GORGY RULA
Naniniwala sina Iza Calzado at Dimples Romana na ngayon talaga ang tamang timing para magkasama sila sa isang film project.
Silang dalawa ang lead stars sa pelikulang ginagawa ngayon ng Rein Entertainment at Regal Entertainment, ang Caretakers.
Isa itong eco-horror movie na isinulat at idinidirek ni Shugo Praico.
Ilan pa sa mga kasama sa cast ay sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Althea Ruedas, Erin Espiritu, at Erika Clemente.
Read: Lino Cayetano, proud na award-winning ang mga ipinoprodyus ng Rein Entertainment
Sabi ni Dimples nang nakapanayam ng PEP Troika sa set ng Caretakers, “First time naming mag-work ni Iza, ang cute kasi lagi naman kami nagkikita ni Iza.
“Sabi ko nga, ‘Iza, grabe, 'no? Ngayon lang talaga tayo magkakatrabaho.'
"And I’m very grateful to Rein, sina Direk Lino [Cayetano] because at this point in my career, what I yearn for and really pray for are co-actors and directors that I have never worked with before.
“Kasi po, early in my career, na-bless ako na makatrabaho sina Tita Vilma [Santos], sina Tita Maricel Soriano], sina Tito Albert [Martinez]. Pati yung mga bata ngayon. Sabi ko, sino na lang… grabe, kami pala ni Iza… puwede pala mangyari yun?
“Baka hinintay rin yung time na maging mommy si Iza. Naniniwala kasi ako na in perfect… I think it really matters now na nagkatrabaho kami.
"Perfect timing na kami ni Iza na magka-work ngayon, hinog na yung pagtatrabaho namin. Akmang-akma dun sa mga roles na pini-play naming ngayon.”
Read: Former Taguig City Mayor Lino Cayetano, ayaw na sa pulitika kaya balik-showbiz
DEIA'S FIRST VACATION WITH BEN'S FAMILY IN UK
Nang napag-usapan na ang pagiging mommy ni Iza, tuwang-tuwa siyang pag-usapan ang anak niyang si Deia Amihan, lalo na ang first vacation nito sa pamilya ng daddy niyang si Ben Wintle sa Poole, United Kingdom.
Nagbakasyon sila roon noong July ng halos tatlong linggo, at talagang naka-bonding ni Deia ang lolo at lola niya.
“Parang mas naging tisay siya nung nandun. Hindi ko maintindihan. Sabi ko, bakit yung anak ko, parang nandito nalagyan lang ng hangin na malamig-lamig, mas naging tisay. Pagbalik dito, bumalik din naman siya sa pagka-Pinay,” bulalas ni Iza.
Siyempre, tuwang-tuwa ang pamilya ni Ben doon sa UK dahil nakasama nila si Deia at yun daw ang mahalaga, sabi ni Iza, nagkaroon ng sapat na oras para sa pamilya.
Read: Iza Calzado cheers as Ben Wintle sings “Bahay Kubo” to Deia
View this post on Instagram
JERRY OLEA
Sabi pa ni Iza Calzado, hindi pamamasyal ang na-enjoy nila sa bakasyong yun kundi ang bonding time nilang pamilya.
“Honestly, it wasn’t even more of a sightseeing trip. It’s really to spend time with the family over there. To meet Ben’s lola… three weeks… almost three weeks at bitin yun that you’d want to spend time. Kasi hindi siya yung bakasyon na sight-seeing, e.
“Minsan-minsan sight-seeing, pero most of the days, Ben works in the morning. And then in the afternoon, that’s the only time we can go somewhere.
"Pag weekdays, ha? Kasi siyempre, he’s still running Booky even when we’re on vacation.
“He’s still working and we have family time in the afternoons mostly, unless it’s a weekend,” saad ng premyadong aktres.
Read: Iza Calzado on motherhood: “The best advice is no advice.”
NOEL FERRER
Buhay pa pala ang lola ni Ben Wintle, at nakilala pa ito ng daughter nila ni Iza Calzado.
Kaya gusto rin ng mag-asawang Ben at Iza na mapapadalas na makakasama ni Deia ang lolo at lola.

“Sabi ko kasi… may lola si Ben who’s 104 this November, but she still drives, lives on her own. Yes!
“He’s just… I said, you know, we have time with his parents. Kasi they will be here in December, pero yung… siyempre we want them to see Deia more than once a year.
“So now, we really need time for that. Kasi, valuable siya e, and I know it’s because I lost my parents both early in life.
“Every time talaga together is precious and you have to be grateful for, sa bawat bukas ng mata, kada araw, isang pasasalamat. Alam mo yung mahagkan ko siya sa araw ngayon ay isang pasasalamat,” saad ni Iza.
Read: Iza Calzado hosts meaningful party for daughter Deia's 1st birthday
Nakakabilib lang, kasi alam at kita ko kung gaano kasiksik ang schedule ni Iza ngayon.
May tatlo siyang pelikulang tinatapos, kasama na itong Caretakers.
Meron pa siyang isang espesyal na play na bubunuin pagkatapos, ang Tiny Beautiful Things, this November.
Pero nakita ko talaga kung gaano siya ka-committed bilang ina at asawa. In the middle of all these things, kailangan niyang mag-empake ng gamit sa bahay at mag-Ikea para sa gamit sa bagong bahay na lilipatan nila bago matapos ang buwan.
Isang Darna talaga itong si Mama Mary Iza, kaya blessed!
