PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Niño Muhlach, nasorpresa rin sa pagdating ng ina ni Sandro

Niño Muhlach, hinayaan munang mag-bonding sina Edith at Sandro.
by PEP Troika
Published Sep 26, 2024
nino muhlach edith millare son sandro
Nino Muhlach on son Sandro Muhlach's mother, Edith Millare:“Ako nga, pati ako na-surprise, e. Ang alam kasi niya [Sandro], sa Las Vegas yung mommy niya, e. Dun dapat magbi-birthday yung mommy niya sa Las Vegas. Tapos biglang umuwi."
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Hindi raw inaasahan ni Niño Muhlach ang pagdating ng ina ng kanyang panganay na anak na si Sandro Muhlach, si Edith Millare.

Dumating si Edith sa Pilipinas sa mismong kaarawan nito noong Lunes, September 23, 2024.

Buong akala raw nila ni Sandro ay sa Las Vegas, Nevada, magsi-celebrate ng kanyang kaarawan si Edith.

Ayon kay Niño, nag-uusap sila madalas ni Edith dahil kinukumusta nito si Sandro, pero hindi raw nabanggit nito sa kanyang uuwi pala ito.

Read: Sandro Muhlach, sinorpresa ng kanyang inang si Edith Millare

“Ako nga, pati ako na-surprise, e. Ang alam kasi niya [Sandro], sa Las Vegas yung mommy niya, e.

"Dun dapat magbi-birthday yung mommy niya sa Las Vegas. Tapos biglang umuwi.

“Okay naman yun para may bonding time silang mag-ina,” pakli ni Niño nang nakatsikahan siya ng PEP Troika sa 58th birthday celebration ni Senator Bong Revilla sa Cork Elite, BGC, noong Miyerkules, September 25, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Niño, sampung araw lang sa Pilipinas ang mommy ni Sandro kaya hahayaan niya munang magkasama ang mag-ina.

Nagtatrabaho si Edith sa New York bilang nurse.

Matagal nang hiwalay sina Niño at Edith.

edith millare & sandro muhlach reunion
Edith Millare and son Sandro Muhlach
Photo/s: Sandro Muhlach Facebook

SANDRO MUHLACH'S CASE

Kinumusta rin ng PEP Troika kay Niño si Sandro, na hinihintay na lang ngayon ang resolution ng reklamong isinampa nila sa Department of Justice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Rape at acts of lasciviousness ang mga reklamong inihain ni Sandro laban sa GMA-7 independent contractors na sina Jojo Nones at Richard "Dode" Cruz."

Read: Sandro Muhlach naghain ng reklamong rape, acts of lasciviousness

Ayon kay Niño, “Medyo okay naman. He’s beginning to go out again. Pag may family events, yun.

"Kasi nga, sabi ko, dahil ten days lang yung mommy niya, samahan muna niya."

Patuloy pa rin daw nagte-therapy ang kanyang panganay na anak, pero hindi pa ito handang bumalik sa trabaho.

“Nagsabi naman yung Sparkle na anytime na gusto niyang bumalik to work, sabihin lang niya, tapos okay na yan.

“Ang plano sa kanya ng Sparkle, bibigyan ng sarili niyang tent. Tapos sasabihan ang buong production na bawal siyang kausapin tungkol dun sa nangyari, ganun.

"Pero he’s not ready yet, e.

“Pero sabi ko nga sa kanya, the only way to go back to normalcy is, yun nga, sana nga magkaroon na siya ng lakas ng loob na mag-work ulit, para bumalik yung normalcy sa buhay niya,” sabi ni Niño.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasali si Sandro sa cast ng afternoon drama series na Shining Inheritance, pero hindi naman kalakihan ang role niya.

Nung pumutok ang balita tungkol sa kanila ng dalawang independent contractors, hindi na siya nakabalik sa taping.

Read: Sandro Muhlach, idinetalye ang naranasan umanong pang-aabuso

NOEL FERRER

Tanggapin nating maiiba na talaga ang buhay ni Sandro.

Pero sana magpatuloy pa rin siyang i-pursue ang career na sa tingin niyang mag-e-excel siya.

Sabi pa ni Niño, bilang ama ay nandiyan lang siya para gabayan ang kanyang anak at sana makalimutan na raw nito ang mapait na karanasang iyon.

Pero hahayaan daw niya si Sandro kung gusto na ba talaga nitong bumalik sa pag-aartista o kung gusto na nitong magpalit ng career.

“Ako, full support naman ako. He knows naman na anytime he needs anything, kahit na anong bagay, nandiyan ako para sa kanya. And lahat naman ng kailangan niya, napo-provide ko naman, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Sandro naman, alam naman niya na kung ayaw niyang bumalik sa pag-aartista, meron siyang fallback, e. Meron kaming company.

“Puwede naman siyang magnegosyo. Pero kung gusto niya, full support pa rin talaga ako sa kanya.

“Siyempre kahit paano, magkaroon na yan ng lamat sa kanya, 'no? Pero in God’s time, alam ko, sana makabalik talaga siya sa tulad nung dati, in God’s time.

“Alam ko namang darating ang araw na yun. Sana sooner,” dagdag ni Niño.

Sakaling magti-taping na uli si Sandro, suwerte siya kung bibigyan siya ng sarili niyang tent, ha? Major yun!

Read: Niño Muhlach gets emotional at Senate hearing on son's ordeal

JERRY OLEA

“Sport, truth, like art, is in the eye of the beholder. You believe what you choose and I’ll believe what I know.”

Naalala ko muli ang linyang iyan ni Jim Williams (karakter ni Kevin Spacey) sa pelikulang Midnight in the Garden of Good and Evil (1997) kaugnay sa sinapit ni Sandro Muhlach sa dalawang independent contractors ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano kaya ang kahihinatnan ng reklamo ni Sandro? Mananaig kaya ang katotohanan at katarungan sa usaping ito?

Read: Jojo Nones, Dode Cruz: Sandro Muhlach alleged rape is "baseless"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nino Muhlach on son Sandro Muhlach's mother, Edith Millare:“Ako nga, pati ako na-surprise, e. Ang alam kasi niya [Sandro], sa Las Vegas yung mommy niya, e. Dun dapat magbi-birthday yung mommy niya sa Las Vegas. Tapos biglang umuwi."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results