PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dimples Romana at Jodi Sta. Maria, priority pa rin ang mga anak

Dimples at Jodi, ina muna bago ang pagiging aktres.
by PEP Troika
Published Sep 24, 2024
dimples romana jodi sta. maria motherhood
At this point of their career, award-winning actresses Dimples Romana (left) and Jodi Sta. Maria (right) choose to prioritize being mothers to their children over their work.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Jerry Olea

GORGY RULA

Kuwento ng dalawang ina, na ginagampanan nina Iza Calzado at Dimples Romana, na gagawin ang lahat para sa kanilang anak ang tinatalakay ng pelikulang Caretakers ng Rein Entertainment at Regal Entertainment.

Read: Iza Calzado at Dimples Romana, perfect timing ang unang pagsasama

iza calzado & dimples romana in caretakers
Iza Calzado and Dimples Romana in a scene from Caretakers
Photo/s: Rein Entertainment / Regal Entertainment, Inc.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaugnay nito, nang bisitahin ng PEP Troika ang shooting ng pelikula sa San Miguel, Bulacan, ang tungkol sa pagiging ina ang mas pinag-usapan ni Dimples.

Ang panganay niyang si Callie ay kaslaukuyang nag-aaral ng aviation o pagpapalipad ng eroplano sa Australia.

Hindi makapaniwala ang Kapamilya actress na may anak siyang magiging piloto.

Read: Dimples Romana's daughter Callie, 20, now a licensed commercial pilot in Australia

Kuwento ni Dimples: “Student pilot kasi siya. So, 18 siya umalis, 20 pa lang po siya ngayon.

“She’s actually down to her last unit for university. Kasi po dito sa atin, di ba, you have to finish the college degree before you can take aviation.

“Doon po, naka-incorporate siya. Meaning, university, aviation school, and then university.

"So, she’s finishing very early. Very early na, in fact, yung talagang graduation rites nila ay Feb [2025] pa, pero one unit na lang siya.

“So, patapos na siya, makakauwi siya for my birthday and then we’re going there for Christmas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Dimples Romana very proud of daughter Callie Ahmee
Dimples Romana and daughter Callie Ahmee
Photo/s: Courtesy: Instagram

DIMPLES ROMANA AT TURNING 40

Magpo-40 years old na si Dimples sa November 13, at ang dami na raw niyang napagtanto. Pero proud siyang may napagtapos na siyang anak.

Saad ng aktres: “So, pag nakikita ko yun, naiisip ko talaga, 'Grabe Lord, 'no? Sobrang bilis ng buhay.'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"And for somebody who’s been working for almost three decades… ito na rin po kasi talaga yung bread and butter ko.

“Ito rin yung pinagpapasalamat ko na nagpapapunta sa kanya dun. Wala naman kaming pinagkakakitaan ng asawa ko, bukod sa mga negosyo namin.

"E, ano naman yung negosyo namin, Direk, di ba? Mas natutukan ko talaga yung sa karera ko.

“Nakita ko na 'Ah, yun lang pala ang maiiwan ko sa anak ko, education.' And gusto ko lang segundahan, Direk, yung sinabi mo na yung mga bata hindi mo sila masasabihan.”

Ang tinutukoy ni Dimples na "Direk" ay si Lino Cayetano na producer ng Caretakers.

Read: Dimples Romana no regrets in 26-year career in showbiz and ABS-CBN

THREE GENERATIONS APART

Natawa si Dimples dahil magkakaiba raw na henerasyon ang tatlong anak nila ni Boyet Ahmee.

Ang panganay na si Callie ay 20 years old; ang pangalawang si Alonzo ay nine years old; at ang bunsong si Elio ay magtu-two years old pa lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sabi ni Dimples, sa dami ng gingawa niya, tinitiyak niyang dapat ay may oras siya sa kanyang mga anak.

Read: Awww, Dimples Romana matches sporty outfits of sons!

“Masuwerte lang po ako kasi napakabait. So, kung ikaw mismo na magulang, mahihiya ka na hindi mo mabigay yung kailangan niya.

"In fact, hindi na siya humihingi nang labis, ako lang.

"Si Callie kasi, mahilig siya sa oras. So, yun ang pinakahinihingi niya.

"So, pag sinabi niyang, ‘I need your time, Mama,’ I really stop.

"And sometimes, I even excuse myself on the set, and I say, ‘Wait lang po, ha? Makikipag-usap ako,’” lahad ni Dimples.

JERRY OLEA

Ganito rin daw ang kapwa aktres ni Dimples na si Jodi Sta. Maria na kung puwede ay hindi siya ngasasabay ng mga proyekto.

