PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tom Rodriguez, inamin ang pagkakaroon ng four-month-old baby boy

Tom Rodriguez, tipid ang mga sagot nang tanungin tungkol kay Carla Abellana.
by PEP Troika
Published Nov 12, 2024
tom rodriguez now a dad
Tom Rodriguez on fatherhood: “My boy is the biggest one that I ever had in my life na akala ko, hindi na mangyayari. He granted it. And that’s the biggest wish that I had in my whole life. Kaya dun pa lang, solb na ako, Lord, sa isang malaking kahilingan ko na yun."
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Bago pa man nagsimula ang media conference ng pelikulang Huwag Mo ‘Kong Iwan sa Manila Hotel nitong Martes, Nobyembre 12, 2024, ang saya na ng tsikahan namin ni Tom Rodriguez tungkol sa pagkakaroon niya ng anak.

Nagkakumustahan kami at kinumusta ko sa kanya ang kanyang anak.

Tinanong ko sa kanya kung baby boy nga ba ang panganay niya.

Nakangiti siyang tumango, “Four months.”

Read: Tom Rodriguez reveals relationship status: "I am seeing someone."

Sa question-and-answer portion, ang casual lang ng sagot niya sa tanong ni katotong Rose Garcia kung kanino niya sasabihin ang mga salitang “Huwag mo ‘kong iwan.”

Kung sakali, sasabihin daw niya ito sa kanyang anak at sa kasalukuyan niyang partner.

“Kasi sila yung inspiration ko talaga. At kahit malayo man kami sa isa’t isa ngayon, sana huwag nila akong iwan,” masayang sabi ni Tom.

“I’m a happy new dad to a very, very healthy and beautiful baby boy. He’s four months old today.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"He’s my constant source of inspiration and he makes me so happy. I’ve never experienced happiness at this level.

“Akala ko, hindi posible. Akala ko, na-experience ko noon, kasiyahan dati, but… wow!!!”

TOM RODRIGUEZ ON ADMITTING THAT HE'S NOW A DAD

Ayaw i-deny ni Tom ang kanyang anak.

Ayaw raw niyang dumating ang panahon na pag lumaki na ang anak niya at nag-Google ito, mababasa na itinanggi siya ng ama.

“I wouldn’t want that for me as well. So I wouldn’t want him growing up na yun din ang mararamdaman niya,” seryosong sambit ni Tom.

“I’m very proud, I’m very happy… I learned now, biggest learnings from the past few years of my life, that you really have to ano...

“I love to work, I’m very thankful for it, and I love the industry. Pero you do need now the reason. Para sa kanya din yun.

“It’s something I wanna pass down to him. I wanna teach him to have proper boundaries between your main life and your professional life.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tom Rodriguez is back after two-year showbiz hiatus: “I do feel na buo na ako ulit.”

Tom Rodriguez reveals relationship status
Photo/s: Screengrab @GMA Integrated News YouTube

MOST PAINFUL GOODBYE

Iyong title ng movie na Huwag Mo ‘Kong Iwan ay nagpapahiwatig ng paghihiwalay.

Sa mga pinagdaanan niya sa buhay, ano ang pinakamasakit na paghihiwalay na pinagdaanan niya?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tugon ni Tom, “Pinakamasakit? Nung when I had to come back to work here, na iniwan ko yung mag-ina ko.

“Ang hirap! Dun ko naranasan na ano, parang reverse OFW ako. Ang hirap pala kaya hindi ko kaya!

“Medyo naranasan ko kung ano yung nararanasan ng mga OFWs. Pero sa kanila, grabe, 20 years, 10 years.

“E, sa maiksing panahon, ang hirap pala. And yet, pag sila ang iniisip mo, ang daming kaya mong gawin.

“Hindi mo nararamdaman yung pagod. So, parang balanse rin siya. Pero yun ang pinakamahirap.”

