PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kris Aquino, nagka-COVID scare matapos mag-positive ni Josh

Kris Aquino, nakatanggap ng bouquet of flowers mula sa mystery sender.
by PEP Troika
Published Nov 19, 2024
Kris Aquino reveals cancer scare; hints new show
In an Instagram post, Kris Aquino reveals, “Kuya Josh got Covid again, Bimb was exposed — we were all freaked that I could also have Covid."
PHOTO/S: Kris Aquino on Instagram

GORGY RULA

Huwag pa rin tayo papakampante. Nandiyan pa rin pala ang COVID 19.

Nakakabahala ang ipinost ni Kris Aquino sa kanyang IG story ngayong Martes, November 19, 2024, kung saan sinabi niyang nagka-COVID uli ang panganay niyang anak na si Joshua.

Pero sa kabila ng pinagdadaanan ni Kris sa kanyang kalusugan, may kilig-kiligan pa rin sa ipinost niyang kuha ng isang pumpon na bulaklak na may dedication na, “You had me at hello. I love you. I know.”

Read: Kris Aquino names surgeon romantically linked to her

Sabi ni Kris sa kanyang IG story, “I was no longer in the hospital but this was left for me… Nurse Elle was sent the picture by her former co-nurses. Whoever you are, THANK YOU. Your thoughtful gesture is much appreciated during a stressful time.

“(Kuya Josh got Covid again, Bimb was exposed — we were all freaked that I could also have Covid). Kuya is now PCR negative. THANK YOU Jane & nurse Mary for isolating and caring for kuya!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
kris aquino post

COVID IS STILL OUT THERE

Sa totoo lang, may ilan pa akong nabalitaang nagka-COVID uli.

Ilang linggo lang ang nakaraan ay ipapa-confine sana si Manay Lolit Solis sa hospital dahil sa hindi okay ang pakiramdam niya pagkatapos ng dialysis.

Hindi ito in-allow ng kanyang doktor dahil sa dumadami raw ang COVID patients na naka-confine. Mas safe pa raw kung sa bahay na lang siya magpahinga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabuti na lang, naha-handle na ngayon ang COVID at hindi na kasintindi kagaya nung panahon ng pandemya.

Pero kailangan pa rin nating mag-ingat. Kung kinakailangang magsuot ng face mask, gawin na po natin, lalo na sa mga mataong lugar.

Read: Lolit Solis, "confirmed" ang relasyong Kobe-Kyline

NOEL FERRER

Ganyan din ang nangyayari sa meetings ko ngayon. Naka-mask ang ibang inuubo at iniiwasan na ang beso-beso.

Ganyan nung meeting ng Execom at MMFF producers.

Bawal magkasakit dahil ang daming ganap na dapat asikasuhin ngayon.

Sa MMFF, pinapa-submit ang mga final copies ng pelikula for MTRCB review para makapa-promote na.

Pressure na hindi rin pakakampante kasi mukhang malalampasan na ng Hello, Love, Again ang record ng Rewind last year. It should only get better!

Kapit-bisig tayong lahat para tuluyang pasiglahin ang ating industriya! Kaya bawal magkasakit!

Read: Hello, Love, Again malapit nang malampasan ang box-office record ng Rewind

JERRY OLEA

Patuloy ang mga paalala ng Department of Health sa kanilang Facebook page. “Pangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng sarili at iba sa evacuation centers,” sabi ng DOH.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kalakip niyon ang artcard na gabay para maiwasan ang pagkalat ng mga sakit tulad ng ubo at sipon.

Pangunahin siyempre reminder ang pagsusuot ng face mask.

Sa usaping bakuna, paghaharapin ng DOH ang characters nina Marie Feyk at Cora Korek para matanto kung sino ang tama at sino ang bida-bida.

Sa moviegoers, o manonood ng concert o anumang palabas na maraming natitipong tao — makabubuting magsuot ng face mask.

Iyon din ang paalala sa mga sasakay sa LRT, MRT, bus, jeep o van… magsisimba… rarampa sa mall, maggo-grocery, o mamamalengke… dadalo sa Xmas party…

Better safe than sorry!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an Instagram post, Kris Aquino reveals, “Kuya Josh got Covid again, Bimb was exposed — we were all freaked that I could also have Covid."
PHOTO/S: Kris Aquino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results