PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Archie Alemania, maghahain din ng reklamo laban kay Rita Daniela?

Preliminary investigation ng reklamo ni Rita, magsisimula na sa Dec. 3.
by PEP Troika
Published Nov 15, 2024
archie alemania rita daniela acts of lasciviousness
The preliminary investigation of the acts of lasciviousness complaint filed by Rita Daniela against Archie Alemania is scheduled to begin on December 3, 2024. Archie is expected to submit his counter-affidavit to the Prosecutor's Office in Bacoor City.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Kumuha kami ng update sa reklamong acts of lasciviousness na isinampa ni Rita Daniela laban kay Archie Alemania.

Read: Rita Daniela, sinampahan ng acts of lasciviousness si Archie Alemania

Nagpainterbyu si Rita kay Nelson Canlas para sa 24 Oras.

Pahayag ng Kapuso singer-actress, “I’m really trying my best to be okay because I have to.

“I have to be okay. I have no choice because siyempre, there’s a person who is depending on me. If bibigay ako, mas kawawa si Uno, mas kawawa yung anak ko.”

Isang taong gulang pa lamang ang anak ni Rita na si Uno. Hiwalay na sila ng ama nito, ngunit maayos daw ang kanilang co-parenting.

Read: Rita Daniela speaks up after filing complaint vs Archie Alemania

ARCHIE ALEMANIA, HINDI PA RIN NAGSASALITA

Si Archie naman ay hindi pa rin sumasagot at wala pa rin siyang inilalabas na statement.

May ilang malalapit sa kanya ang nakausap niya, at itinatanggi raw nito ang reklamo sa kanya ni Rita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nagsabi rin sa aming pinag-iisipan din umano ni Archie na magsampa ng reklamo laban kay Rita.

Tingnan na lang natin kung ano ang sagot niya sa reklamong ito ni Rita.

Sa December 3 ay magsisimula na ang preliminary investigation ng reklamong inihain ni Rita.

Sabi ni Atty. Maggie Garduque, ang legal counsel ni Rita, hindi pa kailangan doon ang kanyang kliyente kaya hindi pa sila magtatagpo ni Archie.

Si Archie ang inaasahang dadalo dahil kailangan niyang sumpaan ang isusumiteng counter-affidavit sa Prosecutor’s Office ng Bacoor City.

Read: Rita Daniela details text exchange with Archie Alemania

rita daniela archie alemania acts of lasciviousness
Rita Daniela and Archie Alemania
Photo/s: GMA Network / Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Paano na ang showbiz career nina Rita at Archie?

Ayon sa Kapuso insider na nakausap ng PEP Troika, wala raw ibibigay na show ang GMA Network kay Archie.

Si Rita ay nasa All-Out Sundays. Mabibigyan pa kaya siya ng ibang show?

Iyong album ni Rita, kailan kaya ire-release?

Kailangang magtrabaho nina Rita at Archie para may pantustos sakaling umakyat sa korte ang reklamong ito.

JERRY OLEA

Nalalanghap na natin ang simoy ng Pasko, pero mainit pa ring pinag-uusapan ang mga kasong kinasasangkutan ng mga Kapuso.

Andiyan ang kasong estafa laban sa dating ka-loveteam ni Rita na si Ken Chan, at ang mga usaping kahalayan ng reklamo ni Sandro Muhlach at ng mga dating GMA artists na sina Gerald Santos at Enzo Almario.

Read: Ken Chan breaks silence on syndicated estafa case: "Hindi po ako nanloko ng tao."

Nakakaintriga, at ewan kung “nakakapag-init” ang bagong awit ni Gerald na ang title ay… "Hubad."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong Huwebes ng hapon ay naglaro si Enzo sa Quizmosa ng TV5. Winner siya sa game show hosted by Ogie Diaz.

Noong Oktubre pa natin naulinigan na isa raw dating aktor ang may payanig kaugnay sa pang-aabuso sa kanya ng isang malaking personalidad sa showbiz.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The preliminary investigation of the acts of lasciviousness complaint filed by Rita Daniela against Archie Alemania is scheduled to begin on December 3, 2024. Archie is expected to submit his counter-affidavit to the Prosecutor's Office in Bacoor City.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results