PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aiko Melendez at Jay Khonghun, hindi dumaan sa seven-year itch

Aiko Melendez at Jay Khonghun, inamin ang tungkol sa selosan.
by PEP Troika
Published Nov 14, 2024
aiko melendez jay khongun seventh anniversary
Jay Khonghun on seven-year relationship with girlfriend Aiko Melendez: “Isa pa, natutunan na naming hindi pag-awayan yung mga petty differences. Saka siyempre, alam na namin kung ano ang ayaw ng isa’t isa. Alam ko na yung mga ayaw niya. So, panay ang adjust ko…”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Ipinagdiwang ng actress-politician na si Aiko Melendez at ni Zambales 1st District representative Jay Khonghun ang kanilang ika-pitong anibersaryo bilang magkasintahan sa District One gastro lounge sa 9th Avenue, BGC, Taguig City, nitong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 13, 2024.

Na-late nang konti si Jay dahil galing pa raw siya sa congressional hearing. Pagdating niya ay agad inasikaso ni Aiko ang appetizers at drinks ng nobyo.

Read: Aiko Melendez remembers Mother Lily telling her "sisikat ka"

Kabilang sa mga panauhin sa intimate celebration sina Vina Morales, Sylvia Sanchez, Beauty Gonzalez and husband Norman Crisologo, Chavit Singson, at Ogie Diaz.

vina morales singing
Vina Morales
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
aiko melendez sylvia sanchez
Aiko Melendez and Sylvia Sanchez
Photo/s: Jerry Olea
aiko beauty ogie
Aiko with Beauty Gonzalez, Ogie Diaz, and Norman Crisologo
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
aiko chavit jay
Jay Khonghun, Chavit Singson, and Aiko Melendez
Photo/s: Jerry Olea

Present din ang daughter ni Aiko kay Martin Jickain na si Marthena Jickain, pero wala ang panganay niyang si Andrei Yllana.

May pictorial at meeting daw para sa isang timpalak ang anak ni Aiko sa dati niyang asawa na si Jomari Yllana.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Marthena Jickain turns 17, and netizens are blown away by her beauty

Read: Andre Yllana, "muntik nang maging kapatid" si Andres Muhlach

SEVEN-YEAR RELATIONSHIP

Bago maghatinggabi ay nagpaunlak ng maikling panayam sina Aiko at Jay kaugnay sa kanilang journey bilang magkarelasyon.

Nakangiting sabi ni Jay, “OK na OK na OK naman. Talagang masaya siyempre. Like all na mag-boyfriend, mag-girlfriend, merong ups and downs.

“Pero ang importante, nananatili pa rin yung pagmamahal, respeto, at siyempre, yung aming loyalty sa isa’t isa.”

Natawa at pumalakpak si Aiko saka umakbay kay Jay.

Sabi ng aktres at Quezon City councilor, “Kasi super-wala akong problema sa loyalty sa kanya.”

Wala yung seven-year itch na pagkatapos ng pitong taong pagsasama, nagkakasawaan?

Umiling si Jay.

Sabi naman ni Aiko, “Parang ano, nung seventh namin, parang mas nagmahalan pa kami. Ewan ko, ha, di ba? We stood the test of time.”

Pag sang-ayon ni Jay, “Isa pa, natutunan na naming hindi pag-awayan yung mga petty differences. Saka siyempre, alam na namin kung ano ang ayaw ng isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam ko na yung mga ayaw niya. So, panay ang adjust ko…”

Tila nagulantang si Aiko na napa-“Ha?!”

Nagbibiro lang si Jay na natawa at napayuko. Tinapik siya nang marahan ni Aiko.

aiko melendez jay khonghun seventh anniversary
Photo/s: Jerry Olea

Hirit pa ni Cong. Jay, “Yung pasensiya ko, yung pang-unawa ko. Siyempre, mga sacrifices ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wow! Big words!” natatawang bulalas ni Aiko, at hinawakan siya ni Jay na tumatawa rin.

Ano ang napag-aawayan nila, o sanhi ng tampuhan?

“Siyempre, hindi maiiwasan minsan yung mga selos,” sagot ni Jay.

Singit ni Aiko sabay turo sa boyfriend, “Yeah, siya!”

Pagpapatuloy ni Jay na ikinabungisngis ni Aiko, “Lalo na pag nagseselos siya. Lagi ko namang ina-assure, lagi kong sinasabi sa kanya, ‘Huwag kang magselos!’”

Read: Aiko Melendez at Jay Khonghun, kasal na ba?

NOEL FERRER

Nagbiro pa si Jay Khonghun na sa minsan niyang pagseselos, tatlong beses namang nagseselos ang girlfriend niyang si Aiko Melendez.

“Oh my God! Nakakaloka!” bulalas ni Aiko, at sinabing hindi iyon totoo.

Naubo si Jay.

In fairness, wala namang nabalitang ibang na-link kay Aiko o kay Jay sa loob ng pitong taon, ahh?!

Pahayag ni Jay, “Sa totoo lang, wala naman, e. Kasi nga, andun yung respect, e.

"So, alam ko na kung ano yung ayaw niya. Alam na rin naman niya kung ano ang ayaw ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, yung respeto nga, napaka-importante nun. We don’t put each other in a situation na ayaw din namin na ma-put kami.

“Sa ganung instance, naiiwasan din namin ang mag-away. Naiiwasan din namin ang magselos.”

Very integrated na sila sa pamilya ng isa’t isa. Parang ang kulang na lang talaga, kasal. Pamilya na sila.

Tumango si Jay, “Love ko yung mommy niya. Love ko si Andrei. Love ko si Mimi, yung kapatid niya.”

Masaya sina Jay at Aiko, at sana, ito na nga ang forever para sa kanila. Sana rin, makasal na sila nang tuluyan!

Read: Aiko Melendez recalls how love story with Jay Khonghun began on Instagram

GORGY RULA

Pagsisiwalat ni Aiko, “Si Andrei, di ba, active sa showbiz ngayon? Hindi alam ng mga tao, ang nag-ayos ng kontrata ni Andrei sa Viva was Jay.

“Siya ang nag-check ng nitty-gritty, lahat, one by one, bago pumirma si Andrei. Tapos sinamahan namin si Andrei sa Viva nung contract signing. Nandun siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Jay, hindi ganoon kalaki ang participation niya sa showbiz career ni Andrei.

Paglilinaw ni Jay, “Talagang gusto na rin ni Andrei. You have to give him yung credit din. Talagang napakasipag din niya.

“May trabaho siya ngayon nang mabuti. Saka siyempre, mahal niya yung career niya. And yun nga, siyempre nagkaka-edad na rin naman si Andrei.

“And right now, he’s very serious sa kanyang trabaho. Minsan nga, nakakaawa nga din siya. Almost two weeks, may taping siya. Ang maganda naman dun, he enjoys it naman.”

“He doesn’t complain,” pakli ni Aiko.

Dagdag ni Jay, “Sabi nga ni Aiko, it comes with the territory. Talagang pagdadaanan mo yung mga hardships din, lalung-lalo na sa career. Dun talaga nagsisimula.”

Read: Aiko Melendez touched by son Andre Yllana's sweet gesture after earning his first salary

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jay Khonghun on seven-year relationship with girlfriend Aiko Melendez: “Isa pa, natutunan na naming hindi pag-awayan yung mga petty differences. Saka siyempre, alam na namin kung ano ang ayaw ng isa’t isa. Alam ko na yung mga ayaw niya. So, panay ang adjust ko…”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results