GORGY RULA:
Sa halip na ma-offend ay natatawa na lang si Lolit Solis sa ipinakitang reaction ni Kobe Paras nang mag-comment ito kay Kyline Alcantara.
Nagkita ang talent manager at ang basketbolistang anak ni Benjie Paras sa event ng Ultra Mega Expo 2024 na pag-aari ng kaibigan ni Manay Lolit na si Mr. Ernie Lim noong Sabado, October 5, 2024 na ginanap sa Okada Manila.

Dumalo rin doon ang mag-aamang Benjie, Andre at Kobe Paras.
MANAY LOLIT, NALOKA SA SAGOT NI KOBE
Kuwento ni Manay Lolit sa amin, lumapit daw sila sa kanya para magbeso. Pero nang nakita raw niya si Kobe, umiral ang pagkataklesa at pagiging careless ni Manay Lolit, parang pabiro lang niyang sinabihan si Kobe na sana mga ka-level daw nina Sharon Cuneta o Kris Aquino siya na-link, hindi kay Kyline Alcantara.
Nag-iba raw ang mukha ni Kobe, at sinabihan daw siya ng tipong “You don’t say that to my girlfriend,” sabay talikod.
“Naloka ako, day! Hindi na niya ako binati pagkatapos nun. Hanggang sa umalis sila, hindi na niya ako binati, dedma na siya! Irita siya talaga!” natatawang kuwento ni Manay Lolit.
Hindi namin naramdaman na naapektuhan si Manay Lolit sa ipinakita ni Kobe.
Naging totoo lang daw ito, at nakita raw niyang sobrang in love itong binata ni Benjie Paras kay Kyline.
“Parang siya ang sobrang in love kay Kyline, kesa si Kyline, ha! Ang guwapo-guwapo pa naman niya. Ang ganda talaga ng mukha niya!” bulalas ng talent manager.
Si Benjie na ang nag-sorry sa kanyang manager.
Tinanong namin si Benjie tungkol sa nangyari, at pinagsabihan daw niya si Kobe na hindi lang daw talaga nito nakilala nang husto si Manay Lolit. Hindi pa raw kasi sanay si Kobe sa mga biruan sa showbiz.
MANAY LOLIT: "PARANG MAS IN LOVE SI KOBE TALAGA KAY KYLINE"
Naintindihan naman daw ni Kobe nang pinayuhan niya ito.
“Pero nakatulala na ako umuwi hahaha! Hindi ko na naramdaman ang sobrang traffic at napakalayo pa naman ng Okada, ha!
“Parang mas in love si Kobe talaga kay Kyline. Sobrang ganda nung Kyline, huh?!” pakli ni Manay Lolit nang nakausap namin sa telepono ngayong Linggo, October 6 ng umaga.
Read: Kyline Alcantara refuses to reveal real score with Kobe Paras
JERRY OLEA:
Bingo!!! So, girlfriend talaga ni Kobe Paras si Kyline Alcantara at hindi friend lang?!
Ay!!! Girlfriend or “girl friend” ba?! Pakilinaw, please!!!
Read: Kyline Alcantara “kandong” video with Kobe Paras goes viral
NOEL FERRER:
Iba talaga itong si Kyline Alcantara, ano? Lovelife niya talaga ang pinag-uusapan sa showbusiness.
Sana, kung si Kobe mataas ang expectation sa kanya sa sports, ganoon din si Kylie sa kanyang pagiging aktres.
Paano? Vlogger na yarn sila?
