation kay Vice Ganda kung saan ginawan ng intriga ang hindi pagbasa ng presenters ng explanation ng naturang award.

Ang presenters sa award na iyon ay sina Lorna Tolentino at Dennis Trillo, na presenters din para sa Best Screenplay.

Read: Vice Ganda wins this award at MMFF 2024 Gabi Ng Parangal

lorna dennis mmff 2024 gabi ng parangal
Lorna Tolentino and Dennis Trillo present the Special Jury Citation to Vice Ganda
Photo/s: Ermarc Baltazar
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LORNA TOLENTINO AIRS SIDE ON THE ISSUE

May ilang content creators na nagkakalat ng video clip na nainis daw si Lorna kay Vice dahil sa sinabi nitong hindi niya naintindihan kung para saan ang award na iginawad sa kanya.

Kaugnay nito, nagtanung-tanong ang PEP Troika sa ilang taong involved sa pangyayaring iyon.

Ipinaliwanag ni Lorna kung ano ang nangyari nang umakyat sila ni Dennis sa stage para i-present ang Special Jury Citation at Best Screenplay.

Ayon sa beteranang aktres, ang instruction sa kanila ay idagdag na i-present ang Special Jury Citation na igagawad kay Vice.

Si Dennis daw ang inatasang magbasa ng cue card para sa tatanggap ng special citation.

Ayaw na sanang pansinin ito ni Lorna, pero may fans siyang nagpo-forward sa kanya ng ilang bashing na parang pinapalabas na nairita ang aktres sa sinabi ni Vice na hindi nito naiintindihan kung ano ang award na iginawad sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parang si Lorna pa ang pinalalabas na masama sa sitwasyong iyon.

Ayon kay LT, naiintindihan niya si Vice dahil hindi nga nito alam kung para saan ang award na natanggap.

Read: Ano ang katotohanan sa likod ng 50th MMFF Special Jury Prize ni Vice Ganda?

vice ganda mmff 2024 gabi ng parangal
Vice Ganda receives the Special Jury Citation at MMFF 2024 Gabi ng Parangal
Photo/s: Ermarc Baltazar
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

DENNIS TRILLO WAS ASSIGNED TO READ VICE GANDA'S CITATION

Mas malinaw sana kung nabasa ni Dennis ang buong nakasulat sa cue card na ibinigay sa kanya.

Kaso, ang pangalan lang ni Vice ang binanggit ni Dennis, at ibinaba na niya sa sahig ang hawak na papel dahil ang susunod niyang babasahin ay yung sa Best Screenplay.

Nakita na raw ni Lorna sa cue card ang explanation ng Special Jury Citation kaya itinuro pa ni LT kay Dennis na doon nito simulan ang pagbasa.

Pero ang pangalan lang ni Vice Ganda ang binasa ng Kapuso actor. Maaaring sinunod lang ni Dennis ang instructions na ibinigay sa kanya.

Noong nagtatanong na si Vice tungkol sa award na natanggap niya, kaagad naisip ni Lorna na dapat basahin ang nakasulat sa papel para malinaw ito sa lahat.

Kaya para maliwanagan si Vice Ganda, ipinakuha ni LT ang papel at pinabasa iyon kay Dennis.

“Kay Dennis kasi naka-assign ang pagbasa nung ibinigay sa kanyang papel. Alangan namang agawin ko yun at ako na ang magbasa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sumunod lang ako based sa hawak kong papel at sa teleprompter na nakasulat.

“Kay Dennis ibinigay ang sobre ng Special Citation e. Kay Dennis din ibinigay ang winner ng Best Screenplay, sa akin nominees lang,” pakli ni Lorna nang nakausap ng PEP Troika sa telepono kahapon, December 29.

Nagtataka lang si Lorna kung bakit parang ipinahamak pa siya ng pangyayaring yun, gayong gusto lang niyang malinawan ang lahat, lalo na si Vice.

“Naiintindihan ko naman kung hindi nga naintindihan ni Vice kung para saan yun, naisip ko dapat na basahin nga yung explanation na nakalagay dun sa papel.

“Kaya sinabi ko na, ‘Eto na po, basahin na po.’ Pinabasa ko na sa kanya [Dennis],” sabi pa ni Lorna.

NON-ISSUE

Sa totoo lang, hindi naman talaga ito isyu.

Lumalaki lang dahil sa ilang gustong gumawa ng mga nakaka-intrigang content para magkaroon ng maraming views sa kanilang page.

Ganundin ang nangyari kay Cristine Reyes na ginawan ng isyung nag-walkout umano nang umalis agad sa Solaire pagkatapos niyang mag-present.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yun pala, nag-aalala na si Cristine dahil isinugod sa hospital ang nanay niya.

Read: Ara Mina reveals reason her sister Cristine Reyes left Gabi ng Parangal in tears

May nag-post pa sa X (dating Twitter) ng isa pang video na kuha sa ibang anggulo nang mag-present sina Lorna at Dennis.

Dito ay nakangiti pa si Lorna at natatawa sa mga sinabi ni Vice, bago niya pinakorek at pinabasa kay Dennis ang explanation.

Mabuti na lang at maraming kumuha sa iba’t ibang anggulo para lumabas ang buong katotohanan.

Pero nakakatakot talaga ang ginagawa ng ilang content creators para lang makaengganyo ng maraming viewers at kumita.

