PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

April Boy Regino biopic, blessing ba na di nakasama sa MMFF?

27 aspirants ang pinagpilian para sa lead role bilang April Boy Regino
by PEP Troika
Published Nov 3, 2024
john arcenas plays April Boy Regino in IDOL
Blessing in disguise nga ba na hindi pinalad ang pelikulang Idol: The April Boy Regino Story (starring John Arcenas, left) na makasama sa official entries para sa 50th MMFF? Ayon sa direktor ng pelikula na si Efren Reyes, Jr. “It’s a blessing from God. Matindi ang mga kalaban, baka mapahamak lang kami, at yung sabi nila, wala raw pangalan yung mga artista ko."
PHOTO/S: PR

GORGY RULA:

Ang biopic ni April Boy Regino ang isa sa 31 isinumite na finished films para sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).

april boy regino biopic
OPM icon April Boy Regino

Prinodyus ito ng WaterPlus Productions, at sinulat at dinirek ni Efren Reyes Jr. ang pelikulang pinamagatang Idol: The April Boy Regino Story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Idol: The April Boy Regino Story
Photo/s: PR

Mga baguhan ang kinuhang artista rito kung saan ang singer/theater actor na si John Arcenas ang napiling gumanap bilang si April Boy, at ang baguhang aktres na si Kate Yalung ang napiling gumanap na Madelyn Regino, ang maybahay ng namayapang singer/songwriter.

jc arcenas and kate yalung headline Idol
John Arcenas and Kate Yalung headline Idol: The April Boy Regino Story
Photo/s: PR
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ito pinalad na nakapasok sa sampung entries, pero kaagad itong tinanggap ng taga-WaterPlus, lalo na si Direk Efren Reyes, Jr.

Idol lead stars jc arcenas and kate yalung with director Efren Reyes, Jr.
Idol lead sttars John Arcenas and Kate Yalung with director Efren Reyes, Jr.
Photo/s: PR

Pero nalungkot si John Arcenas dahil gusto rin sana niyang ma-experience ang MMFF.

“Siyempre po nalungkot po ako, kasi napakalaki naman po ng ano ng MMFF. Pero sa kabilang banda, inisip ko na blessing iyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi siyempre sa tulong ng producer namin na si Ms. Marynette [Gamboa] at siyempre ng manager kong si Sir Tyrone [Escalante], alam kong hindi nila pababayaan yung pelikula, lalo na siyempre si Direk Efren na nandiyan.

“Kaya confident pa rin ako na hindi nila pababayaan,” pahayag ni John Arcenas pagkatapos ng special screening ng naturang pelikula na ginanap sa Mowelfund noong Martes, October 29, 2024.

JOHN, MATINDI ANG VOICE TRAINING PARA MAGAYA ANG STYLE NI APRIL BOY

Naghanda nang husto si John nang ibinigay sa kanya ang role bilang si April Boy.

“Hindi ko siya personally nakilala, kaya ang ginawa ko ay pinanood ko po lahat na mga pelikula ni April Boy, na hindi lang pala siya basta singer, nag-artista rin siya.

“Gumawa siya ng mga ilang pelikula, pinanood ko yun. Inaral ko yung mga kanta, inaral ko siya kung papano siya kumanta.

“Iyon talaga yung pinaka-preparation ko, inaral ko kung papano siya kumanta,” pakli ni John.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaking tulong din nang nalaman niyang fan daw pala ng tatay niya si April Boy.

“Actually, yung tatay ko po, idol niya po talaga si April Boy before pa. Kaya nung nagsisimula pa lang po ako kumanta, naririnig ko po lagi yung mga kanya ni April Boy.

“Mahirap yung preparation kung papano ko po gayahin si April Boy in terms sa pagkanta na nag-attend po ako ng vocal lessons para lang ma-attain kung ano yung boses ni April Boy, dahil sobrang napaka-distinct nung boses ni April Boy.

“Kahit ako nung ginagaya ko siya, medyo mahirap hanggang sa na-attain ko po yung boses niya,” pahayag pa ni John.

Sabi naman ni Direk Efren, “It’s a blessing from God. God chose not to be with the MMFF, baka lalo kaming mapahamak dun.”

Pabirong hirit niya, “Matindi ang mga kalaban, baka mapahamak lang kami, at yung sabi nila, wala raw pangalan yung mga artista ko. E, sabi ko dapat nagdala kayo ng birth certificate niyo at baptismal, para ipakita sa kanila, may pangalan kami!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasalamat sila dahil hindi naman daw sila nahirapan sa booking nito, nakakuha sila ng playdate sa November 27.

