PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joel Lamangan, ayaw patulan ang pasaring ni Ahron Villena

Joel Lamangan: "Sinasagot ko lang ang tanong niyo. Wala akong sinisiraang ibang tao."
by PEP Troika
Published Aug 26, 2024
joel lamangan ahron villena
Veteran director Joel Lamangan (left) chooses to ignore actor Ahron Villena's (right) post that some netizens say allude to him. He tells PEP Troika, "Sinasagot ko lang ang tanong niyo. Wala akong sinisiraang ibang tao."
PHOTO/S: Jerry Olea / @ahronvillena on Instagram

JERRY OLEA

Nakatsikahan namin ni ka-Troikang Gorgy sina Direk Joel Lamangan at Jim Pebanco noong Agosto 23, 2024, Biyernes ng hapon, sa French Baker sa Cash n’ Carry, Makati City.

Napag-usapan namin ang sexual abuse na reklamo nina Sandro Muhlach, Gerald Santos, at isang unnamed male talent laban sa mga gay personalities sa TV industry.

Sabi nina Direk Joel at Jim, matagal nang kalakaran ang seksuwal na gamitan hindi lang sa industriya ng TV, teatro, at musika, kundi maging sa ibang larangan.

Hindi lang daw sa pagitan ng bading at lalaki, meron ding sa babae at lalaki, babae at tomboy, at kung ano pa man.

Read: Joel Lamangan nagkomento sa sexual abuse sa showbiz

AHRON VILLENA'S POST

Agosto 24, Sabado, nalathala rito sa PEP Troika ang panayam namin kina Direk Joel at Jim.

Agosto 25, Linggo ng gabi, naghimutok si Ahron Villena sa Facebook kaugnay sa isang direktor na hindi niya pinangalanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinaing ni Ahron, na-exploit siya ng nasabing direktor noong nag-uumpisa pa lang siyang mag-artista.

Salaysay ni Ahron (published as is, except for paragraph breaks): “Tandang tanda ko ung kelangan ko magplaster sa eksena cameo role lang ako my tumutulong na sakin sa production pero pumasok ka sa CR at pinaalis mo sya. Ang sabi mo pa ‘dapat hindi ka nagpapalagay sa kanila ako na dapat maglalagay nyan.’

“Wala namang problema sakin pero ilang beses mong tinatamaan at dinidikit ung kamay mo irerespeto kita bilang tao at direktor kasi magaling ka pero dahil baguhan pa lang ako noon 00 lang ako ng 00 kasi kelangan ko din kumita ng pera pero malamang hindi mo na maalala kasi sigurado ako hindi lang ako ang ginawan mo ng ganun.

“Nung ininterview ako sa fast talk noon hindi kita pinangalanan kasi my respesto pa din ako sayo. Kahit mga staff nagtatanong sakin hindi ako nagsalita. Kaya sana tahimik kana lang din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit noon or ngayon never naman magiging tama ung gawaing ganun. Kung totoo man or hindi hindi mo dapat itolerate ung mga ganung bagay!”

Ahron Villena's post

Read: Did Ahron Villena take a swipe at director Joel Lamangan?

FAKE JOEL LAMANGAN POST

Ngayong Agosto 26, Lunes, ay kumalat ang screenshot na may hanash mula sa verified account na Joel Lamangan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Walang binanggit na pangalan si “Joel Lamangan” sa nakakawindang na kuda: “Paano ka inabuso kung yoon naman ay iyong ginusto? Ikaw pa nga ang may sabi na is*b*.

“Kaya ka hindi kinukuha sa leading man roles ay dahil alam sa buong network at production circles na bakla ka. Hanga din naman ako sa iyo tumagal ka sa industriya dahil sa pamomokpok.

“llang baklang direktor at producer na ang iyong pinatikim ng panandaliang aliw at hinimod ang papaitan para magka project ka. Naka ilang rich gay benefactor ka na aber? llan na sa kanila ang tumira sa lyo para makuha mo gusto mo?

“Balita ko may ka live in ka pa na bakla ngayon sa Makati na nagbigay sayo ng negosyong bar at may mga anak anakan pa kayo na aso.

“Nakikisawsaw ka sa isyu para ikaw ay umingay at mapag usapan dahil pa laos na. Kaya itahol mo lang yan. Pero never ka inabuso dahil yoon ay ginusto mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
joel lamangan fake post

Wala ito sa FB ni Direk Joel.

FAKE ito, paglilinaw agad ng line producer na si Dennis Evangelista. Sinabi ni Dennis na hindi kay Direk Joel ang lumabas na pagtatalak.

FB post ni Dennis kaugnay sa fake post: “Hindi to galing kay direk Joel Lamangan. May poser si Direk Joel Lamangan na nagpapanggap na siya, kumukuha ng datung sa mga gustong mag artista at pinag brief online.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tungkol sa pahayag ng artista na allegedly ay pinatatamaan ang Sikat na direktör na siya sexually harassed — walang pahayag o pagpatol na sinasabi si direk Joel Lamangan.

“Hindi ganitong mag salita at hindi niya legit na acct etong naka post na to. Hindi rin niya ugaling manlait ng tao.

“Sa kasalukuyan ay busy si direk Lamangan kaya wala siyang panahon pumatol sa mga ganitong isyu.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Ayaw nang sagutin ni Direk Joel Lamangan ang ipinost ng aktor na si Ahron Villena.

Hindi na rin niya inalam ang iba pang nakisakay sa isyu.

Wala rin siyang pakialam sa ipinost ng poser niya.

Wala raw siyang alam sa buhay ni Ahron.

Pero nang binasa ko ang fake post ng nagpapanggap na "Joel Lamangan," parang may alam ang poser sa buhay ng aktor, ha?

Gusto lang linawin ni Direk Joel na hindi niya ipinagmamalaking matagal na ang kalakaran na pumapatol ang asipiring actors at actresses sa mga may puwesto o kapangyarihan sa showbiz para magkaroon ng proyekto at umangat ang career.

“Sinasagot ko lang ang tanong niyo. Wala akong sinisiraang ibang tao,” bulalas ni Direk Joel sa mensaheng ipinadala niya sa PEP Troika.

Read: GMA insiders stunned by mention of "rape" in Gerald Santos senate testimony

NOEL FERRER

Seryoso ang mga alegasyong ito at hindi tipong ipinadadaan sa social media lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May pormal na proseso kung gusto ni Ahron ireklamo ang ginawang pananamantala sa kanya.

Ang dami nang nakikisawsaw at nagbibigay ng kani-kanyang komento sa social media.

Ang lahat ng ito’y ingay lamang kapag hindi idinudulog sa pormal na channels — sa korte, NBI, DOJ, o sa Senado rin ba?

Maaaksyunan lang ito kapag may pormal na maghahain ng hinaing tulad ni Sandro, ni Gerald, at ng taga-TV5.

Hahanay ba si Ahron doon at ibubukas ang kanyang sarili sa public opinion?

Sa huli’t huli, wala sa social media ang pagbabago. May tamang proseso.

Tingnan natin kung saan hahantong ito.

Read: Sandro Muhlach reacts to CCTV footage released by NBI

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran director Joel Lamangan (left) chooses to ignore actor Ahron Villena's (right) post that some netizens say allude to him. He tells PEP Troika, "Sinasagot ko lang ang tanong niyo. Wala akong sinisiraang ibang tao."
PHOTO/S: Jerry Olea / @ahronvillena on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results