At least, may babalikan siya ngayong mag-ina. Di ba, mas masakit iyong hiwalayan na tapos na ang lahat-lahat?

“Yeah, but there’s always a silver lining, and everything happens for a reason,” pagmamatwid ni Tom.

“If I never went through with what I had, I would not have what I have now. And I wouldn’t trade it for the world.

“Kung hindi ko pinagdaanan yung pinagdaanan ko, hindi ko makakamit kung anong meron ako ngayon. At kung anong meron ako ngayon, never ko ipagpapalit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May natutunan siya sa mga pinagdaanan niya…

“Kaya I can say now, hindi mo na nararamdaman ang sakit sa pinagdaanan mo — yung aral na lang yung naitatanim sa iyo.”

Read: Tom Rodriguez on overcoming suicidal thoughts after failed marriage

Pagkatapos ng mediacon ay tuwang-tuwa naman si Tom na ipinakita sa amin ang napaka-cute niyang anak na "Korben" ang pangalan.

Kuhang-kuha ng baby ang dalawang dimples niya, at mas kahawig niya ito. Magkaiba lang ang kulay ng kanilang buhok.

NOEL FERRER

Pagdating sa dati niyang asawa na si Carla Abellana, matipid ang mga sagot ni Tom Rodriguez.

Hindi na raw sila nagkausap pagkatapos ma-recognize ng korte sa Pilipinas ang kanilang divorce.

Read: Carla Abellana: "I honestly don’t see myself getting married again."

Nilinaw niyang divorced na sila ni Carla nang nakilala niya ang American girlfriend niya na ina ng kanyang anak.

“Nag-meet kami after nung divorce namin. So everything na meron ako ngayon is a good start,” pakli ni Tom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mas focused ako sa path ko ngayon, e. Pero, learn from what happened, siyempre things are bound to repeat themselves kung hindi tayo matututo sa bagay na yun.

“Pero para sa akin, life goes on and happy ako sa mga dumadating and thankful ako kay Lord talaga. Makapag-umpisa ka na talaga ulit.”

Aware daw siya sa posibilidad na magkasalubong o magkita sila ng dating asawa.

“I have no qualms naman. Pero like I said, focused lang ako yung para sa akin, sa sarili kong path,” maingat na sagot ni Tom.

“So, dun lang ako naka-focus. I mean, hindi mo naman maiwasan na ano, like I said, the world is small din.

“Pero puwede ka namang lumihis.”

Read: Carla Abellana asked what if she bumps into ex-husband Tom Rodriguez: “Wala na akong mararamdaman...”

Carla Abellana and Tom Rodriguez wedding day in 2021
Tom Rodriguez and Carla Abellana
Photo/s: @teampatdy Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

May impact ba ang fatherhood sa mindset ni Tom Rodriguez sa showbiz at sa kanyang career?

“It’s everything. It’s the very reason why I came back,” pagsisiwalat ni Tom.

“Everything I go through, iniisip ko, 'How will I want to teach him this? Paano ko ito sa kanya…' Everything na nangyayari sa akin, parang may filter nang ganun, ‘Lord!’

“Like, hindi yung ano, 'OK, how do I get through this?' No. 'What can I learn from this to be able to pass it down to him?'

“So, even coming back, kasi ang sarap ng… parang kuntento na ako sa buhay ko dun sa Amerika, and yet I have contracts and obligations that I need to take care of here.

“So, may part sa akin na ayoko nang bumalik sana. And yet I would like to show him that I can finish things that I’ve started, and parang set a good example.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So that’s all I can do for now. So everything that I do, he really is in my mind.”

TOM ON GETTING BACK TO WORK

Nagpapasalamat si Tom sa Panginoon at sa GMA-7 dahil hindi siya nawawalan ng trabaho pagbalik niya rito.

Tuloy ang kontrata niya sa Kapuso network hanggang 2026. After that, tuloy pa rin ba ang kanyang pag-aartista?