Ang daming naiyak sa mga nakapanood sa special screening nito, pero nag-enjoy din silang sumabay sa mga kinanta sa pelikula ng mga hit songs ni April Boy, kagaya ng Di Ko Kayang Tanggapin, Sana’y Laging Makapiling at Umiiyak ang Puso.

Read: April Boy Regino biopic, nagsimula na ng shooting

NOEL FERRER:

Bakit naman mapapahamak? Basta maganda naman ang pelikula at may appeal sa nakararaming audience, hindi ito mapapahamak.

Dumaan sa audition ang dalawang bidang sina John Arcenas at Kate Yalung para sa pelikulang ito.

Ang tantiya ni John, 27 daw silang pinagpilian. Pero kinarir daw niya dahil talagang pinag-aralan niya ang style ng pagkanta ni April Boy.

Sa 27 na nag-audition, si John na ba talaga ang pinakakilala at nagningning?

Ang buong akala raw ng mga nakapanood ay boses ni April Boy ang ginamit sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kinabahan po talaga ko… nandun yung mga nag-impersonate kay April. Maraming sumali sa Pilipinas Got Talent na nag-impersonate kay April Boy kaya yun, kinabahan talaga ako, pero laban pa rin.

“Napakasaya ko at napaka-blessed ko. Maraming salamat sa Diyos na nandito ako sa harapan niyo po, at natapos namin yung pelikula nang maayos,” pakli ni John.

Si Kate naman ay nakagawa na ng mga commercials at ilang pelikula ng Regal Entertainment. Apo siya ng kilalang filmmaker dati na si Ben Yalung.

“As a new artist po, hindi ko po akalain na mabibigyan po ako ng ganung role,” sabi ni Kate.

Nagpasalamat si Kate kay Madelyn na asawa ni April Boy dahil talagang gina-guide daw siya na magampanan niya nang maayos ang role bilang si Madelyn Regino.

Kasama rin sa pelikulang ito sina Rey PJ Abellana, Irene Celebre, Tanya Gomez, Hero Bautista at may special participation si Imelda Papin.

Sana lang talaga — dahil mga baguhan ang mga bida, (wala na tayong magagawa roon at iyun ang desisyon ng mga producers), sana man lang ay nilagyan nila ng matinding suporta sa iba pang kasama sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyon bang makakahatak sa mga manonood, di ba?

JERRY OLEA:

Kapuri-puri ang confidence ni John Arcenas at iba pang kasama sa pelikula.

Sana, huwag nang gamitin sa promo slant iyong “Di ko kayang tanggapin.”

APRIL BOY BIOPIC, MAKIKIPAGSALPUKAN SA TAKILYA

Baka kasi hindi kayang tanggapin ng moviegoers ang pakikipagsalpukan ng pelikula sa November 27 playdate ng animated musical fantasy-adventure na Moana 2.

Maraming nag-aabang sa sequel ng nasabing Hollywood blockbuster. Sa trailer pa lang, sadyang kapana-panabik na!

Inaabangan din ng moviegoers ang Hello, Love, Again na nasa November 13 playdate, ang Wicked na nasa November 20 playdate, at ang Gladiator II na nasa December 4 playdate.

Take note na showing din sa November 27 kasabay ng Moana 2 at Idol: The April Boy Regino Story ang Huwag Mo ‘Kong Iwan nina Rhian Ramos, Tom Rodriguez, at JC de Vera, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Siyempre pa, inaabangan din ng Pinoy moviegoers ang golden edition ng MMFF. Ngayon pa lang ay balitaktakan na ang fans kung alin ba sa Espantaho, And The Breadwinner Is, Green Bones, My Future You, Topakk, at Uninvited ang magpapakitang-gilas nang lubos sa takilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Palaban din siyempre ang Hold Me Close, The Kingdom, Strange Frequences: Taiwan Killer Hospital, at Isang Himala.

Kaya sana… sana… sana talaga, i-promote nang husto ang mga bida ng April Boy biopic na sina John Arcenas at Kate Yalung para tanggapin sila ng Pinoy moviegoers.

Read: April Boy Regino biopic, matutuloy na; sino ang gaganap na bida?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Blessing in disguise nga ba na hindi pinalad ang pelikulang Idol: The April Boy Regino Story (starring John Arcenas, left) na makasama sa official entries para sa 50th MMFF? Ayon sa direktor ng pelikula na si Efren Reyes, Jr. “It’s a blessing from God. Matindi ang mga kalaban, baka mapahamak lang kami, at yung sabi nila, wala raw pangalan yung mga artista ko."
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results