PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda 50th MMFF special citation: ano ang katotohanan?

Nainsulto ba ang mga MMFF jurors sa acceptance speech ng Unkabogable Star?
by PEP Troika
Published Dec 28, 2024
vice ganda at 50th MMFF Gabi ng Parangal
Totoo kayang hindi agad na-gets ni Vice Ganda ang tunay na katotohanan sa likod ng kanyang Special Jury Prize na kanyang tinanggap sa nakaraang 50th MMFF Gabi ng Parangal, gaya ng kanyang pag-amin sa kanyang acceptance speech? Hindi kaya nainsulto ang ilang jurors dahil sa kanyang hirit?
PHOTO/S: Ermarc Baltazar

JERRY OLEA:

Lahat ng official entries ay nominadong Best Picture sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Para sa 13-member jury ng MMFF 2024, ang apat na pinakamagagandang kalahok ay Green Bones (Best Picture), The Kingdom (2nd Best Picture), My Future You (3rd Best Picture), at Isang Himala (4th Best Picture).

Take note na ang may pinakamaraming nominasyon ay The Kingdom with 15, followed by Espantaho with 14, Topakk with 13, and Green Bones with 12.

Aside from its 15 nominations, nakamit ng The Kingdom ang Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award. Walang binanggit na nominees sa kategoryang ito.

Tig-11 ng nominations ang My Future You at Isang Himala.

Ang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital ay nakasiyam na nominasyon. Iyong Uninvited, pito.

Iyong And The Breadwinner Is…, anim ang nominasyon. Hindi kabilang diyan ang Special Jury Citation, at iyong Gender Sensitivity Award na walang binanggit na nominees.

Iyong Hold Me Close ay sa Best Picture lang nominado. Sa iba pang mga kategorya ay ligwak ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kategoryang Best Actor, dalawa ang panlaban ng The Kingdom… sina Vic Sotto at Piolo Pascual. Ang winner ay si Dennis Trillo ng Green Bones.

Sa kategoryang Best Supporting Actor, dalawa ang panlaban ng And The Breadwinner Is…, sina Jhong Hilario at Kokoy de Santos. Si Sid Lucero, dalawa ang panlaban, Topakk at The Kingdom.

Ang winner ay si Ruru Madrid ng Green Bones.

Sa kategoryang Best Supporting Actress, dalawa ang panlaban ng Espantaho, sina Chanda Romero at Lorna Tolentino. Dalawa rin ang panlaban ng Uninvited, sina Nadine Lustre at Gabby Padilla.

Ang winner ay si Kakki Teodoro ng Isang Himala.

Sa kategoryang Breakthrough Performance, dalawa ang panlaban ng My Future You, sina Seth Fedelin at Francine Diaz. Ang isa pang nominado sa kategoryang ito ay si Alexa Miro ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.

Ang winner ay si Seth.

Sa pagtatapos ng MMFF Gabi ng Parangal, maraming naghimutok o naghinaing para sa And The Breadwinner Is… at Uninvited.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ligwak ang Uninvited sa mga kategoryang Best Actor (Aga Muhlach) at Best Director (Dan Villegas).

Isa lang ang award ng Uninvited, Best Float—may katabla pa, ang Topakk.

At sa hula ng marami ay mas maganda ang float ng Topakk kesa sa float ng Uninvited.

Nominado ang And The Breadwinner Is… sa mga kategoryang Best Picture, Best Actor, Best Supporting Actor, FPJ Memorial Award for Excellence, at Best Float.

Ngangey ang pelikula sa mga kategoryang iyon. Pinagkalooban si Vice Ganda ng Special Jury Prize, at ang pelikula niya ay natamo ang Gender-Sensitivity Award na walang binanggit na ibang nominado.

vice ganda at 50th MMFF Gabi ng Parangal
Vice Ganda accepting her Special Jury Prize at the 50th MMFF Gabi ng Parangal.
Photo/s: Ermarc Baltazar
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

VICE GANDA, GETS AGAD ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG SPECIAL CITATION?

Tama ang hinuha ni Vice na sa pagbibigay sa kanya ng Special Jury Prize. Ibig sabihin ay hindi siya mananalong Best Actor.

Kuwela ang mga hirit ni Vice sa pagtanggap ng Special Jury Prize. Marami sa audience ang natawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tanong, ININSULTO ba ni Vice ang jurors sa kanyang acceptance speech? Tumagos ba sa puso ni Vice na ang Special Jury Prize na iyon ay PAMPALUBAG-LOOB?

Ang NKKLK pa, hindi agad binasa ng presenter na si Dennis Trillo ang citation para kay Vice. Basta na lang ini-announce ni Dennis na may Special Jury Prize si Vice.

Kaya takang-taka ang Nag-iisang Unkabogable Superstar kung para saan ang nasabing Special Jury Prize.

Naliwanagan si Vice nang basahin na ni Dennis sa cue card ang “mahiwagang” citation.

Ayon sa reliable source ng PEP Troika, ang isa sa mga pangunahing dahilan kaya mula 9:00 A.M. ay inabot ng 4:30 P.M. ang deliberation ng 13 jurors ay dahil sa Special Jury Prize kay Vice.

