PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Seth at Francine, nagulat sa kinalabasan ng My Future You

My Future You ng FranSeth, highly recommended.
by PEP Troika
Published Dec 17, 2024
francine diaz seth fedelin my future you
Seth Fedelin after watching My Future You, his launching movie with Francine Diaz: “First time namin napanood yung pelikula. Grabe! Nagulat kami na kaya naming gawin… pero hindi ko maipaliwanag ang saya.”
PHOTO/S: Regal Entertainment Inc. Facebook

JERRY OLEA

Hindi na bago ang fantasy romance kung saan ang dalawang taong nag-ibigan ay nasa magkaibang timeline.

Iyong Love You Long Time (2023), one year apart ang panahon nina Uly (Carlo Aquino) at Ikay (Eisel Serrano). Nagkonek sila sa pamamagitan ng lumang walkie-talkie.

Read: Filipino rom-com movies in 2023 to swoon over

love you long time
Carlo Aquino and Eisel Serrano in Love You Long Time
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa BL series na Happenstance (2020), dahil sa supermoon ay tila nagbukas ang portal upang magkonek si Wade (Kiko Ipapo) na nasa 2020, at si Jose Manuel (Jovani Manandala) na nasa 1974.

kiko ipapo jovani manansala happenstance
Kiko Ipapo (left) and Jovi Manansala (right)

Sa Moments of Love (2006), nagkausap sa telepono ang photographer na si Marco (Dingdong Dantes) na nasa 2006, at si Divina (Iza Calzado) na nasa 1957.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
moments of love

Sa American film na The Lake House (2006), ang architect na si Alex (Keanu Reeves) ay nasa 2004, samantalang ang doktorang si Kate (Sandra Bullock) ay nasa 2006. Nag-communicate sila sa pamamagitan ng liham sa mailbox.

the lake house
Keanu Reeves and Sandra Bullock in The Lake House
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Iyong The Lake House ay halaw sa South Korean film na Il Mare, si Eun-joo (Jun Ji-hyun) ay nasa taong 1999, samantalang si Sung-hyun (Lee Jung-jae) ay nasa 1997.

il mare
Lee Jung-jae and Jun Ji-hyun in Il Mare

Ang plot ng Il Mare ay ginamit din ng Indian Kannada movie na Minchagi Nee Baralu (2015).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Minchagi Nee Baralu
A scene from Minchagi Nee Baralu

Maski sa ibang genre sa pelikula man o TV show ay may mga kuwento na tungkol sa magkaibang timeline na nagkonek, gaya ng American sci-fi thriller na Frequency (2000), kung saan si John (Jim Caviezel) ay nasa 1999, samantalang ang ama niyang si Frank (Dennis Quaid) ay nasa 1969.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
frequency
Dennis Quaid and Jim Caviezel in Frequency

Ang premise ng South Korean TV series na Signal (2016 ang first season) ay ibinase sa pelikulang Frequency.

Ni-remake ang Signal series sa Japan noong 2018, at nagkaroon iyon ng sequel film na Signal the Movie (2021).

signal korean tv series
Lee Je-hoon, Kim Hye-soo, and Cho Jin-woong in Signal
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga ganitong kuwento ay karaniwang nai-incorporate ang butterfly effect sa chaos theory.

MY FUTURE YOU

Nag-premiere night ang MMFF 2024 official entry na My Future You nitong Disyembre 16, 2024, Lunes, sa SM Megamall.

Sa kuwento, 15 years apart ang characters ng FranSeth na nagkonek via dating app sa computer.

Nasa 2009 ang Cebu-based na si Lex (Seth Fedelin), samantalang nasa 2024 ang taga-Marikina na si Karen (Francine Diaz).

The 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) celebrates its golden anniversary with an expanded lineup of 10 diverse films including
Photo/s: Screengrab from IMDb
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May kani-kanyang hugot sa pamilya sina Lex at Karen.

Senior citizens ang parents (PeeWee O’Hara, Bodjie Pascua) ni Lex, samantalang separated ang parents (Almira Muhlach, Marcus Madrigal) ni Karen.

Kasama rin sa cast sina Christian Vazquez, Vance Larena, Izzy Canillo, at Mosang.

