GORGY RULA
Hindi lang daw si Zanjoe Marudo ang naiyak sa pagdating ng baby nila ni Ria Atayde kundi pati ang kuya ni Ria na si Arjo Atayde, dahil naisip daw nitong isa na siyang tiyuhin sa kanyang first pamangkin.
Sabi ni Zanjoe nang nakatsikahan ng PEP Troika sa story conference ng bagong pelikula niyang How To Get Away From My Toxic Family, sobrang saya at excited ang pamilya ni Ria dahil ang anak nila ang first apo sa pamilya Atayde.
Read: Zanjoe, hindi umano ipinagkakait sa publiko ang baby nila ni Ria
“Grabe nga iyak ni Arjo nung lumabas yung baby. Tinawagan namin siya, 'Wow!' Parang ganun kasaya yung na-feel niya,” kuwento ni Zanjoe.
Masaya rin ang pamilya ng aktor dahil may dagdag na apo at pamangkin sa kanila, pero iba raw talaga sa pamilya ni Ria.
Saad ni Zanjoe, “Sobrang saya ng lola saka ng lolo, saka sa side ko rin, sobrang saya ng pamilya ko. Finally nadagdagan na ng apo.
“Si Baby Z naman, siya ang first ng lahat ng Atayde, sa side nina Ria. Siya ang first apo, first pamangkin, first apo sa tuhod.
"So, masaya… malaking saya na ibinigay niya sa amin lahat.”
View this post on Instagram
ZANJOE CONTINUES WORK, RIA TO FOCUS ON THEIR BABY
Mas inspired ngayong magtrabaho si Zanjoe, at okay na siya na muna ang magtrabaho dahil mas naka-focus si Ria sa kanilang anak.
Matagal-tagal pa raw makakabalik sa trabaho ang kanyang asawa. Marami pa raw kailangang matutunan ni Ria bilang isang nanay.
“Siguro siya muna ay matatagalan pa sa pagbalik dahil nag-e-enjoy siya masyado, e. Nag-e-enjoy sa pag-aalaga, sa pagiging nanay, pag-stay sa bahay na lagi niyang kasama yung baby.
"Kasi first time, e, first baby, maraming dapat matutunan.
“Hindi puwedeng hindi ka nakatutok. Mas maraming puwedeng mangyari lalo na wala kami parehas alam. Hindi namin parehas alam kung ano ang gagawin namin.”
Read: Sylvia Sanchez, ibinahagi ang pagiging first-time lola
JERRY OLEA
Kapag nagkakatipun-tipon daw sila, nabibiro nila ang mag-asawang Arjo Atayde at Maine Mendoza na dapat sila naman ang magdagdag ng miyembro sa pamilya Atayde.
Nakikita raw ni Zanjoe kung gaano ka-excited kapag nahahawakan nina Arjo at Maine ang baby nila ni Ria.
Kuwento niya, “Binibiro namin siyempre. Every time na magkakasama kami pag Sunday, yun, nagbibiruan pag hawak nila si baby.
"‘Uy, bagay! Next na kayo.’ Pero siyempre nasa timing nila yun, sa tamang panahon.
“Pero, I think once pa lang nila binuhat yung bata, kasi siyempre maliit pa, e. Sensitive pa siya talaga. Hindi pa ganun kalakas yung mga buto niya.
“So, once pa lang nila nabuhat, naamoy. Siyempre pamangkin nila yun, e.”
Ikinasal sina Arjo at Maine noong July 28, 2023.
Sina Zanjoe at Ria naman ay ikinasal nito lamang March 23, 2024.
Mas masaya siyempre kapag magka-baby na sina Arjo at Maine dahil binubuo na nila ang susunod na generation ng kanilang pamilya.
“Siyempre excited kami, madami kaming pinaplano bilang pamilya, lalo na pag may anak na sila, at kung madagdagan pa ang anak namin.
“Looking forward at nagtatrabaho nang mabuti para sa susunod na generation, e maituloy naman yung sinimulan ng magulang nila na laging magkakasama na talagang intact ang family. At saka sa side ko, ganun din,” sabi pa ni Zanjoe.
Read: Zanjoe Marudo and Ria Atayde welcome first child
NOEL FERRER
Aminado si Zanjoe na parang ang bilis ng mga nangyari sa kanila ni Ria.
Ang unang napabalita ay ang pagbubuntis ni Ria, at ang sumunod ay nagpakasal na sila. At ngayon, may baby boy Z na sila.
Read: Netizens ask: Is Ria Atayde pregnant?
Sabi ng aktor, “Sobrang bilis ng mga nangyari na I think perfect lahat yung nangyari. Tama yung timing, wala kaming pinagsisihan sa mga mga nangyari sa sitwasyon, di ba
"Nagkaroon kami ng baby, nagpakasal kami. Lahat yun, gusto naming mangyari sa aming dalawa, e.”

Pero nangyari raw ito lahat na pareho naman silang handa na at nasa tamang timing ang lahat.
“Basta mas maganda yung nagkataon, di ba? Maganda itong parang blessings na binigay sa iyo. Binigay siya sa panahong reding-ready na ako.
“Panahon na alam kong happiness ang ibibigay sa akin nito na wala kang masyadong iisipin na, alam mo yun…
"May panahon kasi na darating ang mga ganyang sitwasyon sa buhay mo, na hindi ka ready na marami kang responsibilidad sa buhay. Marami ka pang kailangang gawin.
“Pero natutuwa ako dahil dumating lahat yan sa panahon na tapos na ako sa pagiging binata. Kaya lahat ng oras ko, lahat ng mga gagawin ko sa buhay, para sa kanila yun,” napangiting pahayag ni Zanjoe.
