PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Allen Dizon, nabili ang dream car dahil sa Abot-Kamay Na Pangarap

Abot-Kamay Na Pangarap, hanggang October 2024 na lang ang taping.
by PEP Troika
Published Sep 10, 2024
allen dizon dream car
Allen Dizon on Abot-Kamay Na Pangarap's end: “Ganun naman talaga, e. Lahat ng show matatapos. Let’s face it, nahirapan na rin naman siguro ang mga nasa creative, nahirapan na ang mga writer kung paano pa pahabain. We are so blessed na umabot ito ng two years, umabot ako ng more than a year dito sa Abot-Kamay na Pangarap."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Ang latest na nabalitaan namin sa Abot-Kamay Na Pangarap, bandang kalagitnaan ng October 2024 na raw ang last taping nito.

Tama na raw yung dalawang taon itong namayagpag sa ere at na-maintain ang mataas na ratings.

Read: K-drama actor Kim Ji Soo officially signs with GMA's Sparkle

Since malapit nang matapos ang taping ng Abot-Kamay Na Pangarap, nagkaka-sepanx na raw ang buong cast dahil talagang nabuo ang maganda nilang samahan sa halos araw-araw na taping.

Nakausap ng PEP Troika si Allen Dizon sa last shooting day ng pelikula nila ni Iñigo Pascual, ang Fatherland.

Dito ay inamin ng aktor na mami-miss niya lahat ng kanyang nakatrabaho sa Abot-Kamay Na Pangarap.

Nakaisang taon at pitong buwan din daw siya sa Abot Kamay Na Pangarap, kaya talagang nagpapasalamat siya sa GMA 7, sa mga boss, at buong production staff dahil sa kanya ipinagkatiwala ang role bilang si Dr. Carlos Benitez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Allen Dizon, very challenging ang role sa Abot-Kamay Na Pangarap

Ayon kay Allen, “Ganun naman talaga, e. Lahat ng show matatapos.

"Let’s face it, nahirapan na rin naman siguro ang mga nasa creative, nahirapan na ang mga writer kung paano pa pahabain.

“We are so blessed na umabot ito ng two years, umabot ako ng more than a year dito sa Abot-Kamay na Pangarap.

“Alam ko marami akong nagampanan dito sa role, iba-ibang karakter ako dito sa Abot-Kamay.

"Ang dami nang nainis sa akin. Nung una, ang daming natuwa sa akin, ngayon ang dami nang nainis sa akin dahil sa mga nangyayari.

“Pero…. siyempre, tatanggapin ko kung ano ang binibigay na role.”

allen dizon abot-kamay na pangarap
Allen Dizon as Dr. Carlos Benitez in Abot-Kamay Na Pangarap
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FROM INDIE FILMS TO MAINSTREAM TV DRAMA

Mas nakilala kasi si Allen sa independent films. Pero dito sa Abot-Kamay Na Pangarap ay napasok niya ang mainstream.

Ayon kay Allen, ang Abot-Kamay Na Pangarap at ang pelikulang Fatherland ang itinuturing niyang pinakamalaking projects na kanyang nagawa ngayong 2024.

“Ito na siguro yung pinaka nagmarka sa lahat na nagawa ko. Hindi na ako tinatawag sa pangalan ko, e, si 'Doc Carlos' na ang tawag sa akin ng mga bata, ng mga matanda.

“Siyempre malaking bagay sa career ko dahil napunta ako sa mainstream, sa teleserye sa TV.

"Alam naman na nagpelikula ako, hindi ako masyado nagti-TV. Pero ngayon, dahil sa Abot-Kamay...

"Kaya nagpapasalamat ako sa GMA, sa lahat na bumubuo ng Abot-Kamay.

“Siguro this year, ito yung pinaka-blessing sa akin, itong Abot-Kamay at ang Fatherland,” sabi pa ni Allen.

Read: Allen Dizon's "salbahe" character earns ire of Jillian Ward's fans

JERRY OLEA

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil din sa Abot-Kamay Na Pangarap ay nakapag-ipon si Allen Dizon, at dalawang kotse ang nabili niya.

Nabili raw ng aktor ang kanyang dream car na hindi raw niya ibebenta, dahil ito na ang souvenir niya sa naturang afternoon drama ng GMA-7.

“Nagpapasalamat ako sa GMA, sa lahat na bumubuo ng Abot-Kamay. Nakapag-ipon ako, nakabili ako ng mga gusto kong bilhin.

“Nakabili ako ng dalawang sasakyan dahil sa Abot-Kamay.

“Mahilig ako sa mga sasakyan. Yung sasakyan na nabili ko yung alam ko na hindi ko na ibebenta, yung gusto ko talaga na ito nabili ko na dahil sa Abot-Kamay.

“Dream car ko to na alam ko magagamit ng mga bata pagdating ng araw,” masayang pahayag ni Allen.

Read: Allen Dizon reveals perks of playing Doc Carlos in Abot Kamay Na Pangarap

NOEL FERRER

Ipinakita ni Allen Dizon sa PEP Troika ang sinasabi niyang dream car, ang Toyota HiLux GRS 4x4. Mahigit dalawang milyong piso ang halaga nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinangalanan niyang "Doc Carlos" ang kotseng ito.

allen dizon dream car
Photo/s: Gorgy Rula

“Ito yung pag gusto ko mag-camping, pam-family, alam mo yung magagamit namin lahat na remembrance ko, souvenir ko sa Abot-Kamay.

“Yung ito yung pinagpaguran ko, yung nakabuo ako ng isang teleserye na napakaganda na minahal ng lahat,” masayang pahayag ni Allen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Allen Dizon on his passion other than acting: Off-roading and car restoration

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Allen Dizon on Abot-Kamay Na Pangarap's end: “Ganun naman talaga, e. Lahat ng show matatapos. Let’s face it, nahirapan na rin naman siguro ang mga nasa creative, nahirapan na ang mga writer kung paano pa pahabain. We are so blessed na umabot ito ng two years, umabot ako ng more than a year dito sa Abot-Kamay na Pangarap."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results