PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daiana Menezes, six years nang cancer-free at may lovelife

Daiana Menezes, hindi sumailalim sa chemotherapy.
by PEP Troika
Published Nov 6, 2024
daina menezes cancer-free
Daiana Menezes on keeping a positive mindset despite being diagnosed with cancer: “Dadaanan mo lahat yan, e… yung mga naisip mo na medyo parang quitting yung dating. Hindi puwede. Kailangan talaga lumaban. Kailangan isipin na, 'Ano ang puwede kong gawin para malagpas ko ito?' Yun talaga yung nasa mind ko.”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Ipinagmalaki ni Daiana Menezes na six years na siyang cancer-free.

“I’m good now. It’s been six years cancer-free. Praise God! Everything is good!” bulalas ng Brazilian actress-TV host nang nakapanayam ng PEP Troika sa launching ng online series nilang WPS (West Philippine Sea) na ginanap sa Manila Hotel noong Linggo, November 3, 2024.

Read: Daiana Menezes: 'I had Stage 2B breast cancer.'

Hindi naging open noon si Daiana sa kanyang karamdaman dahil mas gusto raw niyang tahimik lang siyang nagpapagamot, at tuloy pa rin ang trabaho.

Kuwento niya: “Ang first nung 2018, it was a simple exam, and then dun ako nag-found out… I was diagnosed with cancer stage 2B, and it took siguro a year na treatment.

“Sa breast cancer stage 2B, papunta na siya ng 3.

"So, there were some of the lymph nodes that were also positive, which are located sa kili-kili area. So, tinanggal din nila yun and some parts of my breast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And we had the reconstruction para at least I can still work looking the same.

“Actually, I stopped, sa totoo lang.

"Kasi during treatment case nitong 2018 na nag-treatment ako, nagtatrabaho ako, pero hindi ako nagkuwento sa mga tao na dumaan ako sa cancer, kasi I wanted to stay positive.”

DAIANA MENEZES ON KEEPING THE FAITH

Mabigat ang pinagdaanan ni Daiana nung nagkasakit siya, pero hindi raw siya sumuko. Lalo raw siyang tumapang dahil kailangan niya itong harapin.

Ngayon lang ito ibinahagi ni Daiana dahil gusto niyang iparating sa lahat na ibang treatment ang ginawa sa kanya kaya siya gumaling.

Hindi raw siya dumaan sa chemotherapy.

Nagpapasalamat siya dahil marami pa rin ang nagtitiwala sa kanya.

Bukod sa regular show niya sa NET 25, kasama siya sa online series na WPS.

Nasa cast din ng WPS sina Rannie Raymundo, Lance Raymundo, Ali Forbes, Ayanna Misola; at may special participation pa sina Jeric Raval, AJ Raval, at Aljur Abrenica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula na itong umere sa DZRH-TV nung Martes ng 11:00 ng gabi, Nobyembre 5, 2024, at magkakaroon din daw ng streaming sa Viva One.

Read: WPS ng DZRH-TV, first wholesome project ng VMX stars Ayanna Misola at AJ Raval

wps cast
WPS cast: (from left) Ali Forbes, Rannie Raymundo, Daiana Menezes, Lance Raymundo, and Chace Romero
Photo/s: Gorgy Rula
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Sumagi raw sa isip noon ni Daiana Menezes na umuwi ng Brazil at doon na magpagaling.

Pero hindi siya sumuko.

Isa raw sa natutunan niya ay magpaka-positive na lang at iwasan ang stress at kanegahan, para hindi manaig ang kanser.

“Dadaanan mo lahat yan, e… yung mga naisip mo na medyo parang quitting yung dating. Hindi puwede.

"Kailangan talaga lumaban. Kailangan isipin na, 'Ano ang puwede kong gawin para malagpas ko ito?' Yun talaga yung nasa mind ko,” pakli ni Daiana.

“Ang isa sa reason siguro kung bakit tayo nagkakasakit, kasi sabi nga nila, ang sakit ay ‘disease.’ So, it’s a lack of easiness in your life. So, ibig sabihin talaga, yung stress.

“Nung time na yun talaga, nung bagets pa ako, stressed ako sa lalaki. Now, no! Bawal yan. Bawal yan sa ating health.

"Bawal maging negative, bawal mag-welcome ng toxic things or toxic thoughts or people. Naayos ko siya agad,” masayang sabi ni Daiana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: ER Ejercito, idinetalye ang mga huling sandali ng misis na si Maita Sanchez

NOEL FERRER

Hindi idinetalye ni Daiana Menezes ang mga treatment na pinagdaanan niya, pero may binanggit siyang mga therapy at treatment pati raw ang lifestyle niya.

Sinunod daw niya ang lahat na pinapagawa sa kanya ng doktor, except chemotherapy.

“Ang dami kong nagawa. I had combined treatments. It was one year of treatment in the hospital and also the holistic treatment.

“I have a list of treatment which is the ozone therapy, we have hypothermia, which is… iba-iba. One year treatment yun.

“Hyperthermia, ozone therapy, hyperbaric oxygen chamber, infrared sauna, may IV. “Until now, I still have yung mga cocktails na ginagawa sa IV ko, para itutuloy pa rin siya.

“So, once a month, I still do the same IV that I need for cancer back in the days. Continuous treatment po yun, pati ang diet ko binago ko lahat… walang sugar, minimal carbs. Para siyang Keto pero healthy,” saad ni Daiana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon ay okay raw ang health niya, maayos ang trabaho, pati ang lovelife niya sa rapper na si Tommie King.

“I’m seeing someone, six years na kami. We’re both struggling artists. His name is Tommie King. He’s a rapper. We’ve been together for six years,” napangiting pakli ni Daiana.

Read: Daiana Menezes ready to take a new shot at love: "I'm not gonna settle for less."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daiana Menezes on keeping a positive mindset despite being diagnosed with cancer: “Dadaanan mo lahat yan, e… yung mga naisip mo na medyo parang quitting yung dating. Hindi puwede. Kailangan talaga lumaban. Kailangan isipin na, 'Ano ang puwede kong gawin para malagpas ko ito?' Yun talaga yung nasa mind ko.”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results