GORGY RULA
Feel na feel na ang Metro Manila Film Festival (MMFF) fever nang magpa-grand media and fancon sila para sa sampung official entries sa Quantum Skyview ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City, noong Biyernes, December 6, 2024.
Wala roon ang ibang stars na bida sa pelikulang kalahok, kagaya nina Vilma Santos, Aga Muhlach, Nadine Lustre, Vice Ganda, Vic Sotto, Piolo Pascual, Lorna Tolentino, Ruru Madrid, Arjo Atayde, Julia Montes, Julia Barretto, Aicelle Santos, at Enrique Gil.
Read: MMFF 2024: Star power, plus factor sa pagpili ng official entries
JUDY ANN GLADYS: REUNION OF OG MARA CLARA
Pinagkaguluhan pa rin ng fans ang event lalo nang makita nila uling magkasama sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes, ang OG Mara Clara (Agosto 1992-Pebrero 1997).
Narinig ko sa ilang fans na humahangos papuntang stage para magpa-picture kina Juday at Gladys, dahil ngayon lang daw nila nakita uli ang original na Mara Clara.
Nagkikita ang dalawa sa ilang events na nadadaluhan nila at may komunikasyon pa rin sila, pero ngayon lang sila uli nakita ng publiko na magkasama.

Ayon kay Gladys, “Ang maganda sa friendship kasi namin, kahit hindi kami magkita nang matagal na panahon, basta once na mag-ano kami, parang walang ilangan, parang kahapon lang kami huling nagkita.
“Excited talaga ako na yung MMFF na sa movie naming dalawa, na magkasama kaming dalawa.”
“Sana someday,” sambot ni Juday.
Kaya tuwang-tuwa silang dalawa, at pareho na silang nag-imbitang dumalo sa premiere night ng kani-kanyang pelikula.
Bida si Juday sa horror movie na Espantaho, at si Gladys naman ay nasa cast ng And The Breadwinner Is… ni Vice Ganda.
“In-invite na niya ako. Siyempre in-invite ko rin siya kung puwede siya, kasi siyempre baka nandun na yan sa Batangas,” sabi ni Gladys.
Read: Judy Ann Santos at Gladys Reyes, nag-reunion sa 7th birthday ni Luna Agoncillo
NOEL FERRER
Five years ago pa ang huling MMFF entry ni Judy Ann Santos na Mindanao, at ibang-iba na ngayon ang labanan sa pagpo-promote.
“Oo! Gulung-gulo ako! Pagod na ako, charot!” bulalas ni Juday.
“Hindi… pero masaya naman siya. Exciting pa rin naman talaga siya.
"Iba yung energy, saka iba yung vibe kapag nagpo-promote ka, especially for MMFF kasi nagkikita-kita kayo… ang gulo din.
“Pero it doesn’t happen every year, hindi naman ako sumasali lagi sa MMFF. So, masaya pa rin siya,” napapangiting pahayag ni Juday.
Dahil sa MMFF, iba ngayon ang magiging Pasko nila, pero masaya lalo na’t mahilig daw sa horror films ang mga anak ni Juday.
“Medyo magugulo pero excited naman ang buong pamilya namin, lalo na ang mga anak namin, kasi mahilig sa mga horror yun, e.
“So ano din, it would be very different Christmas for us,” sabi pa ni Juday.
Wala namang Pasko sina Gladys dahil miyembro siya ng Iglesia Ni Cristo (INC), pero tiyak na maging masaya raw sila sa araw na yun dahil buong pamilya silang lalabas para manood ng MMFF movies.
“Pero kami sa amin, kasi walang Pasko, December 25, manononood kami ng mga anak ko kasi saka si Christopher [Roxas],” sambit ni Gladys.
“Iyon naman yung tradition nila,” dugtong ni Juday.
Read: Judy Ann Santos prefers box-office hit movie over acting award
JERRY OLEA
May stars na present sa grand media and fan con noong Friday ang baka hindi maka-attend sa Konsyerto sa Palasyo para sa Pelikulang Pilipino na nakatakda sa Disyembre 15, Linggo, sa Kalayaan Grounds ng Malacañang Palace.
At meron ding mga absent sa naturang media and fan con ang inaasahan namang dadalo sa Konsyerto sa Palasyo.
Ang panalangin sa grand media and fan con noong Biyernes ay pinangunahan ni Tita Boots Anson Roa-Rodrigo.
Kapagkuwan ay nag-short interview na ang program hosts na sina DJ Jhai Ho at Enchong Dee sa mga kinatawan ng sampung official entries.
THE KINGDOM
Unang sumalang sina Sid Lucero, Mark Rivera, at producer Jojo Oconer ng The Kingdom.
Read: Vic Sotto first serious film ang The Kingdom; paano napapayag?

