GORGY RULA
Pagkatapos ng launching nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega bilang brand ambassadors ng Belle Dolls ng Beautederm, kasama sina Shaira Diaz at Sofia Pablo, lumipad sila patungong Tokyo, Japan para dumalo sa premiere ng Voltes V Legacy: The Cinematic Experience na dubbed sa Japanese.
Excited ang magkasintahan sa biyaheng iyon dahil makakapag-bonding sila roon kasama ang co-stars nilang sina Gabby Eigenmann, Radson Flores, at Martin del Rosario; pati sina Direk Mark Reyes at ilang GMA bosses.
Read: Voltes V: Legacy–The Cinematic Experience lives up to hype as visual feast!

Sold out daw ang screening doon at nag-enjoy silang nakihalubilo sa fans.

BONDING MOMENTS
Pero ang isa sa bonding nila ay maglakad-lakad, kaya sabi nga ni Miguel, makapag-walking-walking sila roon.
Ang isa pa palang bonding nila ay computer games. Kapag wala silang ginagawa ay magkasama silang naglalaro.
Ang maganda pa rito, nagagawa pa ni Ysabel ang magluto. Mahilig pala siyang gumawa ng snacks, at yun ang specialty niya.
Kuwento ng dalaga: “Mahilig kasi po ako magluto. Actually, favorite ko yung... may ginagawa akong mga maliliit na snacks for myself, for example bago kami maglaro ng games, pag magbabasa ako.
“Mahilig ako gumawa ng mga maliliit na snacks, yung DIY. Ever since nung umiinom ako ng Belle Dolls, gusto ko lang sabihin na sinali ko ito sa mga recipes ko.
“Yung strawberry lychee, kasi mahilig ako sa sweets. Ang ginagawa ko, parang jello, parang ginagawa ko siyang flavor sa jello.
“Para kang nakakain ka ng jellyace, pero eto, it’s good for your health. So, may mga na-discover ako na maliliit na recipes sa TikTok, tapos ina-apply ko siya sa mga iniinom ko araw-araw.”
Sa totoo lang, natutuwa ang mga kasamahan nila sa AOS dahil nakikita raw na masaya lang sina Miguel at Ysabel sa kanilang relasyon.
Read: PEP Best Bets 2024: The New Generation A-Listers

NOEL FERRER
Nakikita ngang maganda ang impluwensiya nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega sa isa’t isa.
Si Miguel ay mahilig ding mag-travel kahit solo lang siya, dahil marami siyang natutunan sa ganung adventure.
Kaya nagsisimula na rin daw siyang magsulat ng libro. Isa raw iyun sa nagpapa-happy sa kanya.
Ani Miguel, “Lagi akong nagke-crave ng travel, ng adventure… that’s why I always go anywhere. Solo, backpacking.
“Kasi, mga experience na nakukuha ko is nagiging part ng story ng buhay ko na puwede kong ibahagi sa mga kaibigan ko, sa magiging anak ko in the future.
“Actually, may isinusulat ako na book ngayon about sa lessons sa buhay na gusto kong ibigay sa anak ko pag 18 niya, ganun.
“So, para sa akin, feeling ko, satisfied, beautiful ako inside and out kapag nakakapag-share ako ng knowledge and ng aral sa ibang tao.”
JERRY OLEA
Feeling-beautiful inside and out si Ysabel Ortega when she actually feels good.
“Alam mo yung pagkagising mo, iba ang outlook mo sa araw ngayon when you feel healthy, you feel good,” lahad ni Ysabel.
“And it’s the little things din talaga, like the people around you.”
YSABEL, MIGUEL ON HANDLING BASHING
Pampa-healthy at pampaganda ang ini-endorse niyang produkto. Paano niya hina-handle ang comments sa kanyang looks?
Sagot ni Ysabel, “Before po siguro, nung nag-uumpisa pa lang po ako sa showbiz, of course nakakapanibago siya na all of a sudden, biglang andaming may masasabing masama about you, di ba, from people you don’t even know.
“Before… talagang dinidibdib ko siya, especially when they really go below the belt talaga… yung sa personal life mo.
“Ako dati, naaapektuhan po ako. I mean… may mga comments na merong konting kurot, pero ngayon, ina-accept ko na lang din.
“Na may masasabi at masasabi po talaga yung mga tao kahit na gaano ka kaperpekto.
“So ako, as long as I feel good, I know that I’m doing something for myself every day na alam kong mas nakakabuti sa kalusugan ko, sa nararamdaman ko, sa appearance ko.
“Then, wala na akong kailangang patunayan sa ibang tao. Kasi, hindi rin naman ako kilala completely and I don’t owe them an explanation to all the criticisms na binibigay nila sa akin.
“So ako, as long as I feel good, as long as I know na I am doing my best for that person, then wala na akong kailangang isipin na ganun.”
Sabi naman ni Miguel, “Ang napansin ko lang po sa panahon ngayon, parang mas open yung mga taong mag-comment sa mga ginagawa ng ibang tao kumpara dati.
“Buti na lang po, hindi ako masyadong palabasa ng mga comment. Ewan ko, minsan si Ysabel pa po ang nagpapakita sa akin ng mga comment ng tao, ‘Tingnan mo ang sinabi ni ganyan.’
“Siya po ang nag-a-update sa akin sa social media. So, feeling ko, ang mantra ko lang po kasi — for example, merong 100 na comments sa yo, 99 dun, e, maganda, isa lang ang nagsabi ng mali, parang pagtutuunan mo na ng pansin yung mali na yun?
“So ako, might as well, huwag ko na lang pong basahin as long as alam ko sa sarili ko na… piliin ko yung sarili ko, mentally, yung health ko, kaya pag-inom ng mga products ng Belle Dolls.
“Alam mo yun, I’m not doing it for them. You’re doing it for yourself, for your family na mas importante yung comments nila kaysa sa mga comments na nababasa mo dun sa social media.”
