PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Royce Cabrera, tikom ang bibig sa isyung Rita-Archie

Sa kabila ng nangyari, maganda raw ang samahan ng cast sa Widows' War.
by PEP Troika
Published Nov 24, 2024
Royce Cabrera, Rita Daniela, Archie Alemania
Hindi nagkomento si Royce Cabrera (main photo) nang tanungin tungkol sa nangyari sa pagitan ng kanyang Widows' War co-stars na sina Rita Daniela (inset, left) at Archie Alemania (inset, right).
PHOTO/S: Jerry Olea (main) / @missritadaniela IG (Rita) / @archiealemania IG (Archie)

GORGY RULA

Si Royce Cabrera ang isa sa dumalo sa premiere night ng pelikulang Huwag Mo ‘Kong Iwan na ginanap sa Gateway Cineplex, Cubao, Quezon City, noong nakaraang Huwebes, November 21, 2024.

Nakorner namin doon ang Kapuso actor para hingan ng reaksyon sa isyu nina Rita Daniela at Archie Alemania.

Read: Rita Daniela, sinampahan ng acts of asciviousness si Archie Alemania

Bahagi pa rin si Royce ng Widows’ War, pero natanggal na si Archie, at si Rita naman ay hindi pa namin alam kung babalik ba roon ang kanyang karakter bilang Rebecca Palacios.

Kasama rin si Royce sa party na hinost ni Bea Alonzo na kung saan doon nagsimula ang gulo nina Rita at Archie na umabot sa demandahan.

Hindi kumportable si Royce na pag-usapan ang isyu nina Rita at Archie. Pero tinanong pa rin namin siya kung ano ang nararamdaman nilang mga taga-Widows’ War na nahaluan ng ganung isyu ang kanilang serye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa ngayon po, okey naman po kami. Kumbaga, hinihiwalay naman po yung ganung concern sa trabaho. Right now, kami naman ay naka-focus sa pagpapatuloy sa pagpapaganda nung istorya,” safe na sagot ni Royce.

“Halu-halong emosyon po, e. Kasi siyempre hindi naman po namin ini-expect na magkaroon ng mga ganun. Pero, yun nga po tulad ng sinabi ko, sa ngayon, nakatuon kami sa trabaho mismo.

“Lahat na mga personal na issue namin at iba pang bagay, lahat po yun ihihiwalay namin sa trabaho namin.”

Kinulit ko pa rin siya at biniro na ka-duet pa niya si Rita nang nagkantahan sila sa party na iyon.

“Titooo!” sabay hawak ni Royce sa kamay ko na tila nakiusap na tigilan ko na siya sa ganung tanong.

Wala raw siya sa lugar na magsalita tungkol sa isyu nina Rita at Archie. Kaya wala kaming nakuhang komento sa kanya.

Ang sabi lang niya, “Okey naman kasi… kasi po sa totoo lang, isyu naman nila iyon e. Although, wala naman kaming idea at all sa mga nangyari, at wala po kaming tamang komento para po doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mas maganda po na yung mga tamang tao po yung mga ganung klaseng bagay. Yung mga involved na lang po, yung mga eksperto sa ganung bagay.”

NOEL FERRER

Tuloy pa rin ang taping nina Royce sa Widows’ War, at wala pa naman silang announcement kung hanggang kailan na ang naturang drama series.

Pagdating sa ratings ay parang nakikipag-see-saw ito sa Lavender Fields.

Noong nakaraang Huwebes ay natalo nito ang Lavender Fields na naka-7.2%, at ang Widows’ War ay 7.6% approach.

Pero ang maganda rito ay ang saya raw nila sa set at maganda talaga ang samahan nilang lahat sa taping.

JERRY OLEA

Thankful si Royce sa mga magagandang projects na ibinibigay sa kanya ng GMA Network.

Bahagi rin ang aktor sa MMFF 2024 entry ng GMA Pictures na Green Bones, at proud na proud siya sa pelikulang ito nina Dennis Trillo at Ruru Madrid, na dinirek ni Zig Dulay.

“I know Direk Zig ilang taon na. Ang dami na rin naming pinagtrabahuan na magkasama, talagang kahit papaano, nasaksihan ko rin yung journey niya at yung visuals niya, kung paano siya gumawa ng pelikula.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kaya itong Green Bones, masasabi ko talaga na talagang solido ang pagkakagawa at napakahusay,” pagmamalaki ni Royce sa pelikulang Green Bones.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi nagkomento si Royce Cabrera (main photo) nang tanungin tungkol sa nangyari sa pagitan ng kanyang Widows' War co-stars na sina Rita Daniela (inset, left) at Archie Alemania (inset, right).
PHOTO/S: Jerry Olea (main) / @missritadaniela IG (Rita) / @archiealemania IG (Archie)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results