GORGY RULA
Sa susunod na linggo ay aalis na ang grupo ng Mavx Productions patungong Cebu para sa shooting ng pelikulang ConMom.
Ito ang follow-up project ng samahan nina Paolo Contis, Patrick Garcia, at Kaye Abad, pagkatapos ng A Journey.
Read: Patrick Garcia awed by A Journey's chart-topping Netflix run
Kasama nila sa ConMom sina Empoy Marquez at Kit Thompson.
Kuwento ito ng isang ina, na gagampanan ni Kaye, na ipinagkait ng hiniwalayang asawa (Kit) ang kanilang anak.
Mayaman at powerful ang asawa rito ni Kaye. Para mapalapit lang sa kanyang anak, magpapanggap siya ng kung anu-anong karakter, kasama ang mga best friend niya ritong sina Paolo, Patrick, at Empoy.
Sabi ni Kaye, hindi ito yung usual na kuwento na ang nanay ang nagbabawal na ilapit ang anak sa tatay.
Read: Kaye Abad at Patrick Garcia, tuluy-tuloy na ang pagbabalik sa pag-arte?

PAOLO CONTIS ON ESTRANGED CHILDREN
Sa nakaraang look test ng ConMom ay hiningan ng PEP Troika ng opinyon ang dalawang lead actors ng pelikula na sina Paolo at Patrick.
Nakaka-relate kaya sila sa kuwento, dahil naranasan nila ito sa kanilang anak sa dati nilang nakarelasyon?
Tinanong namin kung ano ang natutunan nila sa kuwento ng ConMom.
Napatigil sandali si Paolo at nag-isip kung ano ang dapat niyang isasagot.
Iniiwasan ni Paolo na pag-usapan ang isyu niya sa kanyang mga anak kina Lian Paz at LJ Reyes.
Read: Paolo Contis on estranged daughters: "My biggest fear… is for them to actually hate me."
“Natutunan ko na mas magandang hindi ko sinasagot yung mga ganyang tanong. Hindi! Totoo to!” bulalas ni Paolo.
Susundan sana namin ng tanong, pero nagpaliwanag ang Kapuso actor kung bakit niya nasabi yun.
Aniya, “Mas magandang hindi pinag-uusapan yan, kasi mas okay ayusin ang mga bagay-bagay quietly.
“Sometimes people will just pressure you to answer, especially ngayon, di ba? Sa social media, parang feeling nila lahat, reporter sila, kailangan masagot mo sila.
“Pero sa totoo lang, simula nung nananahimik ako, mas maganda yung nagagawa ko for my… for all the issues that I have to fix. Mas naaayos ko siya nang hindi nagsasalita.
“At ngayong nagsasalita ako, malamang magkagulo na naman! Wala naman akong sinasabi e,” dagdag niya.
Read: Paolo Contis to fix issues "privately": "I did bad things...pero hindi sa tao."
JERRY OLEA
Umayon si Patrick Garcia sa mga pahayag ni Paolo.
Iniiwasan na rin kasi ng aktor ang isyu nito sa anak niya kay Jennylyn Mercado.
Ani Patrick, “Like what Paolo said, it’s a personal thing and sometimes when it’s personal, kumplikado kasi siya, e.
“If you… kinukuwento mo out in the open, imbes na maso-solve siya, mas nagiging kumplikado pa siya. So, yeah! I’d rather fix whatever issues we have personally, privately.
“Yung mga nakikisawsaw, okay lang yun, it’s part of the business. Okay lang, sige.”
Read: Jennylyn Mercado on Patrick Garcia's lesser time for their son: “Baka po busy lang siya.”
NOEL FERRER
Kukunan ang kabuuan ng ConMom sa Boljoon, Cebu. Maganda ang lugar na yun at bumagay raw sa kuwento.
Isinulat ni Onay Sales ang script ng ConMom, at si Noah Tonga ang director.
Magaan kay Kaye ang project na ito dahil sa Cebu ang shooting.
Medyo hirap pa raw siyang humiwalay sa mga anak niya dahil maliit pa ang bunso nila Paul Jake Castillo. May mga nag-alok na raw sa kanya na film projects at teleserye, pero hindi niya tinanggap.
Itong ConMom lang ang okay sa kanya, dahil sina Paolo at Patrick ulit ang kasama niya rito.
Read: Patrick Garcia, nakumbinsing magbalik sa pag-arte dahil kina Kaye Abad at Paolo Contis
“May mga nag-offer, but mahirap na kasi. Like sabi ko, hindi na siguro ako makapagserye. Kasi ano, e… masyado pang bata yung youngest ko.
“So, maybe two years o four years, he’s old enough. Baka kung may puwesto pa ako for serye.
"But for now, hindi pa, kasi I might have to stay in Manila for at least shortest three months. So, I can’t leave the kids,” saad ni Kaye.
Nung nag-shooting daw siya sa Tasmania para sa A Journey ay nangako na raw si Kaye sa asawa niyang si Paul Jake na isang pelikula lang siya a year.
“Actually, nung nag-Australia kami, pagbalik ko, sabi niya, ‘Once a year mo lang gagawin to, ha?’
"Kasi sa kanya naiwan yung mga bata. Sabi niya, ‘Once a year lang, ha?’ Sabi ko, ‘Sige, sige.’
“And this one, kasi short lang naman. Tapos sa Cebu pa ang shooting,” pakli ni Kaye.
At oo, iba na pala ang direktor dito sa ConMom na dati sana ay si Direk RC delos Reyes.
Ano pala ang nangyari roon?
