JERRY OLEA
Ikinatuwa ni Direk Baby Ruth Villarama na ang aspiring entry ng Pilipinas sa 97th Academy Awards o Oscars para sa Best International Feature Film category ay ang documentary ni Ramona S. Diaz na And So It Begins.
Sabi ni FDCP Chairman Jose Javier Reyes, nangangahulugan iyon na ang “documentary filmmaking is a recognized and respectable and competitive genre.”
Read: Direk Joey Reyes explains why And So It Begins was chosen as Philippine entry to Oscars

“As a documentary filmmaker, nagpapasalamat ako na ibinigay ni Direk Joey po yung comment na ganun,” sabi ni Direk Baby Ruth sa closing ceremony ng 4th Philippine Film Industry Month noong Setyembre 27, 2024, Biyernes, sa Seda Vertis North, Quezon City.
“Coming from a narrative industry, malaking bagay po iyon, at saka iyong suporta na ibinibigay nila sa documentary community.
"It’s not easy to handle real stories but kung meron mang edge ang Pilipinas, we are very rich in stories like this. Stories that you cover.
“At yun ang wala sa mga narrative na napapanood natin sa buong mundo, yung kuwento nating kakaiba.
“At ang Filipino values, medyo hindi siya nakikita pa ng mundo. Nakikita yung sakrispisyo, nakikita yung mga paghihirap.
“But the triumph of the Filipino spirit despite of all the odds, I think that’s the gift that we can give to the world.”
SUNDAY BEAUTY QUEEN
Si Direk Baby Ruth ang nagdirek ng Sunday Beauty Queen, ang unang documentary na napiling official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Read: MMFF 2016 REVIEW: Sunday Beauty Queen presents reality that's endearing, heartbreaking, inspiring
Itinanghal itong best picture sa MMFF 2016, at nagkamit din ng parangal para sa Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award at best editing.
May jury prize din ito para sa Children’s Choice Award, kasama ang Saving Sally at Vince & Kath & James.
Read: MMFF 2016 winners revealed: Paolo Ballesteros, Irma Adlawan named Best Actor and Best Actress
Ang Sunday Beauty Queen ay isa sa 50 MMFF movies na bahagi ng ongoing Sine Sigla sa Singkuwento, kung saan PHP50 ang admission price sa piling sinehan nationwide.
Take note na member si Direk Baby Ruth ng Academy of Motion Pictures Arts and Sciences (AMPAS) na siyang pasimuno ng Oscars.
Read: Mga bago at lumang pelikula umaapaw ngayong buwan ng Setyembre

FOOD DELIVERY
Ang pitch ni Direk Baby Ruth na Food Delivery ay isa sa walong finalists sa full-length film category ng 2nd Puregold CinePanalo Film Festival na gaganapin sa Marso 14-25, 2025 sa Gateway Cineplex 18 sa Cubao, Quezon City.
Documentary iyong Food Delivery na nasa pre-production stage pa lang.
Nagulat si Direk Baby Ruth na na-consider ng Puregold ang kanyang passion project.
“We’re doing this in collaboration with the Armed Forces of the Philippines [AFP],” sabi ni Direk Baby Ruth.
Paano siya na-inspire para i-conceptualize ang Food Delivery?
Napabuntong-hininga si Direk Baby Ruth, “Kasi parang as a storyteller, iisipin mo, ‘Paano ba ako makakatindig para sa bayan ko na medyo lugmok na, umaahon?’
“Lugmok pero umaahon. So, I’d like to be part of that narrative, and to be part of men and women na storytellers.
“So, ano ba iyong puwede nating maging ambag para hikayatin at magdagdag-inspirasyon sa mga taong bayan on how to be constructive, at kung paano magbigay ng saysay sa ating pagkukuwento.
“Just like Sunday Beauty Queen. I mean, the stories are there 24/7, kuwentong-OFW. Parang gasgas na yan. Ganun ang kuwento ng Food Delivery.
“Pero there’s something to ito na kahit gasgas, may mga nandoon, e, na araw at gabi na nabubuhay at patuloy ang kanilang kuwento.”
Ang pito pang full-length finalists sa CinePanalo 2024 filmfest ay Perlas sa Silangan ni TM Malones, Tagsibol ni Tara Illenberger, Sepak Takraw ni Mes de Guzman, Journeyman nina Christian Paolo Lat at Dominic Lat, Olsen’s Day ni JP Habac, Co-Love ni Jill Singson Urdaneta, at Fleeting ni Catsi Catalan.
PHP3M ang grant ng Puregold sa bawat full-length finalist.
Read: Sinag Maynila, natupad ang layuning itampok ang regional films
GORGY RULA
Nakikita naman sa mga documentary na gawa ng GMA-7 — yung kina Jessica Soho, Atom Araullo, at iba pang Kapuso reporters — umaani ang mga ito ng parangal sa ibang bansa.
Kaya baka naman mapansin ng AMPAS ang And So It Begins, dahil totoo itong mapapanood nila at hindi fiction.
Kaya sana this time, hindi nagkamali ang Film Academy of the Philippines (FAP) sa pagpili nito na isali sa Oscars.
Read: Asian Academy Creative Awards 2024 national winners announced
NOEL FERRER
Bukod sa merits ng pagkakapili ng documentary ng And So It Begins, sana suportahan ito sa kampanya para magmarka talaga sa mga miyembro ng Academy.
Good luck talaga!!!
