GORGY RULA
Nag-ikot ang PEP Troika sa ilang sinehan noong Miyerkules, Disyembre 25, 2024, ang opening day ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Read: Fearless forecast: MMFF 2024 top 4 entries sa box office
Nasa Gateway mall kami sa Cubao, Quezon City, kung saan dinaluhan namin ang block screening ng Uninvited at Topakk.
Base sa dami ng mga taong pumila sa takilya, natatantiya naming nabawasan ito ngayong taon. Mas matao noong nakaraang taon, kesa ngayon.
Maaaring nakaapekto ang tuluy-tuloy na pag-ulan noong araw na yun. Bukod pa riyan, ang mahal na talaga ng halaga ng ticket.
Ayon sa mga pagtatanong namin, ang pelikulang And The Breadwinner Is... ang nangunguna sa takilya.

Expected na yun dahil meron silang mahigit 200 cinemas at mas mahal ng sampung piso kumpara sa ibang official entries.
Sumunod ang The Kingdom, pumangatlo ang Espantaho, at pang-apat ang Uninvited.
Ang tatlong pelikulang sumusunod sa Breadwinner ay mahigit 100 cinemas ang nakuha kaya nakakahabol sila.
Ang Green Bones ang sumunod sa Uninvited, at nag-trend pa ito nung Pasko dahil sa galing ng acting ng mga artista, lalo na si Dennis Trillo.

Ang nakakalungkot lang, malayo raw ang agwat ng limang pelikulang nahuhuli sa takilya.
Sana makabawi pa ang ilan sa kanila pagkatapos ng Gabi ng Parangal na gaganapin nitong Biyernes, Disyembre 27.
GABI NG PARANGAL
Malaki ang kumpiyansa ni Sylvia Sanchez, ang producer ng Topakk, na makakabawi sila sa bilang ng mga sinehan, kapag magkaka-award ang kanilang pelikula.
Saad ng actress-producer, "So, andun ako sa 27, sa awards, kung anong awards ang makuha namin, laban ako dun.
"Basta ang importante sa akin, maipakita sa inyo ang obra ni Richard Somes dahil maganda talaga ang pelikulang ito.
"Ito talaga, proud talaga ako dito sa Topakk, dahil nag-level up talaga dito ang action.
"Hindi lang yung aksyon ang nag-level up dito, kundi ang acting nila, ng lead actor, pati yung mga cast ang gagaling nila.
"Ito yung aksyon na may puso, hindi lang basta aksyon na aksyon."
Read: Metro Manila Film Festival 2024: Entries, lead cast, synopses
JERRY OLEA
Ngayong Disyembre 26, Huwebes, ay nadagdagan ng mga sinehan ang And The Breadwinner Is...
Base sa cinema list na inilabas ng The IdeaFirst ngayong Huwebes ay 220 na ang mga sinehan ng MMFF 2024 entry ni Vice Ganda, kasama sina Maris Racal at Anthony Jennings — 60 sa Metro Manila, 87 sa Luzon, 34 sa Visayas, 29 sa Mindanao.
Ang Espantaho ay nadagdagan daw ng isang sinehan.
Ang Green Bones ay nadagdagan ng 14 sinehan. Bale 57 na ang mga sinehan ng pelikula nina Dennis Trillo at Ruru Madrid — 36 sa Metro Manila, 11 sa Luzon, 3 sa Visayas, 7 sa Mindanao.
Nabawasan ng walong sinehan ang Isang Himala. Ang natirang sinehan sa movie ni Aicelle Santos ay 24 na lamang — 18 sa Metro Manila, isa sa Luzon, apat sa Visayas, at isa sa Mindanao.
NORA AUNOR ON ISANG HIMALA
“Elsa loves you!” paandar ng Isang Himala. Pero mahal ba ng moviegoers si Elsa?
May mensahe si National Artist Nora Aunor sa moviegoers kaugnay sa rock musical na Isang Himala.

Ani Nora, “Ang Himala po ang isa sa mga pelikula na ginawa ko na mahirap gampanan dahil sa kinakailangan ko na maramdamam kung ano talaga ang gustong ipahiwatig ni Elsa sa mga manonood.
“Ang Himala ba ay kathang isip lamang ni Elsa o tunay ba na nagpakita ang Mahal na Birhen sa kanya?
"Masaya po ako dahil hanggang ngayon po ay patuloy na pinag-uusapan ang Himala at lalo po akong natuwa na ginawa itong isang musikal.
"Muli po ay nabigyang buhay si Elsa sa katauhan ni Ms. Aicelle Santos, na isang magaling na aktor sa tanghalan, kasama ang iba pang magagaling na sina Bituin Escalante, Neomi Gonzales, David Ezra, Kakki Teodoro, Floyd Tena at ang buong ensemble na buong galing na ipinakita uli sa atin ang Cupang.
"Sa direksyon ni Pepe Diokno at siempre ang National Artist na si Mr. Ricky Lee ang sumulat na muling binuhay si Elsa na naaangkop sa bagong henerasyon.
"Inaanyayahan ko po ang mga manonood lalong-lalo na ang mga kabataan na panoorin ang pelikula.
"Pag umayon po ang aking pakiramdam gusto ko po itong panoorin sa malaking sinehan.
"Muli po ang aking pagbati sa lahat ng bumubuo ng Isang Himala. “MABUHAY PO KAYO TEAM ‘ISANG HIMALA’!!!"
Ang nag-send ng message ni Ate Guy ay ang super-Noranian na si si Rodel Ocampo Fernando.
Read: MMFF 2024: Premieres, best actress and best actor race
NOEL FERRER
Opisyal na nalagpasan ng kita ng first day ng 50th MMFF ang first-day gross ng MMFF last year!
At talagang iba pa rin ang hatak ng mga named stars para mai-push ang kanilang entries—like Vice, Vic, Juday with LT, and Ate Vi with Aga and Nadine.
Dapat ipagpatuloy ang pagsisipag ng mga artista sa pagpo-promote ng kanilang mga pelikula.
Kita ring apektado ng MTRCB ratings somehow ang box-office showing ng mga R films. Mas mataas pa siguro ang kita nila kung mas accessible ito sa wider market.
Pero be that as it may, OK rin ang showing ng Uninvited at Topakk.
Maiiba ang ihip ng hangin after the Gabi Ng Parangal bukas.
Sana, makatulong talaga ang resulta ng award sa pag-push ng box-office standing ng mga pelikula! Go go go, MMFF 50!
Related Stories:
- REVIEW: Green Bones, a guaranteed tearjerker
- REVIEW: Topakk delivers a visual feast, strong acting performances
- REVIEW: Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, the horror movie for your squad
- REVIEW: Uninvited, a gripping masterpiece of revenge
- REVIEW: My Future You, an emotional rollercoaster worth watching
- REVIEW: Isang Himala shines with powerhouse performances
