JERRY OLEA:
Nobyembre 1, 2024, Biyernes, ang mismong kaarawan ng Asia’s Diamond Soul Siren.

Ang birthday concert niyang Love Nina ay nakatakda sa Oktubre 30, Miyerkules ng 8:00 P.M. sa The Theatre at Solaire, Parañaque City.

“Birthday wish ko is talagang… ito totoo — happiness talaga for everyone — na talagang huwag silang ma-stress,” sabi ni Nina sa mediacon noong Oktubre 21, Lunes sa Borro restaurant, Sct. Borromeo St., Quezon City.
“Kumbaga yun lang, enjoy-in nila yung buhay. Kasi sobrang… hindi mo alam, di ba, kung kailan.
“Yun lang talaga, happiness lang talaga for everyone.”
Anong feeling niya na sa Nobyembre 1 pumatak ang kanyang kaarawan?
“All Saints’ Day. Sabi nila, ‘Uy! Araw ng Patay!’ Sabi ko, hindi po. Araw ng Patay is the second,” sambit ni Nina.
“Kahit papaano, na-proud ako dun. Kasi, All Saints’ Day. Feeling ko nung una, sabi ko, ‘Ma, bakit mo ako ipinanganak ng November 1?’
“Paano ako magse-celebrate, di ba? Mga tao, nasa sementeryo lahat. Pero nung lumalaki na ako, nagkakaisip na, OK lang naman.
“Parang lahat, sine-celebrate yung birthday ko. Yun na, yun na yung naiisip ko, November 1.
“Pag sinabing November 1, birthday ko, and maaalala nilang lahat.”
Nakapag-birthday party ba siya sa Dia de los Todos los Santos? Nakapagsaya ba siya sa mismong kaarawan niya?
Natawa si Nina, “Hahaha! Hindi. Wala. Kumbaga, kung sino lang yung makapunta sa birthday ko, e, di OK.
“Kaya yung mga manonood sa October 30, very special to me. Kasi may time. Kasi yung week na yan, usually nasa sementeryo na ang mga tao niyan, e.
“So kung mag-spend sila ng time with me on October 30, it’s a very special thing for me.”
Read: Nina, totoong heartbroken nang kinanta ang hit song na ito
NOEL FERRER:
Anu-ano ang challenges ni Nina sa nalalapit niyang birthday concert?
NINA, MARAMING CHALLENGES SA NALALAPIT NA B-DAY CONCERT
“Usually ang challenges ay mag-memorize ng mga bagong kanta, ganun, ng bagong areglo,” sagot ng Asia’s Diamond Soul Siren.
“Medley, ganyan. Yun ang pinaka-challenge talaga. And siguro yung being yummy also… Kasi kailangang mag-diet, exercise and all. Hahahahaha!
“Para mag-fit ang aking mga damit! Pero yun nga! Hahahaha! Biggest challenges, yun. Basically yun lang naman for me. And health, yeah.”
Panauhin ni Nina sa kanyang birthday concert sina David Pomeranz, Ian Veneracion, at Randy Santiago.
May pressure ba siyang nararamdaman?
“Always naman may pressure within the artist din. Kasi baka mamaya, hindi kayo maging compatible with the songs that you’re gonna sing,” saad ni Nina.
“Pero there’s always like this cooperation naman within the artists as well na puwede namang pag-usapan para maging maayos yung pagkakanta ng songs na pinili for each other.”
First time ni Nina na kakanta with Ian. Nakasama na ni Nina si David sa mga concert abroad, ganun din si Randy.
Iba rin ang staying power ni Nina. Ang maganda sa kanya, mahusay siyang pumili ng kantang gagawin niya.
Sana, magkaroon siya ulit ng bagong hit!
GORGY RULA:
NINA, CROSS-GENERATIONAL NA ANG FANDOM
Natutuwa si Nina na naging comfort zone ng fans ang pakikinig sa kanyang mga kanta kapag nalulungkot o may pinagdaraanan ang mga ito.
“Kaya everytime na meron silang nararamdamang emosyon, o merong silang nararamdaman sa kanilang buhay — happiness, sadness, thrill, excitement — ako yung naiisip nilang ‘go to’ na music,” sey ni Nina.
“So siyempre naaalala nila ako. So nakakatuwang isipin na ganun, na kahit na kunyari, nakatandaan na nila yung mga songs ko, yung mga anak nila, sine-share naman nila dun sa mga anak nila.
“So natutuwa ako na, ‘My mom loves you! Thank you so much!’ Dahil sa mom nila or sa parents nila, kilala ako ng mga anak. So nakakatuwa rin ang ganun.”
Available ang tickets ng Love Nina concert sa TicketWorld at Ticket1 branches nationwide or online.
Ang Love Nina ay handog ng travel agency na Ticket1, sa pakikipagtulungan ng Honeymoon Herbal Tea for Men, at suportado ng Genesis Organic Spirulina.
