PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MAKA young stars, na-intimidate kay Romnick Sarmenta

MAKA young stars, mapasikat kaya ng GMA-7?
by PEP Troika
Published Sep 19, 2024
maka cast
MAKA CAST: (seated, from left) John Clifford, Olive May, Romnick Sarmenta, Ashley Sarmiento, and Marco Masa; (standing, from left) Sean Lucas, Zephanie, Dylan Menor, Chanty Vidal, and May Ann Basa.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Kailangan talaga ng GMA-7 ng mga bagong mukha na mabibigyan ng break, at sana mapasikat sa mga bagong programang binubuo nila.

Tingnan natin kung mangyayari ito sa bagong musical youth-oriented series na pinamagatang MAKA.

Magsisimula na ang MAKA sa Sabado, September 21, 2024, 4:45 P.M.

Read: PEP BEST BETS 2024: The Pairs We Ship

Tampok dito sina Zephanie, Dylan Menor, Ashley Sarmiento, Marco Masa, John Clifford, Olive May, Chanty Vidal, Sean Lucas, at ang nakilalang "bangus girl" ng Capiz na si May Ann Basa.

Ginagampanan nila rito ang mga estudyante ng Douglas MacArthur High School for Arts.

Major support dito ang mga magagaling at kilalang veteran stars na dati ring young stars—sina Tina Paner, Sharmaine Arnaiz, Maricar de Mesa, Jojo Alejar, at Romnick Sarmenta.

Kasali rin dito si Ms. Carmen Soriano.

Si Rod Marmol ang direktor.

maka cast
MAKA cast: (from left) John Clifford, Olive May, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, Zephanie, and Romnick Sarmenta
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

YOUNG STARS INTIMIDATED BY VETERAN STARS

Halos karamihan sa bagong young stars ay sinasabing na-intimidate sila nung una sa kasama nilang veteran stars.

Natatakot daw sila nung una, pero hindi naman daw nagtagal ay naging kampante na sila.

Kuwento ni Zephanie, “Medyo nahiya nga po ako kay Ms. Tina nung una, kasi yun po yung scene na medyo mas drama siya.

“Siguro po most of the time, akala po natin na intimidating sila at nakakatakot.

"Pero kapag naka-work niyo sila at nakilala niyo sila as a person and as an artist, dun mo nakikita na they’re willing to help you and guide you throughout the process.

“And I asked for help po sa kanya nun. Kahit po na konti lang ang sinabi niya, sobrang naka-help po dun sa drama scene na yun.

"So, I really appreciate all the veteran actors po na nakasama namin sa show, and talagang binigyan kami ng chance to work with them. It’s really a blessing po for us na naging part po sila ng show namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Zephanie reveals highlight of journey as Kapuso

zephanie maka
Zephanie
Photo/s: @sparklegmaartistcenter on Instagram

Sabi naman ni Dylan, “It’s an honor din and privilege to work with Sir Romnick, kasi ang galing niya, e.

"Ever since nung bata siya, nanonood din ako ng mga clips niya before. Guwapings pa rin, e, astig, e.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tapos dun sa scene po namin, he’s a strict teacher. So, ako as my role, inaangasan ko din siya. Natuwa ako na yun yung interaction niya.”

dylan menor maka
Dylan Menor
Photo/s: @sparklegmaartistcenter on Instagram

JERRY OLEA

Sina Marco Masa at Ashley Sarmiento naman ay magkasama sa pelikulang Caretakers ng Rein at Regal Entertainment. Isinulat at idinirek ito ni Shugo Praico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sila ang gumaganap na anak Dimples Romana.

Read: Iza Calzado at Dimples Romana, perfect timing ang unang pagsasama

Iba raw talagang experience na nakakaeksena ang mga magagaling na veteran stars at hindi madamot magbigay ng tips at talagang nagga-guide daw sa kanila.

Sabi ni Marco, “Yun nga, grabe po yung magiging impact nila sa show.

"Kumbaga, yung mga characters po namin makikita po na very jolly, barkadahan.

"Pero behind each character, meron po kaming tinatagong conflict with our family and, of course, with our passion."

Nakakaeksena raw madalas ni Marco si Romnick Sarmenta.

marco masa maka
Marco Masa
Photo/s: @sparklegmaartistcenter on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Ashley, “Si Sir Romnick, very intimidating din ho siya when I first saw him nung photo shoot.

“But then, once you get to know him, he is such a fun, sobrang… nag-i-impersonate po siya, ang dami po niyang ginagawang jokes.

“Na parang instead of yung feeling nervous and all, mas excited to go there and excited with his jokes.”

Read: Marco Masa at Ashley Sarmiento, magkainlaban kaya sa tunay na buhay?

ashley sarmiento maka
Ashley Sarmiento
Photo/s: @sparklegmaartistcenter on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Natawa si Romnick Sarmenta nang ipinarating sa kanya na intimidating ang dating niya sa mga bata.

“Lagi nilang sinasabi yan,” bulalas ni Romnick.

“E, tahimik ako nung first time. Sa photo shoot yun, e.

"Kilala mo naman ako, usually I keep to myself. And since wala namang interactions masyado, ganun lang, lakad-lakad lang ako, tapos paupu-upo lang ako.

“Pagdating sa shoot, siyempre magkakaeksena kami, I let them see na pag nagkamali ako, I can laugh about it, and then I can just take off and go on.

"I guess, that puts them at ease in a way na hindi masyadong seryoso sa set.”

romnick sarmenta maka
Romnick Sarmenta
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yes” and “No” ang sagot ni Romnick sa tanong kung may pagkakapareho ba ang mga kabataang ito sa henerasyon nila noon.

“Iba kasi ang generation ngayon. Pero at the same time, pagdating sa mga pinapangarap, pagdating sa goals, pagdating sa gusto nilang mangyari sa buhay nila, may similarities with the kids. Meron pa rin,” napangiti niyang sagot sa PEP Troika.

Read: Romnick Sarmenta, emosyunal nang magwagi sa 47th Gawad Urian

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MAKA CAST: (seated, from left) John Clifford, Olive May, Romnick Sarmenta, Ashley Sarmiento, and Marco Masa; (standing, from left) Sean Lucas, Zephanie, Dylan Menor, Chanty Vidal, and May Ann Basa.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results