Nang nakausap ng PEP Troika sa Jodi sa sa Regal Legacy event noong Sabado, Setyembre 21, sinabi nito hindi lang talaga niya mahindian ang alok ng Regal Entertainment ang horror movie na Untold.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay kahit ongoing din ang teleserye niya sa ABS-CBN n Lavender Fields.

Read: First movie ni Jodi Sta. Maria sa Regal, isusumite sa MMFF 2024

“At first, yun talaga yung challenge for me. Sabi ko, hindi ako sanay talaga na nagsasabay ng dalawang proyekto, it’s just na parang when the script was offered, parang, 'Do I say no to this one?' Na parang gusto ko rin siyang gawin.

“Of course, I do second step to be able to… more of, like, switch from Lavender to Vivian is my role here [Untold].

“So, ang nangyari, a lot of visualization and meditation to remind myself that it’s a character.

“After the shoot, tanggal yung character and then you go home as yourself and then pagdating mo sa isang set, para kang nagbihis ng damit, ako naman si Lavender Fields,” pahayag ni Jodi.

THIRDY IS JODI'S FIRST PRIORITY

Pero kapag ang anak na raw niyang si Thirdy ang nangangailangan, puwede siya agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Alam mo, kahit gaano ako ka-busy basta si Thirdy ang tumawag, ang mommy laging nandiyan.

"Hindi puwede… oo e, kasi bago ako artista, nanay muna ako ni Thirdy."

Sa ngayon ay busy rin ang kanyang anak sa pag-aaral kaya hindi pa raw siya nayayang magbiyahe.

“Si Thirdy actually is my favorite travel buddy. It’s just that, mas busy ang schedule ng bata ngayon because, ano na siya, second year college na siya.

"Ang bilis ng panahon, di ba?” bulalas ni Jodi.

Jodi Sta. Maria meeting son Thirdy Lacson girlfriend
Jodi Sta. Maria with son Thirdy
Photo/s: Cyrus Panganiban / @jodistamaria on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Si Dimples Romana naman ay medyo nagsesenti na sa nalalapit niyang kaarawan.

Bahagi na raw ng maturity ang pagpili ng mga projects na gusto niyang gawin.

“Kapag pala tumatanda ka, Direk, medyo may pagpili ka na nang slight. At hindi lang dahil pagod ka or dahil mas mapili ka. But ngayon ang lagi ko nang naisip, okay.

“'Is this worth my time that will be exchange for my time with my kids?' Kasi, when Callie left, dun ko na-realize yung value na ang bilis nilang tumanda,” pakli niya.

DIMPLES ROMANA ON THE LATE DEO ENDRINAL

Nakakadagdag pa raw ng senti niya ang pagkawala ng ABS-CBN executive na si Deo Endrinal.

Read: ABS-CBN executive Deo Endrinal dies

“Medyo may senti blues ako kasi magbi-birthday ako. Tapos nawala na si Sir Deo last year.

"Medyo malaki yung impact nun sa akin, kasi siya yung isa sa mga talagang nagga-guide sa akin in terms of my career, what to accept, what not to get. May ganun siya, kasi alam niya lagarista ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako kasi, wala akong pili sa trabaho e. Big, small, not si big, not so small, smallest, I will get and treated the same way.

“But after the passing of Sir Deo… may mga times kasi na dinate niya ako bago kami nagpunta ng Italy for his birthday. Wala pa kaming alam nun lahat, na may sakit siya,” saad ni Dimples.

deo endrinal & dimples romana
Dimples Romana and the late Deo Endrinal
Photo/s: @dimplesromana on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Deo raw nagbago nang pananaw niya sa trabaho, lalo na’t may pamilya na siya.

“Siyempre, hindi naman ako bida yung aking roots. As you know, I really started na support. Until of course, after Kadenang Ginto, I felt na, 'Ay, ganun pala!'

“And si Sir Deo din nagsabi sa akin na, ‘Dimps, alam ko ang tingin mo sa trabaho pare-pareho. Pero the way na pina-plot namin yung career mo, kailangan pipili ka. Kasi kung ayaw mong piliin dahil sa proyekto, piliin mo dahil ito yung oras na kukuha sa oras ng pamilya mo.'

“Ay! Nag-iba yung perspective mo.

"Lalo na ngayon, ang daming namamatay. Sa industriya natin, napo-pronounce lalo na kasi pillars na, e,” sabi pa ni Dimples.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
At this point of their career, award-winning actresses Dimples Romana (left) and Jodi Sta. Maria (right) choose to prioritize being mothers to their children over their work.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results