PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"The Boyfriend" post ni Yen Santos, walang kinalaman sa lovelife

Yen Santos, kailan kaya babalik sa pag-arte?
by PEP Troika
Published Dec 14, 2024
yen santos the boyfriend
Actress Yen Santos recently posted the cover of the book The Boyfriend by Freida McFadden, which led netizens to speculate if it is related to her current lovelife.
PHOTO/S: @ysantos on Instagram

GORGY RULA

May ipinost si Yen Santos nitong December 13, 2024, Biyernes, sa kanyang Instagram story ng librong ang title ay The Boyfriend ni Freida McFadden.

Wala naman daw itong kinalaman sa lovelife ni Yen, sabi ng taong malapit sa aktres na naka-text ng PEP Troika.

Ayaw lang ipabanggit ng taong ito ang pangalan niya, pero tiniyak nitong malapit kay Yen na wala raw personal na dahilan ang post na yun ng aktres.

Read: Paolo Contis at Yen Santos, hiwalay na nga ba?

Napabalita na noon pang hiwalay na sina Yen at Paolo Contis.

Sinabi ng Kapuso actor sa huling interview sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa Fast Talk na single siya.

Pero sabi ng ilang napapagtanungan namin, okay raw ang dalawa. Hindi lang alam kung friends lang sila o nagkabalikan.

Tinanong ko si Paolo tungkol sa kanila ni Yen, wala talaga siyang sagot.

Kapag tungkol na kay Yen ang tanong ko, deadma na talaga siya ever!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Paolo Contis, deadma sa rumored breakup nila ni Yen Santos

THE BOYFRIEND

Itong librong binabasa ni Yen na The Boyfriend ay wala raw talagang kinalaman sa kanya ngayon, sabi ng napagtanungan kong malapit sa kanya.

Wala raw ibig sabihin yung pag-post niya sa librong binabasa niya. Wala raw hidden meaning yun.

Mas maganda raw kung basahin na lang ang The Boyfriend dahil maganda at ang bongga raw ng twist ng ending nito.

yen santos the boyfriend
Photo/s: @ysantos on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pang makapagsabi kung kailan babalik sa pag-aartista si Yen. Magaling pa naman siya.

Mukhang nakahiligan na lang ni Yen ang pagbabasa ng libro at pag-ensayo sa gym.

Read: Paolo Contis, Yen Santos unfollow each other on Instagram

NOEL FERRER

Urian Best Actress si Yen Santos noong 2022 para sa pelikulang A Faraway Land. Ibig sabihin, may ibubuga siya sa pag-arte at kinilala na yun ng piling-piling kritiko.

Sana, she comes to her senses, and in her brokeness man hanggang ngayon, maipakita pa rin niya ang kanyang husay sa pagganap dahil meron siya… huwag lang magpatalo sa kahinaan at pagkabigo sa ibang larangan sa kanyang buhay.

Sana, Yen, ipakita mong may buhay, may husay, may saya at may kabutihan lagpas sa kahit na anumang relasyon.

Read: Yen Santos "love yourself" shared post intrigues netizens

JERRY OLEA

Tinalakay ang obsession at toxic relationships sa nobelang The Boyfriend (2024) ni Freida McFadden. Crimes of passion!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maraming red herrings sa dark thriller na ito bago ma-reveal kung sino ang serial killer, at kung bakit pinatay niya ang mga biktima.

Iyong mga karakter at kaganapan sa The Boyfriend, pakiwari ko, ay malayo sa sitwasyon nina Yen at Paolo.

Kabilang pa sa mga psychological thriller ni Freida McFadden ang The Teacher, Ward D, The Coworker, The Housemaid, The Housemaid's Secret, The Housemaid Is Watching, The Inmate, Never Lie, Dead Med (aka Suicide Med), Want to Know a Secret?, The Locked Door, Do Not Disturb, Do You Remember, The Gift, Brain Damage, The Surrogate Mother, The Ex, The Perfect Son, The Wife Upstairs, at One By One.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Yen Santos recently posted the cover of the book The Boyfriend by Freida McFadden, which led netizens to speculate if it is related to her current lovelife.
PHOTO/S: @ysantos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results