Nakakakilig at nakakaiyak ang My Future You na isinulat at idinirek ni Crisanto Aquino.

Mahusay si Seth na may “K” ma-nominate bilang best actor.

Mahuhusay rin ang mga suporta sa kanila ni Francine.

Kumurot sa puso namin ang dedication sa ending ng movie, “In Loving Memory” kina Mother Lily Monteverde at Father Remy Monteverde.

Para sa akin, ang My Future You ay HIGHLY RECOMMENDED! Worth it panoorin!

Read: My Future You, dark horse sa Metro Manila Film Festival 2024

GORGY RULA

Kitang-kita ang sobrang tuwa ng FranSeth loveteam na sina Francine Diaz at Seth Fedelin pagkatapos ng screening.

First time din daw nilang napanood at sobrang happy sila sa kinalabasan. Hindi raw nila akalaing ganoon kaganda ang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“First time namin napanood yung pelikula. Grabe! Nagulat kami na kaya naming gawin… pero hindi ko maipaliwanag ang saya,” masayang pahayag ni Seth.

“Malaking pasalamat namin sa Regal, of course, at siyempre sa ABS-CBN po na sumuporta sa amin, maraming-maraming salamat po.

"Maraming salamat kay Direk, sa lahat, maraming salamat po.

"Of course kay Ma’am Roselle [Monteverde] at kay Mother Lily.”

seth fedelin francine diaz my future you
Seth Fedelin and Francine Diaz at My Future You premiere
Photo/s: Regal Entertainment Inc. Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasalamat din si Roselle Monteverde na ang FranSeth ang kinuha nila para sa pelikulang ito ni Direk Crisanto Aquino.

TODO-PROMOTE

Wala raw silang problema sa schedule, pati sa promo, lahat daw ay pinupuntahan ng dalawa. Ang sipag daw nilang mag-promote.

Sabi ni Francine, “Oo naman po siyempre, kasi sila din po ang nagtiwala sa amin. Siyempre, lahat din po gagawin namin para sa My Future You and lalo na po na official entry din sa MMFF.

“Lahat po na puwedeng gawin, lahat na kayang gawin, ginagawa po namin ni Seth para dito at masaya po kami na napanood niyo na po this time, lalo na ang pamilyang Pilipino sa Kapaskuhan naman po.”

Tinanong sila ni Ogie Diaz kung bakit wala silang kissing scene.

“Wala po,” natatawang sagot ni Francine. “Sa part two?”

“Darating tayo dun sa tamang panahon,” sabi naman ni Seth.

Paulit-ulit silang nagpapasalamat sa magandang feedback sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matino naman kasi at hindi lang basta-bastang kilig-kiligan para sa kanilang loveteam.

Magaling pa silang umarte, at sa totoo lang, puwedeng lumaban si Seth Fedelin sa Best Actor category.

Puwede ring lumaban ito sa box office dahil gusto ng mga tao ang ganitong tipo ng kuwento na mala-Rewind din ang approach.

“Pasensiya na po, sobrang na-overwhelm kami, sobra. Para po sa inyo ito, regalo namin para sa Kapaskuhan, para sa pamilya, mga minamahal namin. Salamat po,” sabi pa uli ni Seth Fedelin.

Read: Francine at Seth, natagpuan na ba ang "future" nila sa isa't isa

NOEL FERRER

Sana, kumita ang pelikulang My Future You at magkonek sa pamilyang Pilipino.

Parang Rewind na dati’y ikinukumpara sa If Only, marami namang love story ng different timelines na, pero siyempre iba pa rin ang kurot at appeal nito sa mga bata ngayon.

Puring-puri ng mga tao si Seth Fedelin, at aabangan natin ang susunod nilang mga gagawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malamang maliit lang ang production budget nito na maganda ang kinalabasan.

Sana kumita para gumawa pa ang Regal ng magaganda at gagastusan na ng mas malaking budget.

Read: MMFF 2024: Star power, plus factor sa pagpili ng official entries

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seth Fedelin after watching My Future You, his launching movie with Francine Diaz: “First time namin napanood yung pelikula. Grabe! Nagulat kami na kaya naming gawin… pero hindi ko maipaliwanag ang saya.”
PHOTO/S: Regal Entertainment Inc. Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results