NOEL FERRER
Nalungkot ako nang sobra sa balitang nagbawas ng 100 empleyado o 3 percent ng kanilang work force ang ABS-CBN.
Hindi matumbasan ng kita nila ang kanilang gastos kahit na may Star Cinema hit movies, BINI, at FPJ’s Batang Quiapo.
Kulang pa rin ang mga iyon upang matustusan ang pangangailangan ng ilang tao at departamento.
Read: ABS-CBN announces "difficult decision" to lay off 100 employees
Epekto pa rin ito sa pagkakawala ng franchise ng ABS-CBN noong kasagsagan ng panahon ng pandemya.
Dahil malapit na naman ang eleksyon, sana’y hindi natin makalimutan ang mga taong nagsulong nito at dahilan ng pagkawala ng trabaho ng kasamahan natin sa media.
Read: Who are the 70 solons who voted to kill ABS-CBN appeal for franchise renewal?
Sa GMA naman, kahit may franchise ito, hindi pa rin nito naaabot ang desired na kita, diumano.
Kaya sa mga susunod na araw, mapapansin ninyong tipid-tipid ang shows. At ang hosts, anchors, at artista ng mga programa ay mai-streamline ulit.
Maa-achieve pa ba ng Philippine TV ang stability na meron ito bago mag-pandemic? Kawawa naman talaga ang ating industriya!
JERRY OLEA
Natuwa tayo nang mabalitaan natin noong first week of October na pumapasok na muli sa ABS-CBN Compound ang mga empleyado tuwing Martes.
Akala natin ay tuluy-tuloy na ang pagbangon ng Kapamilya Network habang papalapit ang Pasko 2024.
Rumatsada sa takilya ang pelikula nilang Un/Happy For You noong Agosto, at inaasahang tatabo rin ang reunion movie ng KathDen na Hello, Love, Again na magso-showing sa Nobyembre 13, pati na iyong MMFF 2024 official entry ni Vice Ganda na And The Breadwinner Is…
Waging-wagi sa TV ratings ang FPJ’s Batang Quiapo.
More and more ang mga teleseryeng ikinakasa ng ABS-CBN.
50M SUBSCRIBERS OF ABS-CBN ENTERTAINMENT YOUTUBE CHANNEL
Palaki nang palaki ang online family ng ABS-CBN Entertainment matapos nitong magtala ng 50 million YouTube subscribers.
Ito pa rin ang YouTube channel sa media and entertainment category na may pinakamaraming subscribers sa Southeast Asia.
"Congratulations to ABS-CBN for reaching 50 million subscribers on their YouTube channel! This milestone is a testament to their commitment to providing exceptional content that resonates with millions of Filipinos and viewers around the world.
“We at YouTube are proud to partner with ABS-CBN in their journey to connect with audiences and tell compelling stories,” sabi ni Ajay Vidyasagar, managing director ng YouTube Southeast Asia and Emerging Markets.
Mas marami pang aabangan sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel tulad ng YouTube original series na Halfmates starring Kaori Oinuma and Jeremiah Lisbo na ipapalabas simula October 18, Biyernes.
Andiyan din ang Four Bad Boys and Me, ang unang digital movie ng ABS-CBN sa YouTube para sa 2025.

Akala tuloy natin, ibabalik na ng ABS-CBN ang ilan sa mga na-retrench noong 2020.
BUT Reality bites, 'ika nga.
May panibagong retrenchment sa ABS-CBN, pero 100 lang iyon at hindi kagaya noong 2020 na mahigit 5,000 ang natanggal.
Read: Robi Domingo: "May ABS-CBN pa rin."
GORGY RULA
Facebook post ng Kapuso writer na si Suzette Doctolero ngayong Oktubre 17, Huwebes ng umaga:
“Mga kapuso, salamat sa lahat ng supprta at tiwala pero huwag na nating idamay ang mga empleyadong na lay-off at hindi naman sila mga alts na toxic. Ang mga nawalan ng trabaho sa kabila ay nagtatrabaho lang ng maayos, at may binubuhay na mga pamilya.
“May panahong nararapat lang ipaglaban ang network, pero may panahon na nararapat din tayong magbigay ng simpatya, awa, at yakap para sa kumpetensya. Hindi dapat ikatuwa ang masakit na pangyayari sa kanila, lalo at apektado ang buong tv industry.
“Please keep on supporting our industry lalo na sa panahong ito.”
Sa X (dating Twitter) ay may post din si Suzette kaugnay rito:
“Mga kapuso, salamat sa suporta at laging handang ipaglaban ang network, pero dapat rin tayong magbigay ng simpatya sa mga empleyado na nawalan ng work.
“Hindi sila alts. These people ay may mga binubuhay na pamilya. The tv industry is dying kaya wala dapat ikatuwa.”
KATHDEN MOVIE MEDIACON
Ngayon ding Huwebes ay sanib-puwersa ang ABS-CBN at GMA sa mediacon ng KathDen movie na Hello, Love, Again.

Pero kumusta ang mga pelikulang Pinoy na nag-open sa local cinemas nitong Oktubre 16, Miyerkules?
Ayon sa source ng PEP Troika, wala pang PHP100K ang first day gross ng Crosspoint ni Carlo Aquino; almost PHP500K lang ang Guilty Pleasure nina Lovi Poe, JM de Guzman, at Jameson Blake; and a little over PHP1M lang ang Balota ni Marian Rivera.
Mahihina sa takilya, at salat sa night crowd ang mga pelikulang ito. Kaya nakakalungkot ang kasalukuyang estado ng TV and movie industry.