Read: “Welcome home!” Tom Rodriguez is back in PH

“We’ll see. We’ll see where life takes us. Basta ako, whatever, dinadasal ko sa Kanya,” saad ni Tom.

“Parang yung ano, di ba, sa Exodus? Where you just… under the tabernacle, sa ilalim ng ulap, hintayin mo Siya.

“Kasi kahit nung nagpaalam ako kay Popoy [Caritativo, his manager] if I can take the year off, sabi ko, ‘Lord, it’s up to You if I’m still meant to be in this industry.’

“No ego, no anything. Kasi I’m very thankful sa trabahong ito, sa lahat ng naibigay ng trabahong ito sa buhay ko. ‘Kung gusto Mo pa ako dito, Lord, OK lang.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi na-experience ko na rin na wala nang two years, at OK na OK ako. Hindi ko pala siya kailangan para maging kuntento.

“Hindi ko pala kailangan ang showbiz para maging kuntento sa buhay. And yet it’s something that I’m very grateful for because it’s something that I do love din.

“Kaya sabi ko, ‘Lord, it’s up to You.’ Tapos nung magpapaalam na sana ako kay Popoy, nag-message yung sa Lilet Matias na magte-taping na agad.

“Kaya ako, ‘OK, sige! Game! OK, Lord, I get your hint!’ Kaya ayokong magplano. Kasi yung mga gusto ko sa buhay, hindi ako entitled dun, e.

“Basta thankful lang ako sa mga pangangailangan ko. Dahil yung mga pangangailangan ko, lagi Niyang pinupunan.

“Kaya wala akong stress these past two years. Wala akong stress. Kung may nangyari sa buhay, ‘Lord, You got me. Kung anong kailangan ko, ibibigay Mo.’

“Kaya yung mga wants ko, hindi yung itong gusto ko, ito dapat — you’re not entitled to your wants. Bonus yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“My boy is the biggest one that I ever had in my life na akala ko, hindi na mangyayari. He granted it.

“And that’s the biggest wish that I had in my whole life. Kaya dun pa lang, solb na ako, Lord, sa isang malaking kahilingan ko na yun.

“Kaya the rest, bonus na lang. Kasi alam ko, lahat ng kailangan ko, ibinibigay Mo.”

Wish ba niyang madagdagan pa ng anak?

Napangiti si Tom, “Nasa plano yun, siyempre. Pero ako, it’s up to You, Lord, if You’ll give it to me. I’d love to! Ha! Ha! Ha! Ha!”

HUWAG MO 'KONG IWAN

Maledicto (2019) ang huling pelikulang ginawa ni Tom Rodriguez, samantalang The World Between Us (Hulyo 2021-Enero 2022) ang huling TV drama series niya bago siya nagpahinga sa showbiz at namalagi nang dalawang taon sa USA.

Comeback movie niya ang family drama na Huwag Mo ‘Kong Iwan na nakatakdang ipalabas sa Nobyembre 27 sa local cinemas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bida rin dito sina Rhian Ramos at JC de Vera, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

tom rhian jc huwag mo kong iwan
Tom Rodriguez, Rhian Ramos, and JC de Vera
Photo/s: Gorgy Rula

Nasa cast din sina Pinky Amador, Rita Avila, Emilio Garcia, Jim Pebanco, Lloyd Samartino, Nella Dizon, Simon Ibarra, Tanya Gomez, Marcus Madrigal, Panteen Palanca, Mygz Molino, Felixia Crysten, at King David Arce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangalawang handog ito ng Bentria Productions, matapos ang launching film ni Jeric Gonzales na Broken Blooms (2022).

huwag mo kong iwan poster
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Rodriguez on fatherhood: “My boy is the biggest one that I ever had in my life na akala ko, hindi na mangyayari. He granted it. And that’s the biggest wish that I had in my whole life. Kaya dun pa lang, solb na ako, Lord, sa isang malaking kahilingan ko na yun."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results