GORGY RULA
Medyo tahimik ngayon ang kampo nina Rita Daniela at Archie Alemania pagkatapos magsampa ng reklamong acts of lasciviousness ang Kapuso actress laban sa co-star niya sa Widows’ War.
Read: Rita Daniela, sinampahan ng acts of lasciviousness si Archie Alemania
Pero ang isa sa naaalala namin sa isyung ito ay ang dating ka-loveteam ni Rita na si Ken Chan.
Matalik pa rin silang magkaibigan ngayon, kaya inalam namin kung nagparating ba ng mensahe si Ken kay Rita.
Nalaman kasi naming nagparating ng mensahe ang ilang mga artistang nakatrabaho at kaibigan ni Rita na sumusuporta sila sa ipinaglalaban ng aktres.
Ang iba ay nag-text, nagpadala ng mensahe na nandiyan sila para dumamay sa pinagdadaanan ng aktres.
Hindi naman daw kailangang i-post sa social media. Ang mahalaga ay naiparating nila ang kanilang suporta kay Rita.
Read: Claudine show of support para kay Rita, kinuwestiyon ng netizens
DID KEN CHAN REACH OUT TO RITA DANIELA?
Tinanong namin ang legal counsel ni Rita na si Atty. Maggie Garduque kung nag-reach out ba si Ken kay Rita.
Si Atty. Maggie rin kasi ang tumatayong legal counsel ng Kapuso actor sa hinaharap nitong estafa case.
Read: Ken Chan, sinampahan ng kasong syndicated estafa?
Hindi raw alam ni Atty. Maggie kung nagparamdam si Ken kay Rita, pero sa pagkakaalam daw niya ay wala.

Matipid naman ang sagot ng abogada nang tinanong ko kung kumusta na at kung nasaan na ba ngayon si Ken Chan.
Hindi niya sinagot ang tanong ko kung nasa ibang bansa pa rin ba si Ken. Sa aming pagtatanong ay nasa ibang bansa pa rin daw ito.
Paminsan-minsan ay nagpaparamdam lang ang aktor sa social media.
Ngayong Huwebes, November 7, 2024, ay nag-post si Ken sa kanyang IG story ng kuha nila ni Jillian Ward sa Japan.
May caption itong “I miss her [sad emoji].”

May ipinost din siyang video na tila kuha sa set ng Abot-Kamay na Pangarap na nagna-knock-knock siya kay Jillian.
Tiyak na hindi lang si Jillian ang nami-miss ni Ken, kundi ang mga nakakatrabaho nito sa All-Out Sundays, kasama na riyan si Rita Daniela.
JERRY OLEA
Nang sumambulat ang isyu ni Sandro Muhlach at ng dalawang independent contractors ng GMA-7 noong unang linggo ng Agosto, agad nagpahayag ng suporta si Gerald Santos kay Sandro.
Read: Gerald Santos sympathizes with Sandro Muhlach
Take note na sa 18th anniversary concert ni Gerald na Grateful noong nakaraang Hunyo 29 sa Music Museum, isa sa mga panauhin si Rita Daniela.
Nang pumutok itong isyu ni Rita laban kay Archie Alemania, kabilang si Gerald sa mga sumuporta sa Kapuso singer-actress.

UPDATE ON RITA'S COMPLAINT AGAINST ARCHIE
Kinumusta ng PEP Troika kay Atty. Maggie ang complaint na isinampa ni Rita kay Archie, pero wala pa raw siyang update.
Hinihintay lang daw nila kung nag-submit na si Archie ng counter-affidavit nito sa isinampa ni Rita. Pero wala pa raw silang natatanggap na subpoena sa ngayon.
Totoo bang may balak din si Archie na magsampa ng reklamo? Hindi lang malinaw kung laban kay Rita o kung kanino man.
Read: Rita Daniela details text exchange with Archie Alemania
Ang nakakapanghinayang kay Archie, tila wala na siyang show sa GMA 7.
Nabalitaan ng PEP Troika na hindi raw muna siya bibigyan ng GMA ng show. Kaya mukhang wala siyang trabaho sa ngayon, pagtapos may kaso pang gagastusan.
Abang-abang din tayo kung babalik pa ang karakter ni Rita sa Widows’ War.
Ang pralala noon ay apat silang mga bida sa nasabing serye — Bea Alonzo, Carla Abellana, Jean Garcia, at si Rita.
NOEL FERRER
Grabe, ano? Ito ngayong ganitong mga pangyayari ang naha-highlight sa ating industriya.
Sana, mas magaganda at inspiring news ang masagap natin lalo na sa mga artistang nasa kandili ng kanilang network.
Teka, tanong ng ibang tao, ano ang stand ng Sparkle sa issue na ito? Bahala na ba ang korteng magdesisyon?
