Trigger Warning: Mention of bullying, depression
GORGY RULA
Magkakasunod ang mga post ni Yasmien Kurdi sa social media kaugnay sa pinagdadaanan ng panganay niyang anak na si Ayesha na nabiktima umano ng bullying sa school.
Nabanggit niyang magbabakasyon muna ang kanyang anak.
Read: Yasmien Kurdi claims daughter Ayesha is being bullied in school
Bahagi ng FB post ni Yasmien, “Ayesha took a vacation to relieve the stress caused by another student who harassed her by taking video without her consent. This caused her paranoia and anxiety.”
YASMIEN SAYS DAUGHTER MIGHT BE SUFFERING FROM DEPRESSION
Kinumusta ko kay Yasmien si Ayesha.
Nalulungkot ang Kapuso actress dahil parang dumadaan daw sa depression ang kanyang anak.
“Hi Tito, eto nasa house lang po siya. Hindi po siya nakapag-take ng exam dahil very down ang bata. Most of the time, natutulog lang,” text ni Yasmien sa akin.
Kaya sinadyest ko sa kanya na mas mabuting i-seek siya ng help sa child psychologist.
Ipapa-schedule na nga raw nila ang kanyang anak sa psychologist.
Ngayong Biyernes, December 13, ay may IG story rin si Yasmien na umiiyak bitbit ang bunsong anak niyang si Raya.
Isa pa sa ikinalulungkot ng aktres, kinukunsinti pa umano ng magulang ng batang nam-bully sa kanyang anak.
Read: Yasmien Kurdi narrates how her daughter experienced cyberbullying
JERRY OLEA
Mukhang mabigat nga ang pinagdadaanan ng panganay ni Yasmien.
Meron pang post si Yasmien sa Facebook ngayong Disyembre 13, Biyernes, na kuha ng litrato ni Ayesha na ginupit-gupit.
“Maiiyak ka na lang talaga,” sabi niya sa post niyang yun.
Sabi pa ni Yasmien (published as is), “Nadurog ang puso ko ng makita ko ito sa taas ng desk ng anak ko [sad and heartbroken emoji].”
May isa pang post si Yasmien na kasama naman niya ang kanyang dalawang anak.
Sabi niya sa caption nito, “I’m so sorry, Ayesha. You have to go through all of this because I am your mom. But I will always be here for you. I will protect you with all my life. You are beautiful inside and out.”
Wala pang sagot si Yasmien sa PEP Troika kung ano ang aksyon na ginawa ng school sa kasong ito ng kanyang anak.
NOEL FERRER
Instead na biglaang parusahan ang nambu-bully, kailangan ding malaman ang kanilang pinanggagalingan. Marahil, marami rin silang pinagdaraanan.
Naiintindihan natin si Yasmien sa concern sa kanyang anak na dapat niyang protektahan. Pero sa mga ganitong usapin, mas malaking pang-unawa ang kailangan.
Propesyunal pa ngang intervention madalas para mahanap ang solusyon o kung ano ang makabubuti sa magkabilang panig.
Nakakaawa ang mga bata na sangkot dito. Pero saan pa ba nila makukuha ang pinagbabasehan ng pag-uugali nila kundi sa kanilang paligid, di ba?
Sana talaga, gawin natin ang ating parte sa pagpapabuti at pagiging safe ng ating spaces at environment.
