GORGY RULA
Senator Chavit Singson ang tawag sa dating Ilocos Sur governor nang dumalo ito sa birthday party ni Senator Bong Revilla noong Miyerkules, September 25, 2024, sa Cork Elite, Bonifacio Global City.
Hindi naman niya kinukumpirmang tatakbo siya sa darating na midterm elections sa susunod na taon, pero posible dahil visible siya ngayon, lalo na sa mga showbiz events.
Ang latest ay itinuloy na niya ang pagpo-produce ng pelikula kung saan nakipag-partner siya sa GMA Pictures.
Read: GMA Pictures at Chavit Singson, magko-collab para sa 2 pelikula
Nakatsikahan din namin doon sa birthday celebration ni Sen. Bong ang president ng GMA Pictures at GMA Worldwide na si Atty. Annette Gozon-Valdes, at sinabi niya sa aming matagal na raw gusto ni Manong Chavit makipag-partner sa kanila.
"Matagal na kasi iyan. Sabi niya sa akin, ang mother daw niya kasi, gumawa ng pelikula dati, gusto niya ipagpatuloy ang legacy,” pakli ni Ma’am Annette.
"Nagkasama kami sa isang event. Kasama ko ang Daddy ko, tapos nandun si Gov. Chavit, tapos nag-usap sila.
"Sabi niya sa Daddy ko, ‘O, gumawa tayo,’ gusto mag-produce ng movie. Sabi ng Daddy ko, ‘Ayan,’ pinasa sa akin. So ako daw kumausap.
"So ayun nga, siguro mga after one year, meron akong pinitch sa kanya na mga concept.
"Meron siyang super na nagustuhan niyang isang concept. Ito yung Barkadahan ng Mga Makasalanan.
"Basta ano siya, it’s a feel-good heartwarming movie. Nagustuhan talaga niya.
"Ito na yung first production namin. And sobrang happy si Gov, gusto na niyang gumawa nang gumawa. Tuluy-tuloy na daw.”

GMA-7 AND CHAVIT SINGSON'S UPCOMING FILM
Pagkatapos ng Green Bones na entry ng GMA Pictures ay sisimulan na raw nila itong Barkadahan ng Mga Makasalanan na pagbibidahan nina Sanya Lopez at David Licauco. Kasama rito ang iba pang komedyanteng sina Chariz Solomon at Betong Sumaya.
Sa pagkakaalam namin ay kabilang din sa film project na ito si Rabiya Mateo at ilan pang fresh faces ng Sparkle.
Kinumpirma sa amin ito ni Direk Benedict Mique na siyang nagsulat at magdidirek ng pelikulang ito.
“Sobrang excited ako sa Barkadahan ng mga Makasalanan. May co-writer ako dito. Exciting kasi, first meeting pa lang namin, nakakatuwa na, e.
"Happy po yung cast, dun pa lang sa meeting namin nakakatuwa na yung mga nangyari, e,” sabi ni Direk Benedict nang nakatsikahan naman namin sa nakaraang premiere night ng pelikula niyang Maple Leaf Dreams.
Bahagi rin sa proyektong ito ang chemist at philanthropist na si Ms. Pinky Tobiano, dahil malapit siya kay Chavit Singson.
Parang siya ang magre-represent ng production ni Manong Chavit.
“Malaki ang budget nito. It will be shot in Ilocos,” sabi ni Ms. Tobiano.
Seryoso raw si Manong Chavit sa film production, dahil may iba pa raw silang pinag-uusapang film project na gusto niya ang GMA Pictures ang ka-partner.
NOEL FERRER
GMA-7's MMFF 2024 ENTRY
Nabanggit na rin ang Green Bones na entry ng GMA Pictures sa 50th Metro Manila Film Festival, tuluy-tuloy raw ang shooting nito ngayon, at ang tantiya ng film producer, bandang end of October ito matatapos.
"It’s ongoing and siguro matatapos kami mga end of October pa. Kailangan talagang hindi madaliin kasi malaking expectations nito because of Firefly and quality nun.
"Mas ganung quality, pero may plus factor.
"Dito maiiyak sila habang naka-smile paglabas ng sinehan,” sambit ni Atty. Annette Gozon-Valdes.
JERRY OLEA
Nilinaw ng PEP Troika kay Atty. Annette Gozon-Valdes ang isa pang binabalak daw nilang pelikula na posibleng pagsasamahan nina Dingdong Dantes at Alden Richards.
"Dream project pa lang iyan. May pinitch kami sa kanya [Chavit Singson] na co-production, hindi lang GMA, iba-iba na production companies.
"Kasi meron kaming in-adopt na Korean artists. It will be na parang ano, international movie, and wish list nga namin sina Dingdong and Alden.
"Pero it’s still in the planning stages and kailangan pa talagang ma-nail down ang mga Korean artists para talagang malaking project.
"So, sana ay… we’ll try to work on it para matuloy.
"And with the help of Gov. Chavit, sana matuloy. Kasi malapit siya mga Koreans, and kilala niya itong mga gusto naming ma-tap na mga Korean actors and actresses.
"Sana matuloy,” saad ni Atty. Annette.
Ang maganda pa raw dito ay magkaroon ng chance na mabigyan ng break ang iba pang artists ng Sparkle.
"Ang dami naming artists din. And for example itong aming international project, kung maka-break ito sa international scene, ang ating mga artists, parang makakadagdag ito sa kanilang pagiging stars at sa kanilang career,” sabi pa ni Atty. Annette.
