PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sinag Maynila, simula na; classic Pinoy films, libreng mapapanood

Mga bago at lumang pelikula mapapanood sa iba't ibang venues
by PEP Troika
Published Sep 4, 2024
sinag maynila classic pinoy films
(Top) The 6th Sinag Maynila film festival officially begins Wednesda, September 4, 2024; (bottom) some of the best and classic Filipino movies will be shown in Cinematheque cinemas nationwide for free.

JERRY OLEA

Andaming bagong pelikulang nag-open sa local cinemas ngayong Setyembre 4, 2024, Miyerkules.

Leader of the pack ang fantasy comedy horror film ni Tim Burton na Beetlejuice Beetlejuice, na sequel sa 1988 film na Beetlejuice.

Ni-reprise dito nina Michael Keaton, Winona Ryder, at Catherine O’Hara ang kani-kanyang papel.

Bagong dagdag sa cast sina Jenna Ortega, Justin Theroux, Willem Dafoe, at Monica Bellucci.

Read: Bagong Alien movie, hindi nakaporma sa JoshLia movie

beetlejuice beetlejuice
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang 40 nina Cindy Miranda ay Kiko Estrada ay opening sa mahigit 100 sinehan today.

kiko estrada cindy miranda 40

Showing din ngayong Miyerkules ang Unit 234, The End of Days, at ang exclusive sa SM Cinema na Into the Mortal World at AfrAId.

Read: Tony Labrusca, nag-"all out" sa skin exposure sa What You Did

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

6TH SINAG MAYNILA

Today rin ang umpisa ng 6th edition ng Sinag Maynila kung saan pitong feature-length finalists ang magtatagisan.

Ang mga ito ay What You Did, Her Locket, Salome, Maple Leaf Dreams, Talahib, Banjo, at The Gospel of the Beast.

Meron ding sets ng short films at documentaries na tampok sa indie filmfest na ito.

PHP200 ang ticket price ng entries sa 6th edition ng Sinag Maynila, na mapapanood sa Gateway Cineplex 18, Robinsons Galleria, Robinsons Manila, SM Fairview, SM Mall of Asia, SM Manila, SM Megamall, SM North EDSA, SM Southmall, SM Sta. Mesa, at Market Market.

Read: Francis Mata: From playing Pilosopong Tasio to doing Vivamax movies

sinag maynila poster
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

PAMANANG PELIKULA

Ngayon ding Miyerkules ang umpisa ng "Pamanang Pelikula: Honoring the Masterpieces of National Film Legends" program ng FDCP kaugnay sa 4th Philippine Film Industry Month.

Libreng mapapanood sa FDCP Cinematheque Centres (Manila, Iloilo, Negros, Davao, at Nabunturan) ang mga piling pelikula ng National Artists for Film mula ngayon hanggang Setyembre 27.

No pre-registration needed; just walk in and enjoy on a first-come, first-served basis.

Nasa Facebook page ng FDCP ang schedule ng libreng screenings ng mga sumusunod na pelikula:

Aguila

aguila
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anak Dalita

anak dalita

Ang Panday

ang panday
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bulaklak sa City Jail

bulaklak sa city jail

Genghis Khan

genghis khan
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Karnal

karnal

Manila by Night

manila by night
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maynila sa mga Kuko ng Liwanag

maynila sa mga kuko ng liwanag

The Moises Padilla Story

the moises padilla story
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Perfumed Nightmares

perfumed nightmares

2ND CINEPANALO FILMFEST

Siyangapala, nitong Setyembre 3, Martes ng gabi, ay ini-announce na ng Puregold sa kanilang Facebook page ang Top 8 finalists sa full-length category ng 2nd CinePanalo filmfest na nakatakda sa Marso 2025.

Originally ay pito lamang dapat ang pipiliin. Pero sabi nga, basta Puregold, laging may pasobra!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga ito ay Perlas sa Silangan ni TM Malones, Tagsibol ni Tara Illenberger, Sepak Takraw ni Mes de Guzman, Journeyman nina Christian Paolo Lat at Dominic Lat, Olsen’s Day ni JP Habac, Co-Love ni Jill Singson Urdaneta, Fleeting ni Catsi Catalan, at Food Delivery ni Baby Ruth Villarama.

NOEL FERRER

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Grabe, ano, kahit walang pasok dahil sa matinding pag-ulan, napakahirap pa ring hikayatin ang mga kababayan nating lumabas at manood ng sine sa sinehan mismo.

Maliban sa effort talaga sa gitna na ulan, baha at nangabuwal na mga puno, medyo mahalia rin ang admission price plus nakakalito pa ang screening schedule na ang tagal nang hinihintay ng mga cineastes na gustong manood ng Sinag Maynila entries.

Paano na kaya ito?

Pati yung “Sine Sigla sa Singkuwenta” ng MMFF 2024 ay ipu-push back ang schedule dahil walang pasok sa ibang opisina kaya nabalam ang pagga-gather ng mga exciting na pelikulang kasama sa classic MMFF films sa nakalipas na 50 years sa halagang 50 pesos lang!

Ia-announce namin ang line up ng movies soon. Palabasin lang muna natin ang mga bagyo at palipasin na muna natin ang Sinag Maynila.

Ang ikinakasa na ay ang pagpipinta ng mga mural ng MMFF posters sa mga piling pader ng Metro Manila. Exciting din ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mukha namang ginagawa ng mga kasamahan natin sa industriya ang lahat para mapasigla ang sitwasyon natin.

Pero parang kina Alice Guo, VP Shiminet, at sa bagyong Enteng with matching lindol daw kanina naka-focus ang atensiyon ng mga Pinoy ngayon.

In any case, ingat-ingat tayo talaga!!!

GORGY RULA

Sabi ng ilang sources ng PEP Troika, pagkatapos ng Un/Happy For You, wala nang sumunod na malakas-lakas na pelikula.

Read: Box-office success ng Un/Happy For You ng JoshLia, masundan kaya?

Sa ilang malls na naikot namin kahapon ay hindi ganoon karami ang mga tao.

Mas pinili nilang manatili sa bahay, at manood sa telebisyon. Kaya medyo okay ang ratings ng mga programang palabas.

Kaya sa mga pelikulang palabas ngayon, wala tayong aasahang maghi-hit sa takilya.

Kahit ang mga pelikulang kalahok sa Sinag Maynila ay may sariling crowd. Tingnan na lang natin kung alin sa pitong pelikulang kalahok ang mas panonoorin.

Samantala, ini-announce ng GMA Pictures sa socmed na ipapalabas sa Oktubre 16 nationwide ang pelikulang Balota.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyon ang topgrosser sa 20th Cinemalaya filmfest noong Agosto 2-11, at ang bida roong si Marian Rivera ay tinanghal na best actress katabla si Gabby Padilla ng Kono Basho.

Ito ang ikalawang Cinemalaya XX finalist na may commercial release. Nauna iyong Love Child nina RK Bagatsing at Jane Oineza.

Iyong documentary na Alipato at Muog na entry rin sa Cinemalaya ay na-X ng MTRCB.

Isa pang na-X ay ang Dear Santa na ang target playdate ay Setyembre 18.

Tingnan natin kung maaaprubahan ng MTRCB sa second review ang Dear Santa at Alipato at Muog.

Read: MTRCB chairperson Lala Sotto justifies X ratings of Alipato at Muog, Dear Satan

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top) The 6th Sinag Maynila film festival officially begins Wednesda, September 4, 2024; (bottom) some of the best and classic Filipino movies will be shown in Cinematheque cinemas nationwide for free.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results