NOEL FERRER
Lumabas sa social media ang litrato ng pagdalaw ni Senator Jinggoy Estrada kay Jojo Nones sa detention cell nito sa Senado.
Na-detain si Nones matapos siyang ipa-contempt ni Estrada dahil sa patuloy na pagtanggi nito sa mga akusasyon laban sa kanya ni Sandro.
Read: Jojo Nones cited in contempt by Senator Jinggoy Estrada
Pormal nang nagsampa ng reklamong rape at acts of lasciviousness si Sandro laban kina Nones at Richard "Dode" Cruz sa Department of Justice noong Lunes, Agosto 19, 2024.
Nabalitaan ng PEP Troika na dumalaw rin umano kay Nones si Senate President Chiz Escudero, pati sina Senators Robin Padilla at Lito Lapid. Pero hindi ito kinumpirma sa amin ng kanilang staff at wala kaming nakuhang litrato.
Ang nakuha lang ng PEP Troika ay ang pagdalaw ni Senator Jinggoy.
Read: Sandro Muhlach naghain ng reklamong rape, acts of lasciviousness
JOJO NONES MAINTAINS HIS INNOCENCE
Sa panayam ng PEP Troika kay Senator Jinggoy sa telephono, sinabi nitong kinausap niya si Nones para tanungin kung magbabago na ba ito ng pahayag.
Kung sasabihin na raw ba ni Nones ang buong katotohanan sa nangyari sa kanila ni Sandro Muhlach.
Ayon kay Senator Jinggoy, aminin lang ni Jojo ang buong katotohanan, bahala na ang korte sa kanya dahil naghain na ng reklamo si Sandro sa Department of Justice.
Pero pinanindigan ni Jojo ang kanyang pagtanggi.
Samantala, nag-file na rin ang legal counsel niyang si Atty. Maggie Abraham-Garduque ng motion to lift order of contempt and release of resource person under detention.
Kailangan daw makalabas na si Jojo dahil inihahanda na ng legal counsel ang counter-affidavit para sa reklamong inihain ni Sandro sa DOJ.
Abangan na lang natin kung mare-release si Nones sa pagkaka-detain sa Senado, ngayong kinokontra ito ni Senator Jinggoy.
Read: Jojo Nones, Dode Cruz deny allegations of Sandro Muhlach
GORGY RULA
Hiningan din ng PEP Troika ng pahayag si Senator Jinggoy kaugnay sa pamba-bash sa kanya sa social media dahil sa pagtatanong niya sa Senate hearing noong Lunes.
Hindi nagustuhan ng iba kung paano magtanong si Senator Jinggoy, lalo na kay Gerald Santos.
Read: GMA-7, naglabas ng statement sa mga alegasyon ni Gerald Santos

Ayon kay Senator Jinggoy, doon sa hearing ay gusto muna niyang tapusin ang kay Gerald bago sila mag-focus sa kaso ni Sandro.
“I was fair naman, e. Gusto ko kasi i-dispose muna yung kay Gerald, bago yung kay Sandro. Tapusin na muna yung kay Gerald,” sabi niya.
Iginiit ng actor-politician na wala siyang kinakampihan sa hearing, at naging patas siya.
“I was fair in judging,” bulalas ni Senator Jinggoy nang nakausap namin sa telepono.
“Marami ang nagsasabi na masyado daw akong tough. I was not tough.
“I was not defending GMA. Ang sabi ko, ‘Nung nagreklamo ka after five years, bakit five years, di ba?’
“Nung nagreklamo siya after five years, inaksyunan naman ng GMA. 'Ano pa ba ang gustong mangyari?' sabi kong ganun.
“'Ikaw ang nagpa-release sa GMA, lumipat ka sa TV5, nandito yung mga dokumento hawak ko,'” dagdag niya.
Read: GMA-7, naglabas ng statement sa mga alegasyon ni Gerald Santos
CONVERSATION WITH GERALD
Nagkausap pa raw sila uli ni Gerald at sinadya pa raw siya sa opisina niya para magpasalamat.
“Tapos nung nagkaroon ng break, nag-usap pa kami, pinatawag ko. ‘Ano pa ba ang gusto mong mangyari diyan?
“'Kung gusto mong kasuhan, wala pa naman yatang prescriptive period yan, kasuhan mo na,' parang ganun.
“Umakyat pa yan sa opisina ko, nagpasalamat pa sa akin, e. Tapos sasabihin, I was too tough.
“Umakyat siya nagpasalamat pa sa akin. Kasi kinausap ko siya nung break.
“Kung gusto mong i-pursue… kasi in fairness naman sa GMA, ginawa naman lahat. Inaksyunan naman,” tugon ni Senator Jinggoy.
May kaibigan pa raw siyang nag-text sa kanya na pinupuna ang handling ng pagtatanong kay Gerald.
