PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julie Anne at Rayver, hindi pa puwedeng magpakasal sa 2025

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, nag-iipon na para sa kanilang future.
by PEP Troika
Published Sep 13, 2024
julie anne san jose rayver cruz the clash
Rayver Cruz on saving up with girlfriend Julie Anne Sn Jose for their future: “Sobrang nakakatuwa yung blessings na dumadating sa amin, sa JulieVer. And totoo naman po, e. Nag-iipon po kami para sa future naming dalawa. Wala naman po akong i-share ng future ko kundi sa kanya lang talaga. Alam naman niya na gusto ko siyang makasama habang buhay.”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Matipid at mas maingat ngayong sumagot si Rayver Cruz kapag tungkol sa wedding plans nila ni Julie Anne San Jose ang pinag-uusapan.

Tila may binabalak na siya at ayaw niyang magkaroon ng ideya ang kasintahan, dahil parang may nararamdaman na raw ito.

Read: Rayver Cruz: "Yes, I will marry Julie Anne San Jose."

Sa nakaraang media conference ng pagbabalik ng The Clash, na ginanap sa Studio 7 ng GMA 7 noong Huwebes, September 12, 2024, tungkol na naman sa pinaplanong pagpapakasal ang pinag-usapan.

“Mahirap pag-usapan dito, kasi nakikiramdam na siya, e. Baka hindi na ma-surprise e,” napapangiting sagot ni Rayver.

Hindi pa kasi nakakapag-propose si Rayver. At kung ano man daw ang balak niya, siyempre ang gusto niyang unang makaalam ay ang mga magulang ni Julie Anne.

Read: Rayver Cruz, handa nang mag-propose kay Julie Anne San Jose?

NOT YET THE RIGHT TIME

Pero ayon sa ilang napagtanungan namin, malabo pa raw ang next year na kasalan dahil may mga commitment pa si Julie Anne—ang tinatawag na Limitless Star—na kailangan nitong tuparin sa 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw sabihin sa amin ang buong detalye, kung endorsement ito o kung anong ibang commitment.

Pero hindi pa raw puwedeng magpakasal si Julie Anne dahil sa napirmahang kontrata sa project na yun.

Naalangan naman si Julie Anne sagutin ito dahil hindi pa siya puwedeng magsalita.

“Hindi po kasi ako makasagot nung tanong na yan, magdedepende po talaga yan e,” maingat na sagot ni Julie Anne.

Read: Julie Anne San Jose, marrying age na ba sa kanya ang 30?

Sabi naman ni Rayver, “Saka mahirap po magbigay ng definite date, kasi yun po ang laging tanong sa akin.

"Kung wedding naman po yung pag-uusapan, darating naman po talaga yan, in God’s perfect time.

“Basta alam ko sa puso ko na wala naman po akong ibang gustong pakasalan kundi si Julie Anne San Jose.

“So, yung definite date, kung kailan yung plano, mahirap sagutin yan kasi kailangan…

"I mean, internal muna nangyayari yan. But, definitely, you guys will know naman. Hindi naman para itago."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Julie Anne San Jose, Rayver Cruz admit wedding talks

JERRY OLEA

Bukas, September 14, magsisimula ang The Clash na nasa sixth season nito .Sina Julie Anne at Rayver pa rin ang hosts nito.

Kinantiyawan ng PEP Troika si Julie Anne na mukhang kinakarir na nito ang pag-iipon. Para ba ito sa pinaghahandaang kasal?

Pagdating ng Linggo, September 15, ay magsisimula na rin ang The Voice Kids kung saan isa naman si Julie Anne sa mga coach.

Meron pa siyang All-Out Sundays.

“Nag-iipon po ako. Nag-iipon po kami,” pakli ni Julie Anne.

“Sobrang grateful ako sa mga opportunity kasi binigyan ako ng ganitong klaseng shows ng GMA.

“And I also feel, you know, parang… responsible din because dalawang roles yung ginagampanan ko—as clash master [sa The Clash], yung isa as coach naman sa The Voice Kids. So, talagang pinagbubutihan.”

Sabi naman ni Rayver: “Sobrang nakakatuwa yung blessings na dumadating sa amin, sa JulieVer.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"And totoo naman po, e. Nag-iipon po kami para sa future naming dalawa. Wala naman po akong gustong i-share ng future ko kundi sa kanya lang talaga.

“Alam naman niya na gusto ko siyang makasama habang buhay.”

Ang dami ring ginagawa ni Rayver kaya paulit-ulit din siyang nagpapasalamat sa GMA-7 dahil hindi raw siya pinababayaan.

Bukod sa The Clash ay nasa All-Out Sundays din siya.

Tuloy pa rin ang taping niya sa primetime series na Asawa ng Asawa Ko, at meron pa raw siyang ginagawang pelikula.

NOEL FERRER

Pagdating sa The Clash, sabi ni Julie Anne, hinihingan din sila ng opinyon kung sino ang karapat-dapat manalo.

Pero nasa The Clash panel — sina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Ai-Ai delas Alas — daw talaga ang desisyon.

the clash hosts and judges
The Clash panel and hosts: (from left) Lani Misalucha, Christian Bautista, Ai-Ai delas Alas, Julie Anne San Jose, and Rayver Cruz
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pang-anim na season ng The Clash, ang isa raw sa hinahanap nila sa isang champion ay yung merong grit.

Paglilinaw ni Christian: “Definitely po, sana napakagaling kumanta. Sana may star quality, sana merong longevity na nakikita mo agad. Sana merong grit na talagang perseverance.

“Grit is a kind of toughness na kailangan mo sa industriyang ito, whether it’s a bad season or a tough challenging season, you're still yourself, talagang you will do your best na makaahon, makabalik na mag-stay.

“Kailangan din po yun sa bawat contestant, kasi pagkatapos ng The Clash, when real life begins, mas mahirap pa.

“Nasa controlled environment po kami dito, e. Pero pag-graduate mo sa The Clash, kahit ano'ng mangyari.

"At gusto po namin sa isang winner na kayang mag-adjust, mabilis on the fly, at kaya talagang i-prove na talagang kaya niyang maging champion not just for a year but for years to come.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang past winners ng The Clash ay sina Golden Cañedo (Season 1), Jeremiah Tiangco (Season 2), Jessica Villarubin (Season 3), Mariane Osabel (Season 4), at John Rex (Season 5).

Ang wish natin kay Julie Anne, sana gawin na niyang lahat — magpelikula at mag-major concert uli bago siya finally ikasal.

At masasabi niyang nag-try siya sa lahat, di ba? Go lang nang go, Julie Anne!!!

Read: Anthony Rosaldo, sinagot kung bakit wala pang sumisikat nang todo mula sa The Clash ng GMA-7

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rayver Cruz on saving up with girlfriend Julie Anne Sn Jose for their future: “Sobrang nakakatuwa yung blessings na dumadating sa amin, sa JulieVer. And totoo naman po, e. Nag-iipon po kami para sa future naming dalawa. Wala naman po akong i-share ng future ko kundi sa kanya lang talaga. Alam naman niya na gusto ko siyang makasama habang buhay.”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results