Ang awards night ng 50th MMFF ay ginanap nitong Disyembre 27, 2024, Biyernes sa grand ballroom ng Solaire Resort sa Parañaque City.

Sa halos limang oras na programa, hindi pinaakyat sa entablado ang mga hurado upang ipakilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinapos ni Vice ang programa. Hindi siya nag-walk out. Nagpaunlak pa siya ng maikling interbyu bago umuwi.

Nananatiling top-grosser ng MMFF 2024 ang pelikula ni Vice na And The Breadwinner Is…

Kaya pinapahalagahan ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) ang malaking ambag ni Vice sa takilya.

Kung ang Golden Boy ng MMFF 2024 ay ang best actor na si Dennis Trillo, at ang Golden Girl ay ang best actress na si Judy Ann Santos… si Vice Ganda naman ang Golden Gay.

O Golden Horse?

Read: Netizens react to MMFF 2024 Gabi ng Parangal production mishaps

GORGY RULA:

May babasahin naman palang paliwanag sa award na iyun na ibinigay kay Vice Ganda. Bakit kaya hindi binasa ni Dennis Trillo?

Ayon sa ilang napagtanungan namin, ni-request daw ng CEAP na bigyan daw sana si Vice ng special award o special citation dahil sa magandang resulta sa box-office ng kanyang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal daw na pinagtalunan iyun, hanggang sa nagkasundong bigyan na siya ng naturang parangal. Pero hindi na-gets ng Unkabogable Superstar ang naturang award, nakapagsalita siya nang ganun sa entablado.

VICE GANDA ACCEPTANCE SPEECH, NAKA-OFFEND BA SA ILANG JURORS?

May ilang umalma sa linyahan niyang “My God! Hahabaan ko na to kasi baka itong award na ito, ibig sabihin hindi ako magbe-Best Actor.

“Baka ito yung award sa mga first runner-up. Yung baka sayang naman yung outfit at saka sikat naman siya, paakyatin na natin siya for star value of the moment.”

Pero sabi ng ilang malapit kay Vice Ganda, ganun na talaga siya. Kung ano ang naramdaman niya at nasa isip niya ay talagang sinasabi niya.

Ang dinig namin ay na-offend ang ilang miyembro ng jury, dahil ang haba ng oras na nagugol para pag-usapan itong award na ito, pagkatapos iyun lang pala ang napala nila.

Totoo bang nagalit si Direk Joey Reyes na co-chair ng Board of Jurors?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinanap nga namin ang FDCP Chairman pagkatapos ng awarding, pero hindi na namin nakita.

Sa tingin ko naman, sinisikap ng buong jury na ma-please ang lahat na sumali. Kaya nga nagkaroon pa ng Breakthrough Performance na iginawad kay Seth Fedelin, at Special Jury din sa Isang Himala. Pero hindi talaga maiwasang meron pa ring hindi natuwa sa resulta.

Pero hindi lang si Vice Ganda ang gumawa ng ganung eksena, ginaya rin siya ni Direk Richard Somes na hindi raw naintindihan ang FPJ Memorial Award for Excellence na ibinigay sa pelikula niyang Topakk.

Maaring nagpakuwela lang siya, pero may ilang tumaas ang kilay. Mahirap bang intindihin ang parangal na iyun?

Mahirap bang unawain ang pagbibigay halaga sa Da King of Philippine Movies?

NOEL FERRER:

Ngayon makikita ang totoong intensyon at saloobin at karakter ng mga tao.

Pagkatapos ng Gabi Ng Parangal, inaasahan naman sa kahit na anong timpalak, may mananalo at matatalo!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

I have to give it to my good friend Aga Muhlach who, after his category, nandoon sa stage nagpe-present pa rin ng Best Actress Award, at pagkatapos very cool pa rin na naki-mingle sa lahat ng mga stars na nandoon—ultimo sa My Future You, Espantaho at Green Bones Teams.

Ganun din sina Ate Vi, Nadine and in fairness, kahit sina Uge, Vice Ganda at Gladys.

Kudos to the brilliant young actor na si Elijah Canlas na nag-like pa sa post ko about the integrity of the jury and the process.

Bakit sa ibang mga netizens, kung maka-comment at maka-nitpick, parang wala nang nagawang mabuti at maganda sa MMFF 50 na noong una’y pinupuri at pinasasalamatan sa pagle-level up?

Igpawan natin ang ating pansariling interes at iyung nagbibigay sa atin ng pagkakakitaan. Sana, suportahan na lang, panoorin at masusing suriin LAHAT ng mga pelikula, hindi iyung manira at mag-troll, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 50th MMFF Gabi ng Parangal: mga ganap, umeksena, at uninvited

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Totoo kayang hindi agad na-gets ni Vice Ganda ang tunay na katotohanan sa likod ng kanyang Special Jury Prize na kanyang tinanggap sa nakaraang 50th MMFF Gabi ng Parangal, gaya ng kanyang pag-amin sa kanyang acceptance speech? Hindi kaya nainsulto ang ilang jurors dahil sa kanyang hirit?
PHOTO/S: Ermarc Baltazar
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results