NOEL FERRER

Ang fans ni Lorna Tolentino ang nagtatanggol sa kanya sa social media.

Nagulat na lang ang premyadong aktres nang may ipinarating sa kanyang statement para maipaliwanag ang panig niya.

Isang loyal fan niya ang naglabas ng statement para sa panig ni Lorna.

Ayon sa statement na lumabas sa X: “Recently, Ms. Lorna Tolentino faced criticism during the 50th MMFF awarding ceremony due to a misunderstanding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“In an effort to ensure clarity and avoid confusion, she called Vice Ganda to further explain the significance of the ‘Special Jury Citation’ award.

“Her intention was never to undermine anyone but rather to highlight the value of the recognition and provide the audience with a deeper appreciation of its meaning.

“Ms. Lorna Tolentino, as a respected figure in the industry, has always been known for her professionalism and support for her fellow artists.

“Let us remember that these events are meant to unite and honour the hard work and talent of everyone involved.

“Instead of spreading negativity, let’s choose kindness, understanding, and respect.

“Stop the bashing; let’s lift each other up and continue to celebrate the beauty and unity of the entertainment industry.”

Read: Aga Muhlach, Uninvited, Eugene Domingo, Gladys Reyes: inisnab ng 50th MMFF?

lorna tolentino fan statement
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Kaugnay sa isyung ito, nagpadala rin ng statament sa PEP Troika si Jan Enriquez, ang general manager ng Aguila Entertainment na current manager ni Dennis Trillo at ng wife nitong si Jennylyn Mercado.

Ipinaliwanag naman niya ang panig ni Dennis tungkol sa isyung ito.

Mensahe ni Jan sa PEP Troika: “Thanks for reaching out. Sa totoo lang po it’s the first time we are hearing about it this from you po.

“We are not aware na may ongoing bashing or kung ano extent ng bashing na ito.

“With regard to the Jury Citation presentation naman po, it was unfortunate that Vice Ganda had to accept her award without context kung ano ito.

“Buti na lang napakahusay ni Vice at na-handle niya ang sitwasyon at sa halip na maging awkward ay naging entertaining ito sa mga manonood.

“For your information din po tito, both Dennis and Ms LT were invited to present the best screenplay award and they were briefed about the additional category to be presented just minutes before they went up on stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dennis was only instructed to read the name agad since wala naman nominees at special citation nga ito. So, yun ang ginawa niya upon seeing the name of Vice Ganda.

“Wala rin sa prompter ang description which I can personally attest to because i was on the side of the stage when this is all happening.

“I am not pointing fingers at anyone. Clearly may miscomm lang po na nangyari and sumunod lang naman sina Dennis and ms LT based sa kung paano nila naunawaan ang brief sa kanila.

“I also understand na these things happen in a live event so sana huwag na lang intrigahin pa ng netizens at maging masaya na lang po tayo sa winners.

“For sure walang sinuman ang may intent to disrespect Vice or anyone who went up that stage.

“At the end of the day, it is a celebration of Filipino talent and creativity in film so lets focus on that na lang po sana.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Netizens react to MMFF 2024 Gabi ng Parangal production mishaps

dennis jennylyn vice mmff 2024 gabi ng parangal
Dennis Trillo and wife Jennylyn Mercado pose for a photo with Vice Ganda at MMFF 2024 Gabi ng Parangal
Photo/s: Courtesy of Jan Enriquez

DENNIS DONATES CASH PRIZE TO PDL

Siyanga pala, iyong award ni Dennis bilang best actor ay may kasamang PHP100,000 cash prize mula sa sponsor na Playtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Jan ang nag-claim ng cash prize. Agad iniabot iyon sa kanya.

Kuwento ni Jan sa Facebook kaugnay sa PHP100K, “Iaabot ko na dapat kay Jen, then sabi ni bessie, ‘Bessie, i-donate na lang natin iyan sa mga PDL (person deprived of liberty).’

“And agad-agad ko itong inabot kay JC Rubio na siyang may konek sa grupo ng mga PDL kung saan hango o inspired ang Tree of Hope.

“Lingid sa kaalaman nyo na may totoong Tree of Hope sa isang facility and doon po gagamitin ang 100k… para matupad ang mga munti nilang hiling.

“When I say munti as in simple talaga, minsan hiling lang nila bagong tshirt, shorts, sapatos, diapers para sa baby nila sa labas etc

“Ito rin po ang mga hiling na na-grant noong presscon at beneficiary dn ng cash prize ng team Green Bones sa Family Feud.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ambait ni Dennis! Golden Boy with a Golden Heart!

MORE CINEMAS FOR GREEN BONES

Siyanga pala, as of December 30 ay 144 na ang mga sinehan ng Green Bones nationwide—62 sa Metro Manila, 45 sa Luzon, 19 sa Visayas, at 18 sa Mindanao.

Anim ang awards ng Green Bones sa MMFF 2024best picture, best actor (Dennis Trillo), best supporting actor (Ruru Madrid), best child performer (Sienna Stevens), best screenplay (Ricky Lee, Angeli Atienza), at best cinematography (Neil Daza).

Read: Dennis Trillo, Judy Ann Santos lead MMFF 2024 Gabi ng Parangal

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lorna Tolentino and Dennis Trillo (left) present the Special Jury Citation to Vice Ganda (right), the lead star of And The Breadwinner Is..., at the MMFF 2024 Gabi ng Parangal.
PHOTO/S: Ermarc Baltazar
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results