TOPAKK
Sumunod na tinawag ay ang representatives ng Topakk, kaya balik-stage agad si Sid, na sinamahan ng producer na si Sylvia Sanchez. Nasa cast din ng Topakk ang host na si Enchong.
Read: Topakk ni Arjo Atayde, R16 ang habol na MTRCB rating

UNINVITED
Pangatlong nag-promote ay ang delegasyon ng Uninvited, composed of Mylene Dizon, Elijah Canlas, director Dan Villegas, and producer Bryan Diamante.
Read: Vilma Santos "binantaan" si Aga Muhlach sa kanilang reunion movie

ISANG HIMALA
Next in line ang team ng Isang Himala with David Ezra, National Artist Ricky Lee, and director Pepe Diokno.
Read: Elsa ni Aicelle sa Isang Himala, iba sa Elsa ni Nora sa Himala

HOLD ME CLOSE
Panlima ang Hold Me Close with lead actor Carlo Aquino and director Jason Paul Laxamana.
Read: Julia Barretto may napansing malaking pagbabago kay Carlo Aquino

ESPANTAHO
Pang-anim ang Espantaho with Judy Ann Santos, Chanda Romero, Eugene Domingo, and producer Atty. Joji Alonso.
Read: Judy Ann Santos prefers box-office hit movie over acting award

MY FUTURE YOU
Kapagkuwan ay nag-song number ang mga bida ng My Future You na sina Francine Diaz at Seth Fedelin, at super-tili siyempre ang FranSeth fans.

Sa tsikahan ay umakyat sa stage ang Regal executive producer na si Roselle Monteverde, at direktor na si Crisanto Aquino.
Read: Francine at Seth, natagpuan na ba ang "future" nila sa isa't isa

AND THE BREADWINNER IS...
Pangwalo na sumalang ang grupo ng And The Breadwinner Is…, kaya bumalik muli sa entablado si Uge.
As expected, waley roon ang kontrobersiyal na sina Maris Racal at Anthony Jennings.
Ang nakasama ni Uge ay si Gladys Reyes, at si Direk Jun Robles Lana.
Read: Vice Ganda on Maris-Anthony teamup: "Charming naman talaga sila."

GREEN BONES
Pansiyam ang grupo ng Green Bones, kung saan kabahagi muli si National Artist Ricky Lee.
Sinamahan si Sir Ricky nina Dennis Trillo at Sofia Pablo.
Read: How Dennis Trillo, Jennylyn Mercado's film company was born

TAIWAN KILLER HOSPITAL
Last but not the least ang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, with Alexa Miro, Rob Gomez, MJ Lastimosa, and Jane de Leon.
Read: Rob Gomez, Alexa Miro weigh in on being dragged into controversies

Nagsama-sama afterwards ang stars, filmmakers, at MMFF ExeComm members sa stage para sa Q&A and group photo.

ATTY. DON ARTES: SUPPORT MMFF!
Nang usisain si Eugene kung alin sa Espantaho at And The Breadwinner Is… ang una niyang panonoorin, mabilis ang kanyang sagot, “Sabay!”
Ini-announce ni Sylvia na dalawa ang MTRCB rating ng Topakk, R-16 para sa SM cinemas, at R-18 para sa iba pang mga sinehan.
Inihayag din ng Mentorque executive producer na si Bryan Diamante na tanggap nila ang R-16 rating para sa Uninvited dahil sa maselang tema nito. Ayaw nilang i-compromise ang kuwento para lang maka-R-13.
Pahayag ni MMDA Chairman at concurrent MMFF ExeComm Chairman Atty. Romando “Don” Artes, “Nakita po natin ang trailers at istorya behind the movies ng sampung pelikulang handog po namin sa 50th edition ng Metro Manila Film Festival.
“Marami po kayong pagpipiliang pelikula. Lahat po sila ay magaganda. Ang mga artista ay malalaki, magagaling.
“Directors, producers, pinag-aksayahan po nila yan ng panahon para ialay po sa inyo ngayong MMFF 50.
“So, suportahan po natin ang sampung pelikulang ito. Suportahan po natin ang pelikulang Pilipino. Abangan po natin sila sa cinemas starting December 25!”
Read: MMFF chairman, tinawanan ang intrigang may pinapaborang entries
MMFF 2024 PARADE OF STARS AND AWARDS NIGHT
Karamihan sa mga bituin sa sampung kalahok sa MMFF 2024 ay inaasahang makikibahagi sa Parade of Stars sa Disyembre 21, Sabado, sa Lungsod ng Maynila.
Ang opening ceremony ay sa Kartilya ng Katipunan malapit sa Manila City Hall.
Magtatapos ang parada sa National Museum sa Padre Burgos Avenue, kung saan magkakaroon ng bonggang concert.
Ang Gabi ng Parangal ay sa Disyembre 27, Biyernes, sa Solaire Resort sa Parañaque.
Ang attire ay formal — barong Tagalog sa kalalakihan, Filipiniana sa kababaihan.
Imbitado sa awards night ang mga artistang naging parte ng MMFF sa loob ng 50 taon.
Bibigyan dito ng special award ang dalawang naging haligi ng MMFF, si dating First Lady Imelda R. Marcos, at si dating Presidente Joseph Estrada.