JERRY OLEA
Sexual harassment or exploitation ang tema ng pelikulang Bayad Puri (1997) na idinirek ni Joel Lamangan.

Andiyan ang istorya ng isang female TV personality na pumayag maging jumper ng kanyang boss upang magkaroon siya ng sariling programa.
Ang Bayad Puri ay pinagbidahan nina Dindi Gallardo, Ruby Moreno, at Chin Chin Gutierrez.
Kasama rin sa cast nito sina Charito Solis, Jay Manalo, Raymond Bagatsing, Richard Quan, Gary Estrada, Caridad Sanchez, Tony Mabesa, at Jim Pebanco.
Nakita namin sina Direk Joel at Jim nitong Agosto 23, 2024, Biyernes ng hapon, sa French Baker, Cash n’ Carry, Makati City.

Inusisa namin sila kaugnay sa sexual abuse or molestation na reklamo nina Sandro Muhlach, Gerald Santos, at unnamed male talent-news researcher.
Read:
- Sandro Muhlach reacts to CCTV footage released by NBI
- Gerald Santos, nilinaw na hindi GMA Network ang kanyang kalaban
- TV5 terminates program manager accused of sexual harassment
DIREK JOEL ON SEXUAL HARASSMENT IN SHOWBIZ: "HINDI NAMAN YAN BAGO."
Tumikwas nang slight ang kaliwang kilay ni Direk Joel, “Noon pa, meron nang ganun, day! Hindi lang nabubulgar, Diyos ko!
“Panahon pa ng kopong-kopong, meron na yun. Diyos ko! Ilang mga artista na naging leading man at sumikat, na nanggaling sa bading. Andami!
“Andami na noon, 'neng. Hindi lang nabulgar. Ngayon lang nabulgar. Dati noon, secret…
“Matagal na ang mga ganyan, luma na ang mga kasong yan. Hindi naman yan bago.”
Kilala ni Direk Joel ang dalawang independent contractor ng GMA-7 na sina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz.
“Mababait yung mga bading na yun. Hindi naman balahura,” sambit ni Direk Joel. “Mabait si Dode. Kawawa naman yun.”
Susog ni Jim kaugnay sa sexual harassment sa local showbiz, “Meron na noon pa! Diyos ko, pati mga babae. Sa TV industry, sa pelikula.
“Kasi, stepping stone yan, e. Gusto mong makilala, gusto mong magka-project. So papatol ka. Wala kang choice.”
Hindi gusto nina Sandro, Gerald, at unnamed male talent ang naranasan nila sa mga bading sa TV industry.
Napabuntong-hininga si Jim, “E kasi, pag wala ka namang pinanghahawakan at wala ka namang mga kakilala, papatol ka kasi gusto mong magkaroon ng trabaho.
“Gusto mong sumikat kahit papaano.”
Kaabang-abang kung saan pupulutin ang career ni Sandro kapag humupa na ang usaping ito. Sa ngayon, napag-alaman ng PEP Troika na marami ang ayaw o natatakot makatrabaho ang panganay ni Niño Muhlach.
Ang 22-anyos na unnamed male talent ay ayaw nang magtrabaho sa TV5. Na-trauma siya, at pinayuhan ng psychologist na lumayo muna siya. Warak na ng program manager ng Budol Alert na si Cliff Gingco ang pangarap niyang maging news reporter.
Si Gerald, noong 2010 pa nagreklamo sa management ng GMA Network. Hanggang ngayon ay may mga trabaho pa rin.
Kasama si Gerald sa Beyond Measure: A Worship Celebration na gaganapin sa Setyembre 24, Martes nang 6:00 P.M. sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.
Facebook post ni Gerald ngayong Agosto 24, Sabado, “Good morning! Eto yung song na I WILL from my last musical, I WILL The Musical based sa life story ni Doc Willie Ong..
“This is a timely, relevant song that could inspire and bring hope to anyone feeling down and anxious..Mabuti ang Diyos!”
Kalakip niyon ang YouTube link ng pagkanta niya ng I Will noong Oktubre 14, 2022 sa Metropolitan Theater ng Manila.
GORGY RULA
Lalong tumindi ang galit ng netizens sa dalawang independent contractors nang lumabas ang CCTV na kuha ng pagpunta ni Sandro Muhlach sa hotel room nila hanggang sa nakalabas ito.
Nakakaawa ang kalagayan ni Sandro na sabi nga niya ay pinagdusahan pa rin niya hanggang ngayon.