Ayaw na niyang sabihin kung sino itong nag-text sa kanya na tila kaibigan ng singer-actor.
“They better check their facts first before they judge me,” buwelta ni Senator Jinggoy.
Read: Who is "Prince of Ballad" Gerald Santos?
JERRY OLEA
Ngayong Agosto 21, 2024, Miyerkules, ang ika-41 anibersaryo ng pagpaslang kay dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
Nakaukit iyan sa puso at kaluluwa ng ATOM (August Twenty-One Movement).
Today also marks the first monthsary of “tatlo magkasalo” scenario: Sandro Muhlach x Independent Contractors of GMA Jojo Nones and Richard “Dode” Cruz.
Matatandaan na ang sparkling GMA Gala ay ginanap noong Hulyo 20, Sabado, sa isang yayamaning hotel sa Pasay City.
Dumalo roon ang SaJoDo (Sandro, Jojo, Dode).
Merong after party hanggang pagtilaok ng manok. Cocktails galore!
Ayon sa father dear ni Sandro na si Niño Muhlach, Hulyo 21, Linggo ng 3:59 A.M. naunang nag-text si Jojo kay Sandro. Nagka-chat sila, hanggang hindi na raw nag-reply si Sandro.
Bandang 4:27 A.M. ay nag-chat daw muli si Jojo kay Sandro. Umakyat kapagkuwan si Sandro sa hotel room ni Jojo, kung saan kasama nito si Dode.
Ang formal complaint ni Sandro ay isinampa sa GMA management, National Bureau of Investigation (NBI), at Department of Justice (DOJ).
Fiesta bonanza ang mga marites at tolits sa Senate hearing kung saan bidang-bida sina Senator Jinggoy Estrada at Senator Robinhood Padilla.
Noong Agosto 19, Lunes, ay ginunita ang 146th birth anniversary ni Presidente Manuel Luis Quezon (MLQ), kaya holiday sa Quezon City at sa mga lalawigan ng Quezon at Aurora.
Kapistahan iyon ni Saint Louis of Toulouse, also known as Louis of Anjou. Pumanaw si San Luis, Obispo ng Tolosa sa edad na 23 noong Agosto 19, 1297.
Last Monday ay meron muling Senate hearing, kung saan panauhin si Gerald Santos na sa edad na 15 noong Disyembre 26, 2005 ay inabuso umano ng isang musical director sa GMA 7.
Read: Gerald Santos speaks up about "sexual harassment" at 15
Noong araw ring iyon ay cited in contempt ang independent contractor na si Jojo Nones at inilagak sa detention cell ng Senate of the Philippines.
Balitang tinanggal na si Jojo bilang second unit director ng forthcoming Kapuso series na Prinsesa ng City Jail, starring Sofia Pablo.
Malayo ang kuwento nito sa pelikulang Bulaklak sa City Jail (1984) na pinagbidahan ng National Artist na si Nora Aunor.
MALE TALENT ACCUSES TV5 PROGRAM MANAGER OF SEXUAL ABUSE
Meanwhile, nitong Agosto 20, Martes, ay ibinalita ng Facebook page na Raffy Tulfo in Action — tinanggal na ng TV5 ang program manager na si Cliff Gingco.
Inakusahan ng isang male talent na minolestiya siya ni Gingco noong Hulyo 23, Martes ng 1:30 A.M. sa isang hotel sa Ortigas Center, Pasig City.
Hindi sukat-akalain ng 22-anyos na male talent na pagsasamantalahan siya ng kanyang boss na may asawang babae, may anak na babae, at miyembro ng choir.
Read: TV5 terminates program manager accused of sexual harassment
Ayon sa source ng PEP Troika, noong nakaraang linggo ay dumulog sa NBI ang unnamed male talent.
“Birthday ni Cliff Gingco noong Agosto 15, Huwebes, inilabas ang subpoena, at inaabangan ang pagpunta niya sa NBI,” pahayag ng source ng PEP Troika.
Naunang naganap at pumutok online ang Sandro Muhlach incident with two Kapuso independent contractors, kumpara sa pangmomolestiya sa unnamed talent ng Kapatid Network.
Mabilis umaksyon si Manny V. Pangilinan (MVP).
Sa bakuran ng GMA Network, parang nagmumulto ang sinapit ni Gerald Santos, at mukhang iigkas pa nang bonggang-bongga ang mga kaganapan sa mapait na karanasan ni Sandro Muhlach.
Abang-abang tayo sa legal moves ng kampo ni Gerald, just in case.
Menor de edad ang Prince of Pop nang halayin umano siya ng musical director, hindibaduday?!!!
Read: GMA-7 categorically denies Gerald Santos was "pinag-initan," "na-ban"
