PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Enrique Gil, ibinahagi ang hazards nang mag-ghost hunting sa Taiwan

Enrique to star in a teleserye in 2025.
by PEP Troika
Published Dec 21, 2024
Enrique Gil shares experience in shooting meta horror film Strange Frequencies in Taiwan, an entry in MMFF 2024.
Enrique Gil on shooting at the haunted Taiwan Killer Hospital: "Maraming hazard. Maaari kang mamatay. May mga butas sa sahig, puwede kang diretsong ground."
PHOTO/S: Jerry Olea / Strange Frequencies trailer

JERRY OLEA:

Meta horror ang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, na isa sa sampung kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Gumanap dito sina Enrique Gil, Alexa Miro, Jane de Leon, MJ Lastimosa, Rob Gomez, Raf Pineda, at Zarckaroo as themselves.

Strange Frequencies cast at MMFF 2024 Parade of Stars: MJ Lastimosa, Alexa Miro, Jane de Leon, Raf Pineda, Enrique Gil, Ryan Azurin, and Rob Gomez
Strange Frequencies cast at MMFF 2024 Parade of Stars: MJ Lastimosa, Alexa Miro, Jane de Leon, Raf Pineda, Enrique Gil, Ryan Azurin, and Rob Gomez
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawampu’t pito (27) ang cameras na ginamit ng produksyon, at bawat isa sa pitong bida ay tigtatlo ng dala-dalang camera. Sila-sila mismo ang cameramen.

Tilian nang tilian ang fans sa ilang eksena sa premiere night ng movie nitong Disyembre 19, Huwebes, sa Cinema 3 ng SM Megamall, Mandaluyong City.

Maa-appreciate ang movie ng magbabarkadang GenZ. Iyong shaky camerawork ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital ay may bahid ng “found footage” mockumentary na The Blair Witch Project (1999), pati ng controversial Cannibal Holocaust (1980).

Ito namang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital ay nag-“live streaming” ng isang gabi sa Xinglin Hospital sa Taiwan (R.O.C.).

Iyong found footage technique ng The Blair Witch Project ay naka-influence sa horror movies na Paranormal Activity (2007), REC (2007) at Cloverfield.

Sa promo ng The Blair Witch project noon, pinalutang na ang tatlong estudyante sa istorya ay pawang pumanaw na o nawawala. May mga nag-akala rin na totoo iyong pagkamatay ng ilang karakter sa Cannibal Holocaust.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ENRIQUE GIL ON SHOOTING STRANGE FREQUENCIES

Sa kaso ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, buhay na buhay ang pitong bida na masisipag mag-promote, at pawang dumalo sa premiere night. Co-producer dito si Quen (palayaw ni Enrique) nina Dondon Monteverde at Direk Erik Matti.

Sabi ni Quen bilang producer, “Pagdating sa shoot siguro, more of ano lang, guiding lang na, ‘Prepare yourselves. So, kung anuman yung ma-feel niyong sabihin, sabihin niyo. Kahit huwag niyong masyadong gayahin yung script.’

“Kasi we’re playing as ourselves, e, so just be true to yourself sa kahit ano mang sitwasyon na madadaanan.

“Paano ka ba? Paano mo gagawin?”

Anu-ano ang pinaka-challenge sa kanya bilang aktor at bilang producer sa project na ito?

“Para sa akin siguro was the shoot itself sa Taiwan. Kasi abandoned place yun,” tugon ni Quen.

“So, siyempre, hindi mo control yung weather. Pag umulan, baha sa loob. Kasi abandoned nga siya, so medyo hindi… may mga butas na siya sa bubong at lahat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Maraming hazard. Maaari kang mamatay. May mga butas sa sahig, puwede kang diretsong ground floor galing sa itaas. May mga lamok.”

Insured ba sila kung mapanganib pala iyong location ng shooting nila?

Mabilis na sagot ni Quen, “Siyempre, siyempre. Pero siyempre, as much as possible, gusto namin, super-safe.

“So siyempre in a way as producer, you know, may konting responsibility. Di ba? So, yun na.”

Read: Enrique Gil on fame: “It really means nothing.”

Noel Ferrer

Natanto nina Alexa Miro at MJ Lastimosa na kailangang maging respectful sila sa spirits sa naturang haunted hospital sa Taiwan.

“Of course, dapat respectful po talaga tayo lalo na, nasa Taiwan tayo. Ibang kultura kasi yun, e,” saad ni Enrique “Quen” Gil.

Iba rin ang language doon, huh?!

“Oo at hindi ko maintindihan yung ibang multo, basta natatakot na lang kami!”

Ibinalita rin ni Quen na may pagbibidahan siyang Kapamilya teleserye next year, pero hindi pa niya puwedeng i-divulge ang details.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Fearless forecast: MMFF 2024 top 4 entries sa box office

GORGY RULA:

Bakit sa Taiwan nag-shoot ang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital? Hindi ba puwede sa Pilipinas? May ibang bansa pa ba silang pinagpilian?

Sagot ng producer na si Dondon Monteverde: “Well, una sa lahat siyempre, marami nang horror movie kasi na ginagawa sa Pilipinas.

“So, we wanted to bring in a different texture. Different sensibility when it comes to horror, di ba?

“Kahit adaptation siya, siyempre hindi naman ginaya talaga totally, di ba? Ginawa nating Pinoy pa rin yung touch, with the touch of Taiwan, di ba?

“Na talagang parang ghost ng Taiwan, iba-ibang galawan, iba-ibang religion, di ba? Para totally, iba naman ang mapanood ng mga horror fans natin.

“Kaya nag-decide talaga kami sa Taiwan. And nung ginoogle talaga namin ito, ang pinaka-haunted talaga sa buong Asia, is yung Xingling Hospital.

“Kami ni Quen, ginoogle namin yan. Nag-research kami, di ba? So sabi namin, ‘Kailangan, doon tayo pumunta!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi siyempre yung location is the star of the show.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enrique Gil on shooting at the haunted Taiwan Killer Hospital: "Maraming hazard. Maaari kang mamatay. May mga butas sa sahig, puwede kang diretsong ground."
PHOTO/S: Jerry Olea / Strange Frequencies trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results