Pero hindi maiwasan ang "victim blaming" sa ilang nagsasabing bakit pa siya lumabas nang ganung oras.
"Mag-aalas singko nang madaling araw, nagpi-PR ka pa sa mga independent contractors na ito?"
Kaya magsisilbing-aral ito sa ating mga kabataan na talagang mag-ingat at lagyan ng curfew ang sarili pagdating ng ganyang pagkakataon.
Nag-enjoy na rin naman kayo sa dinaluhan ninyong gala night, tama na yun. Huwag isagad ang pagpapasaya. Meron pang bukas.
Kaya ang tanong ngayon ng ilang nakausap ko sa entertainment industry, may bukas pa kaya ang showbiz career ni Sandro sa nangyaring ito sa kanya?
Ilang executive producers, program managers na nakausap ko, hindi raw muna nila kukunin si Sandro sa kanilang mga projects dahil sa tingin nila, kailangan pa ng sapat na panahon bago niya ito malagpasan.
Hindi madaling mabura ang mapait na karanasang yun, lalo na kapag may project kang pino-promote, mauungkat at mauungkat ang isyung yun.
Siguro, mas mabuting magpaka-active si Sandro sa adbokasiya sa mga nabiktima ng sexual harassment. Magiging bahagi ito ng kanyang pag-move on sa mapait na nakaraan.
Samantala, gusto ko lang malaman kung tatalakayin din ba ng Committee on Public Information and Mass Media ni Senador Robin Padilla itong kaso ng unnamed male talent na nabiktima umano ng sinibak na program manager ng TV5 na si Cliff Gingco?
Sinampahan na rin naman siya ng reklamo sa NBI. Pero kung tatalakayin pa rin sa Senado ang Policies on Television Networks and Artist Management Agencies in Relation to Complaints of Abuse and Harassment, mas mabuting uriratin nila kung paano na-handle ng mga namumuno sa TV5 News and Public Affairs ang kaso nitong nagreklamo kay Gingco.
Read:
- Sandro, Gerald, TV5 talent scandals pinagpipistahan ng publiko
- Complainant, may mga ebidensiya laban sa TV5 program manager
- Raffy Tulfo, binantaan ang TV5 na magpapatawag ng Senate hearing
- Raffy Tulfo calls out TV5 for sexual harassment complaint
- Talent accuses TV5 program manager of sexual harassment
Ang dinig namin, nadismaya ang ilang staff sa pag-handle ng HR ng kaso nung nagreklamong unnamed talent na hinalay umano nitong si Gingco.
Totoo bang may ilang nag-resign na dahil natakot silang baka hindi sila maproteksyunan ng ilang boss nila sakaling mangyari sa kanila itong naranasan nung unnamed talent?
NOEL FERRER
Naka-six shooting days na si Direk Joel Lamangan sa pelikulang Fatherland, kung saan bida sina Allen Dizon at Iñigo Pascual bilang mag-ama.
Tatlong vignette ang nakapaloob sa pelikula. Yung vignette na kasama sina Cherry Pie Picache, Mercedes Cabral, at Richard Yap ay madugo ang shooting.
“Merong habulan, merong barilan… inaresto na si Cherry Pie ng NBI! Ininterbyu siya ng mga NBI,” sabi ni Direk Joel.
Mayor na mala-Alice Guo ang papel ni Cherry Pie sa Fatherland. Kalaban niya ang karakter ni Mercedes na vice-mayor.
Natatawang dagdag ni Direk Joel, “Lumaki siya sa farm. Ha-ha-ha-ha! Diyos ko, ang galing-galing ni Cherry Pie! Ang galing din ni Mercedes!”
Nasa cast din ng pelikulang Fatherland sina Ara Mina, Angel Aquino, Max Eigenmann, Yasser Marta, Jim Pebanco, Ara Davao, Abed Green, Bo Bautista, Rico Barrera, at Jeric Gonzales.
Ang Fatherland ay joint venture ng BenTria Productions ni Engr. Benjie Austria, at Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista.
Ang BenTria ang nag-produce ng launching film ni Jeric na Broken Blooms, na sinabayan ang playdate sa bansa ng Avatar: The Way of Water noong Disyembre 14, 2022.
Natapos na ang shooting ni Jeric sa unang vignette ng Fatherland. Kumusta ang kanyang performance?
“Very good!” mabilis na sagot ni Direk Joel.
